The Only One

84 5 9
                                    

Prologue

Naglalakad ako sa corridor habang nakikinig ng music ng biglang... "ARAY!!! BULAG KA BA??!!" sigaw ng di ko kilalang babae. Di ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad at nagulat ako ng hilahin nya ang braso ko paharap sa kanya "di mo ba ko narinig? Ano? Bulag ka na nga bingi ka pa?" nagtitimping tanong nung mukhang war freak na babae.

Tinanggal ko yung headset ko at nagkunwaring hindi ko narinig lahat ng sinabe nya " Excuse me, may sinasabe ka ba? Kung meron man pakiulit na lang di ko kasi narinig eh nakaHEADSET kasi ako eh" napanganga lang yung babae pati yung mga estudyante sa paligid sa sinabe ko at nung nakita nila kung sino ako. Paanong di sila magugulat eh yung pinakatahimik nilang schoolmate ay nakapagsalita ng ganun.

Totoo yun ako yung pinakatahimik sa lahat. Walang kaibigan, halos lahat nga hindi makalapit sakin na para bang takot sila, dapat lang dahil ayoko sa kanila.

Ako si Alexa Parker...

Isa ang pamilya ko sa pinakamayaman sa Asia. Kilala at tinitingala ang mga magulang ko. Only child lang ako kaya nakasanayan ko ng maging mag-isa, busy kasi lagi ang parents ko.

Katulad nga ng sinabe ko kanina wala akong kaibigan tanging music lang ang tinuturing kong kaibigan... Parang sa tingin ng iba boyish type daw ako. Pagmahilig sa music boyish type agad?

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon