Chapter 5

7 1 0
                                    

Chapter 5

Xandrae Elizalde's POV

Naglalakad na ko papunta sa section 2A. Mukhang malalate pa tuloy ako nito.

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nanood pa ko sa kanila?! Aish!!

Tiningnan ko yung orasan ko. 5 minutes late na ko. Nag-umpisa na kaya sila?

Binilisan ko nang maglakad. Nang biglang nag-ring yung phone ko. Sinagot ko naman agad ito.

[dude! Asan ka na? Nag-start na kami oh. Kahit kelan ka talaga! Lagi ka na lang---]

[nandito na ko.] pag-putol ko sa sasabihin nya. Pauulit-ulit na lang kasi. Nakakasawa na.

Binaba ko na yung phone ko. Nakita ko yung adviser ng 2A malapit sa pinto ng room nila.

"Good morning ma'am!" Masayang bati ko sa teacher.

"Good morning Mr...."

"Elizalde po. Xandrae Elizalde." Pag-patuloy ko kay ma'am. Mukhang di nya pa kasi ako kilala.

"Oh. You're Mr. Elizalde... So, why are you late Mr. Elizalde?

"Uhmmm.. I lost my way" kunyaring nahihiya kong sagot kay ma'am.

"How come you lost your way? I heard you've been a student here since last year." Patay! Mukhang di pa kumbinsido si ma'am sa sagot ko.

"You're right ma'am--"

"Jen. Ma'am Jen" pag- putol nya naman sa sinasabe ko.

"Ok, ma'am. You're right about the things you've just said. It's just that- I lost. That's all. Can we get inside now? We're wasting our time."

Wala naman ng nagawa si ma'am Jen. Nag-ok na lang sya at pumasok na kami.

Hinanap ko na agad si kyle. At nakita ko naman agad sya. Dun ako umupo sa tabi nya.

"Dude nakailan na?" Tanong ko kay kyle.

"Mga dalawa na yata. Pangatlo na yan."-kyle

"May napili ka na?"-ako

"Wala pa nga dude eh." Bored na sagot ni kyle.

Tiningna ko yung nagpeperform sa harap. Parang ewan lang. Nag-tutula?

Band member po ang kelangan namin. Para lang sa kaalaman nyo.

Nakakabored.

~~~~~

Napangiti na lang ako bigla ng maalala ko yung babae kanina na nakaaway nung Sinasabe nilang Queen Bee na patay na patay

sakin.

As I remember, sya din yung babaeng nakita ko kahapon sa tambayan ko na natutulog.

"Dude bakit ka ngumingiti?"

Bakit nga ba ko napapangiti?

"Dude! Ano? May napili ka na ba?"

May pagka-war freak pala talaga sya tulad ng inaasahan ko.

"Huy! Dude!"

"Hah?Ano?"

"Hahahahaha! mukha kang ewan dude! Hahahaha!" Loko to ah! Porke't nagulat, mukhang ewan agad?! Kainis to!

"Geh lang. Tawa pa."

"Hahahaha. Ok ok. Titigil na ko. Epic fail kasi ng mukha mo eh." Hingal na hingal nyang sabe. Naluluha pa yung mata. Nakakatawa ba talaga? Sa guwapo kong to. Tch.

"Eh ano ba kasing iniisip mo?"

"Wala."

"Wala daw. Parang kanina ka pa tulala dyan. Ni hindi mo nga narinig yung tanong ko."

"Ano ba talagang iniisip mo?" Dugtong pa niya.

"Wala nga kasi. Ang kulit mo naman." kalalaking tao napakachismoso.

Nanahimik na si kyle. Pano ba naman, tinutunaw nya yung crush nya sa mga titig nya.

Makatulog na nga lng. Tinapik ko si kyle. "Kyle ikaw na muna bahala, idlip lng ako."

"Okay"

Tumungo na ko, ready to sleep. Pero pag pikit ko... napapitlag ako dahil sa nag-flash sa isip ko ang isang babaeng natutulog...

"Drae ok ka lng?" tanong sakin ni kyle.

"Y-yeah." Wala sa sarili kong sagot.

Bakit pati sa pag pikit ko ikaw ang nakikita ko? Diba dapat wala akong pakialam sayo? Bakit mo ba ini-invade ang isip ko?

"Dude. Wala bang matino sa kanila? Wala pa kong nakikitang may potential at babagay sa group natin." reklamo sakin ni Kyle na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Sabe ko naman sayo eh magpa-audition na lang tayo. Kulit mo kasi. Gusto mo lang makita yung crush mo dito eh. We're just wasting our time."

Paano ba naman, gusto nyang kami na lng ang mag-hanap.

"Pero dude, diba nga sinubukan na natin magpa-audition?Lahat ng nag-audition di mo tinanggap.Ang strict mo kasi kung pumili."

"Hah! Ako pa sinisi mo ah. Kasalanan ko bang di katanggap-tanggap yung talent nila para sa group natin?" totoo naman eh.

Nagpatuloy lang kami sa pagtatalo ni Kyle. Pero pabulong lang kasi may mga nag-peperform sa unahan. Di na nga kami nakikinig eh. Para silang mga ewan.

"Next." wika ni ma'am Jen.

Naglakad yung babae papunta sa harap dala yung gitara nya. Sa pagkakatanda ko sya yung crush ni Kyle.

"Kyle, diba yan yung crush mo?" Oy! Di ako chismoso no. Curious lng.

Hala si Kyle tulala...

"Hoy Kyle!" Tawag ko sa kanya tsaka sya niyugyog. Pero syempre mahina lng.

"A-ano?" tanong nya habang nakatingin pa din dun sa babae.

"Tinatanong kita kung sya ba yung crush mo?"

"Yup. Sya nga. Wag na wag mo syang aagawin sakin. Binabalaan kita Xandrae Elizalde." grabe naman to. As if naman magugustuhan ko yan. Mukha pa lang halata ng masyado syang jolly and I hate it.

"As if naman magugustuhan ko yan.. Saksak mo pa yan sa baga mo eh." pagsusungit ko sa kanya

"Grabe ka-"

Napahinto kami ni kyle sa pagbubulungan nang marinig namin na nagsimula na kumanta yung crush ni kyle....

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon