Campus

15 0 0
                                    

Minsan nakakasawa na rin yung love story na 'LANGIT ka, LUPA naman ako paano magiging tayo?' Yung tipong 'You and Me against the world' ang drama. Pero sino bang mag-aakala na masasama sa ganun ang love story ko? Labo diba.

Classmate ko sya nung High School. Madalas syang idescribe na "Tall, White and Handsome". Maputi kasi talaga si Liam. Chinito at may mapula at manipis na labi. Minsan kapag nakikita ko sya sa may gate papasok ng campus eh nag zozoom in lang ang paningin ko sa kanya, yung parang sya lang ang nakikita mo. hayyy. pag-ebeg nge nemen. 

Kaso sa istoryang ito ako ang LANGIT at sya naman ang LUPA. May kaya naman sila eh pero hindi katulad sa amin na talagang nakakaangat sa buhay.  Hindi ko alam kung paano nagsimula ang love story namin. Nagising na lang ako nang isang araw na kami na. Ang ganda ko kaya. hahahah. 

Well, wala naman special sa kung paano nya ako niligawan eh. Gusto nya ako, gusto ko sya konting hatid - sundo, flowers, chocolates at sinagot ko rin sya, siguro mga 5 months din nya akong niligawan. Pero syempre dahil nga 'You and Me against the world ang drama namin ayaw sa kanya ng mga magulang ko.

"Layuan mo ang anak ko kundi ipapakulong kita!" seryoso, yan ang sinabi ng Daddy ko kay Liam. 

Pero hindi nagpatinag si Liam ipinaglaban nya ako hanggang sa tanggapin sya ng mga magulang ko. eh nakulitan atah ikaw ba naman ang araw-araw na puntahan sa bahay na laging may dalang lutong ulam eh ewan ko na lang. djoke. Hindi naman araw-araw, tuwing Sabado at Linggo lang. 

"Ano bang nakita mo dyan sa lalaking yan at parang patay na patay ka." minsang tanong sa akin ni Mother Earth

"Ma, sa mukhang yun, chossy pa ba ako?" pabiro kong sagot sa kanya.

"Ayusin mo yang mga sagot mo Sophia." saway ni Father Dear.

"Dad, Ma, bigyan nyo kasi ng chance si Liam para makita nyo rin kung anong nakita ko sa kanya kung bakit patay na patay ang maganda nyong anak sa gwapong nilalang na yun." pagtatapos ko ng aking speech. 

Mag-isa lang namumuhay si Liam, wala na ang papa nya at ang mama naman nya ay nasa ibang bansa. At nung nakasundo naman nya ang mga magulang ko eh halos ayaw nang paalisin sa bahay. Kulang na lang ay ipahakot nila Mommy yung mga gamit ni Liam at dalhin sa bahay. 

Hanggang sa nag college kami ni Liam. Pareho kami ng University na pinapasukan. Kaya halos araw-araw eh magkasama din kami. Kami ang tinaguriang Campus Couple . Halos lahat ng mga faculty ay kilala kami, ako ang co-captain ng cheering squad  ng university namin at sya naman ay gumawa ng pangalan noong napanalunan nya ang titulong Mr. Campus Hearthrob. 

Sabi nga nang mga kaklase namin at ng mga iba pang nakakakilala sa amin "Perfect Match" nga daw.  

"Oh bakit yan suot mo?" tanong ko kay Liam habang inaayos ko ang buhok ko sa salamin.

"Ayos naman ah. Kitang-kita ang kaputian ko." pabiro pa nyang sabi.

"Eh para kang pupunta sa lamay eh." sagot ko. Ililipat na kasi nya ang korona sa bagong tatanghaling Mr. Campus Hearthrob. At sa dinami-rami ng pinagpilian nyang suotin yun pang itim na barong ang napili nya.

"Ok naman ah.Halika na nga magsisimula na yun.Tama na yan, maganda ka na. at isa pa, hindi naman ikaw ang rarampa mamaya." pabiro nyang sabi sabay halik sa pisngi ko..

"Oo na.eto na." 

Marami ang nakapansin sa itim na barong na suot nya pero hindi na lang namin iyon pinansin. Habang rumarampa sya sa stage hindi ko maiwasan na titigan sya. Ang gwapo talaga nya. Kahit na 6 years ko nang nakikita ang pag mumukhang yan hindi pa rin ako nagsasawa at hinding-hindi ako magsasawa.

Pagkatapos ng araw na yun nagpatuloy ang buhay namin sa pag-aakalang kami na hanggang sa huli. . . .

Nung gabing yun hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Nagbasa na lang ako ng libro sa pagbabaka sakaling dalawin ako ng antok. Mga bandang alas dos ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello"

"Sophia. . ." sabi ng isang garalgal na boses sa kabilang linya halatang kagagaling lamang nito sa isang pag-iyak.

"T-tita? Bakit po" hindi ko alam, pere bigla akong kinabahan.

"Si Liam. . wala na si Liam."

Tumigil ang tibok ng puso ko. Wala na akong narinig na ibang salita na nanggaling kay tita.Unti-unting pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyayari.

Nakita ko na lang si Mommy na pumasok sa kwarto ko at niyakap ako habang si Daddy ay may kausap sa telepono. 

"Ma. . .Hindi ko kaya. ." i manage to say between sobs. 

"shhhh. kaya mo yan. Kakayanin naten toh." ramdam ko na umiiyak na rin si Mommy pero hindi tulad ko na halos ibuhos ko na ang lahat ng tubig ko sa katawan.

Pinilit kung ayusin ang sarili ko bago kami pumunta ng ospital.Alam mo ba yung feeling na wala ka nang maramdaman?Habang naglalakad kami sa pasilyo ng ospital papunta sa dulong kwarto kung saan naghihintay ang lalaking pinakamamahal ko. Iniisip ko na siguro nananaginip lang ako. Na mamaya gigisingin na ko ni Mommy dahil naghihintay na sa sala si Liam. Pagbaba ko makikita ko na naman ang ngiti sa gwapo nyang mukha , hahawakan nya ang kamay ko habang hindi inaalis ang tingin nya sa akin, tapos sasabihin nyang "I love you piya ko. Mahal na mahal kita."

Hanggang sa makarating na kami sa kwarto ay iyon pa rin ang iniisip ko. Pinilit kong patatagin ang loob ko. Nakita ko syang nakahiga sa kama. Unti-unti akong lumapit sa kanya. 

"Lims, nandito na ko. Gumising ka na dyan. Sige ka pag di ka gumising kikilitiin kita. Hoy! nakakainis ka naman eh. Diba sabi mo hindi mo na ko paiiyakin. Gumising ka na Lims. Gumising ka na please. . .Liam." hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.  "Sabi mo bibigyan mo pa ko ng magandang bahay, sabi mo ikakasal pa tayo, sabi mo sabay tayo, ang selfish mo bakit ka nauna? Bakit mo ko iniwan.?

Habang inaayos nila ang lahat ng kailangan sa burol hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa  akin. Nakaupo lang ako sa isang tabi at nakatingin sa malayo. Umaasang panaginip lang ang lahat, isang masamang bangungot.

4 years nang wala si Liam pero buhay na buhay pa rin sya sa puso ko, noon hindi ko alam kung paano ako makakabangon, pero dahil sa tulong nang mga magulang at kaibigan ko nakaya ko rin.

"Liam, ikakasal na ako. Sana masaya ka. Hindi man ikaw ang makakasama ko sa araw na ito ikaw pa rin ang one great love ko. Si Jorge, kung natatandaan mo sya yung nilipatan mo nang title ng Mr. Campus Hearthrob. Ang kulit nuh? Sya rin ang bumuo ng puso ko. Mahal kita, at kahit kelan hindi mawawala yun. "

----- SOPHIA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Places In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon