Babaeng Nakatirintas ang Buhok

35 0 0
                                    

2nd year hayskul ako. Lagi lang ako nasa loob ng klasrum namin. Nakikipagdaldalan sa mga ka-klase. Nag-aaral ng maige (kunyari). Masipag ako nu'n, lalo na sa daldalan.

Kapag nababagot ako sa loob ng klasrum namin, lalabas ako at tatambay sa koredor. Dun, madalas akong nakatanaw sa kawalan. Pinagmamasdan ang mga estudyanteng masayang gumagala gala sa buong campus. Nasa ikalawang palapag kasi ang klasrum namin at tanaw mo ang buong quadrangle. Madalas ako dun, magiisip ng kalokohan sa bawat matatanaw na tao. Kapag lumalakas ang hangin at magkakaroon ng mala-sand storm sa buong quadrangle. Yun ang kaligayahan ko nu'n. Iisipin ko'ng paparating na si Aang! (Ang Last Airbender).

Yun lang ang madalas na gawain ko, dun umiikot ang araw ko. Mag-aral, dumaldal, tumanaw sa kawalan, magisip ng kalokohan, makipagharutan sa ka-klase, uuwi, kinabukasan ganun ulit.

Ngunit, isang araw. Break time namin at tinatamad akong bumili ng pagkain sa kantina. Nakatambay lang ako sa koredor. Pinagmamasdan ulit ang mga estudyanteng masayang pagala gala sa quadrangle, pinupuntahan ang mga kaibigan nila sa ibang klasrum. Makikipagdaldalan, at kung minsan kahit tapos na ang break time ay nakatambay pa din sila. Tapos na ang break time namin at wala pa din kaming gurong nadating. Nakatambay pa din ako sa koredor at ang mga ka-klase ko'y busy sa loob na nag-iingay. Sa kasagsagan ng aking pagtambay ay nakita ko ang isang babaeng lumabas mula sa ibabang klasrum. Hindi ko nakita ang mukha niya pero nakuha niya ang atensyon ko sa pagmamasid masid sa campus.

Bay! (biglang tapik ng ka-klase ko)

Oh? Bakit? -____-

Ano ginagawa mo jan?

Wala, nagaantay na masusuntok ko sa mukha. Hahaha, biro lang.

Ano ba tinitignan mo jan at parang titig na titig ka.

Wala na nga eh! Bigla ka kasing nanggulat! Nawala tuloy!

Haha. Sori man ! Tara, pasok na tayo sa loob. Maabutan ka pa jan ni Ma'am.

Ayoko, ikaw nalang. Nakakabagot sa loob eh.

Bahala ka jan.

Saktong pagkaalis ng ka-klase ko ay bigla kitang nakitang pabalik ng klasrum niyo. Ang kyut ng mukha niya! (sheeeeeeeeet).

Simula nung araw na 'yun. Taong koredor na ako, madalas kitang inaantay lumabas at madalas na din akong bumaba para pumunta sa canteen para kapag babalik ako ay dadaan ako sa tapat ng klasrum niyo at tatanaw tanaw bago umakyat ng hagdan. Pero hindi na kita muling nakita.

Bay! (sabay na sigaw ng dalawa kong ka-klase.)

Bakit? (Nagulat na paglingon)

May sagot ka na sa assignment natin sa math? hehe

Ay! Wala pa! Kayo meron na?

Wala din. Kokopya sana kami eh.

Hahaha! Joke lang! Dun sa bag ko! Kunin niyo nalang, wag kayo magpapakopya ah.

Sige, kahit si Nica?

Eh siyempre, president yun eh.

Haha! Sus! Kunwari ka pa! Crush mo lang yun eh.

Ano naman? (sagot sa isip)..Eh edi wag niyo pakopyahin. Kayo naman susuntukin nun eh.

Haha. Sige sige, tunganga ka na ulit jan.

Pagalis nila't napayuko ako para tumingin sa baba at nakita ko yung babaeng nakatirintas ang buhok na nakaupo sa hagdan sa tapat ng klasrum nila.

Agad agad akong bumaba para pumunta ng CR kunyari. Ngunit pagbaba ko, papasok ka na ng klasrum. -__________-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pretentious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon