Migraine

400 18 7
                                    

Just can't figure out how to go on with Nina's story.

For now, please enjoy Jewel's story.

+++

1st entry

 

 

Dear Crush,

 

Ang hirap pala ng ganito. I think I've already fallen for you pero hindi ko naman pwedeng aminin.

 

Nakakatuwang recently madalas mong mapansin ang existence ko.

 

I guess you'll always be that dream I'd never get to have.

 

 

Sigh,

Jewel

+++

"Hey prenship! Watcha doin?" si Rocky, ang bff kong sa kabila ng napakatigas na pangalan ay may pusong mamon. Umupo sya sa tabi ko.

Pasimple ko namang itinago sa bag ang maliit na Spongebob tickler ko.

"Wala naman. Eto nagsa-sight seeing. Hehe." Tumingin ako sa direksyon ni Dave na kasalukuyang kausap ang isang kabarkada sa labas ng student canteen.

Yep, hindi naman lingid sa friends and classmates ko na crush ko si Dave.

Fourth year students kame ni Rocky ng section A samantalang ang transfereeng may ilang buwan ko na rin namang pinagnanasahan, hehe, ay from section B.

"Sus, di pa kasi lapitan. Mauunahan ka pa ng iba dyan, sige ka."

"Sino'ng iba? Ikaw?" nakakunot noo kong tanong.

Parang on queue na may lumapit na kikay na student kay Dave at iniabot ang isang take-out bag ng kilalang fastfood malapit sa school namen.

"Watda?! Kababaeng tao sya pa lumalapit sa lalake. Eww!" I looked at the girl with obvious distaste in my face. Saktong lumingon naman si Dave sa amin at ngumiti.

MigraineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon