Tarantanong

41 0 0
                                    

At dahil pasukan na naman ngayon at tamad pa ang mga teachers na mag turo eto si maam ngayon at nag papa-game -.-

Ang tawag sa game na ito ay "Taran-tanong" so hindi namin alam kung ano iyon dahil si maam pa lang ang mag papa uso nito samin

Hay nako nakakatamad kayang mag laro hapon na hapon eh nag papalaro pa si maam and take note ha medyo may katandaan na yan si maam pero kung umasta akala mo isang bata -.-

Mga matatanda talaga bumabalik sa pag ka-bata haha joke lang so mabalik tayo sa palaro ni maam. So yun na nga kinuwento saamin ni maam kung paano yung laro na iyon

Dapat daw may dalawang players sa unahan at mag tatanong ng kahit ano. Dapat pag tinanong ka ang sagot mo ay isa ding tanong dapat di mo masagot ng tama yung tanong ng kalaban mo dahil pag nagawa mo yun talo ka and also dapat di ka matataranta at kapag naka tatlong sagot ka ng tama out ka na so dapat puros tanong lang ang isasagot mo pabalik sa kalaban

Kung iisipin mo madali lang naman ang game niya mag tatanong ka lang naman ng kahit ano eh

"So ako ang pipili ng mga mag lalaro okay *ehem ehem* First players will be Vin and Shane second Mark and Violet third is Tim and Tiara. Okay tatlo lang muna ang mag lalaro ngayon next time na lang sa iba. So may I call Mr. Vin and Ms. Shane to come here in front of us" sabi ni maam

So pumunta na nga sila sa harapan at eto namang si shane parang ni-ne-nerbiyos pa haha halatang kinakabahan eh kahit di naman first day ngayon nakaka-kaba pa din lalo na pag nasa harapan ka ng mga ka-klase mo

"Okay so start na kayo. Kahit anong maisip niyo na tanong go ahead basta walang ma o-offend okay nasa laro lang tayo guys so go and start" sabi ulit ni maam

Nag simula na nga sila mag tanungan sa isa't isa eto ang mga ilan sa mga nasabi nila

Vin: Bakit ka kinakabahan?
Shane: Bakit ka nangengealam?
Vin: Anong magagawa ko?
Shane: Bakit ano nga bang magagawa mo?
Vin: Bakit ang sungit mo?
Shane: Why do you care?
Vin: Bat ang suplada mo?
Shane: Anong pake mo?
Vin: Bakit ako mag kakaroon ng pake sayo?
Shane: Bakit nga ba?
Vin: Ewan ko sayo!

"Stop!! Out you two! Ang boring ng tanungan niyo! Dapat yung mga nakakatawa or something else na makakapag bigay ng saya sa klase na ito tignan niyo mga ka klase niyo mga walang buhay ni hindi man lang natutuwa sa pinag gaga-gawa niyo hayy nako go back to your sit now" biglang sabi ni maam

Napaka highblood naman netong si maam haha pero totoo naman eh ang boring nga para nga na silang dalawa na lang nila vin at shane ang nandito sa room kung makapag usap -.-

"Next tayo sa second players so Mark and Violet come here in front of us" sabi ulit ni maam at pumunta naman sila sa harap at nag simula na hindi na ko masyadong nakinig dahil napaisip ako

Nakakainis kasi malapit na kami ni Tim hayss tinatamad pa naman ako arghhh >.< saka mas nakakainis nga na si Tim pa ang naging kalaban ko tss

Isa kasi yang mayabang na lalake sikat siya dito sa school namin pero hindi naman siya nag bubulakbol sadyang mayabang lang at mataas ang tingin sa sarili -.-

Pero kahit ganun crush ko pa din siya hihihi >////< shhh lang kayo ahh nung unang nakita ko kasi siya dito sa room namin biglang ayaw ng matanggal ng mata ko sakanya para bang na magnet ito kaya ang hirap tanggalin ng mga paningin ko sakanya aaminin ko gwapo siya pero medyo bad boy ang looks niya na tumugma naman sa ugali niya -.-

Bigla akong napatingin kay Tim at nasaktuhang nakatingin din pala siya sakin nagulat naman ako kaya di ko na naman maalis ang tingin ko sakanya at bigla siyang kumindat sakin at napapatawa na lang na inalis ang tingin sakin

TarantanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon