Bad Boy's Lament: Devin

495 10 2
                                    

Prologue

" Nababaliw ka na ba Mina o sadyang tanga? Gagawin mo talaga? Alam mo naman sigurong pinagti-tripan ka lang ng lalaking 'yun di ba? My god! Please pag-isipan mo 'tong mabuti."

Nahilot ni Marcia ang sentido niya habang ako ay busy pa rin sa pagtingin sa grupo ng mga soccer team mula sa field. Nasa bench sila at bakanteng oras nila kaya nandito kami para panoorin ang aking ultimate love na maglaro.

Devin turns to look my way and my breathing hitched. He smirked when our eyes made contact with each other. His brows slightly raised. Alam ko ang ibig sabihin ng ekspresyon niyang 'yan.

" Hoy nakikinig ka ba?"
Winagayway naman ni Marcia ang kamay niya sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.

" Gagawin ko pa rin. Kung 'yun lang ang paraan para makuha ko siya, ok lang. I don't mind."kaswal kong sabi sa kanya saka binalik ang tingin kay Devin na ngayon ay naglalakad na sa field para sa pagsisimula ng laro.

Halos lahat ng nanonood nag-ingay para i-cheer sila, especially the girls. They're cheering his name over and over again.

I saw him proudly smiled. That's right baby, you must be proud. Shit. Anu daw Mina?

" You completely lost your mind Mina."naiiling pa si Marcia sa tabi ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at parang asong ulol na nakangiti.

" Alam mo namang simula pa high school gusto ko na siya Marcia, alam mong ni minsan hindi niya ako napansin at ngayong nabigyan ako ng oppurtunity, bakit hindi ko i-ga-grab di ba? Kahit gusto niya akong pagsayawin sa b-day party ng kaibigan niya ok lang. Pagkatapos naman 'nun magiging boyfriend ko na siya."

" Aware kang hindi isang ordinaryong pagsasayaw ang tinutukoy niya di ba? He wants you to be a stripper at that party! With many boys fiesting at your body! Shit. Maloloka ako sayo."

" Hindi naman ako completely maghuhubad, just trust me on this."

" Ay nako! Isusumbong talaga kita sa parents mo! I swear, kapag ginawa mo 'yun."

I glared at her. " Hindi mo 'yan gagawin, kung ayaw mong may sabihin din ako kina Tito."

Napalunok naman siya. Mas malakas ang alas ko sa kanya kaya alam kong hindi siya aangal.

" But you need to think this through. Kaya mo ba talagang gawin ang pinapagawa ng bad boy na 'yun? Alam mo? Maraming namang iba dyan eh, mas gentleman at mas mamahalin ka. Hindi mo ba naisip na masasaktan ka rin sa huli? He doesn't love you, ni hindi ka niya gusto at hindi rin naman kayo magtatagal kapag naging kayo."

I shrugged my shoulders. " Hindi ko rin alam Mars, pakiramdam ko wala na akong mahahanap na tulad niya. He have my heart, I gave it willingly kaya hindi na ako pwedeng makawala sa kanya. I like him a lot Mars."
I

sighed while looking a Devin.

Napahiyaw ang mga nanonood 'nung nai-goal ni Devin ang bola with his amazing flipback.
Nag-high five siya sa mga kasama niya kasabay pa rin ng ingay sa buong field.
They chanted his name again.

Lahat gustong pansinin niya, gustong bigyan ng kahit ngiti pero nagulat ako 'nung sa gawi ko siya tumingin and he wink. Pati puso ko halos kumawala na sa kaba. Nagtitili naman ang mga nasa parehong bench ko akala siguro para sa kanila ang kindat na 'yun.
Hindi nila alam, para sa'kin talaga 'yun.

I giggled inwardly.

I don't care what others tell, nakikinig lang naman ako sa sinasabi ng puso ko. Ika nga, follow your heart. Kilala ko na siya simula pa high school. Alam ko kung anong klase siyang lalaki. Isa siyang notorious na bad boy and casanova, playing around women's heart. Minsan na rin akong na-turn off sa kanya pero hindi ko alam kung bakit kahit ganun ginugusto ko pa rin siya. There's something about his eyes everytime he look at me. Sa kabila ng pagiging intense 'nun, I can see tenderness.

You see, minsan na akong natawag na freak ng iba dahil mahilig akong mambasa ng mata. I stare at someone's eyes and it feels like nakikilala ko sila sa pamamagitan 'nun.

Isang malakas na sipa ang ginawa ni Devin dahilan para maka-goal ulit, making the crowd gone wild. Hindi na naka-goal ang kalaban sa mga sumunod na oras. Sa huli, naiuwi na naman ng Crest University ang trophy. They are unbeatable.

***

" Saan ka pupunta?"tanong sa'kin ni Marcia, 'nung maglakad ako papunta sa kotse ni Devin, kung saan nakahilig doon ang lalaki at hinihintay akong lumapit sa kanya.

" Mauna ka na Mars."lingon ko kay Marcia at nakita ko siyang napa-hilamos sa mukha niya.

" Bahala ka! Ang tigas ng ulo mo."iritado siyang tumalikod at naglakad palayo.

Susuyuin ko na lang 'yun mamaya.

Nagtuloy-tuloy na ako papunta ka Devin. Ngumiti ako ng matamis 'nung huminto ako sa tapat niya. God! Nakakapang-hina ng tuhod ang mga tingin niya. Just his presence makes my inside tingles with excitement.

" Congratulations sa panalo niyo."sabi ko.

Inayos ko ang salamin ko sa 'nung mailang ako dahil nakatitig pa rin siya sa'kin. Yes, I wear those thick glasses. Masisisi niyo bang malabo ang mata ko? I don't see anything wrong with wearing eye glasses, hindi ibig sabihin 'nun isa na akong geek freak.

He cleared his throat and cocked his head to the side. " So have you decided yet?"tanong niya.

I gulped. " O-oo naman. P-pumapayag na ako sa gusto mo."

His thick brow raised. " Talaga? Ang bilis ah. I didn't expected that."

" Basta ba tutupad ka sa usapan." I clutched my books. Hindi pa ako kailanman naging ganito ka-blunt but I have to. Ayokong magmukhang timid sa panginin ni Devin. I know his standards are high and he doesn't like timid women.

" Of course."ngisi niya na muntik ng nagpatibag sa mga tuhod ko.
I tried not to stare at his intense black eyes, but I can't.

Mabagal akong tumango sa kanya.

" You can still back down, Mina."

Even how his tongue twirled, to mention my name send shivers to my body.

" I've decided to go for it."sagot ko sa kanya.

Ngumisi siya sa'kin.

" Okay."

Hindi ko pinansin ang mga babaeng nakatingin sa'min. Pakiramdam ko wala ng mahalaga kundi itong moment na kausap niya ako. Nasa akin lang ang atensyon niya.
Mamatay sila sa inggit dahil sooner or later, magiging akin na rin si Devin.

My breathing hitched when he started walking towards me.
" Give your best performance and I'll give you your price."he said staring at me.

Bago pa ako maubusan ng hininga, lumayo na siya sa'kin.

Tumango ako sa kanya. Mas nagiging determinado akong gawin ang gusto niya.

All for him. All for Devin Lennon Zobial.

---

Second installation of Zobial Cousins Series. Sana po subay-bayan niyo.

VOTE, COMMENT, SHARE AND FOLLOW

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Boy's Lament: DEVINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon