Misteryosa siya.
Sino kaya siya?
Bakit di siya nalabas ng bahay nila?
Gustong ko siyang makilala.
Ganun nga ang ginawa ko. Pumunta ako sa tapat ng bahay namin. Paunti-unti. Habang papalapit ako,naririnig ko na may kumakanta. Ang ganda sa tenga. Ang sarap matulog. Pagsilip ko sa bintana,nawala siya? Asan kaya siya?
"Hello!" Sabi ng isang boses sa likod ko.
"Aaaahhhhh!" Nakakagulat. Pagtingin ko sa likod,grabe ang ganda niya.
"Ay sorry,nagulat lang ako. Ikaw ba yung nakatira dito?" Tanong ko sa kanya kasi di ko alam kung saan siya nakatira.
"Dito. Andito ako ngayon para magbakasyon. Kaso nga lang,di ako nalabas kasi wala akong kilala dito eh. Pero napapansin ko,palagi kang nakatingin dito. Bakit ba?" Nakakatuwa niyang sagot sakin. Pero kahit nakakatuwa yung mukha niya,ang ganda niya pa rin.
"Ah eh,kasi may naririnig akong kumakanta dito. Kaya napapatingin ako dito. Teka nga pala,kaanu-ano mo yung may-ari ng bahay dito?" Grabe,ang sarap niyang kausap. Ang gandang boses niya eh.
"Pagmamay-ari namin to ng family namin. Every summer,pumupunta kami dito para magbakasyon. Pero ngayon,ako lang kasi malapit na akong pumunta sa abroad." Halatang may halong kalungkutan yung boses niya. Ano ba yan. Nalulungkot na din ako.
"Kuya Andy! Asan ka na? Hinahanap ka na ni nanay!" Ay,pisti. Ang ingay ni Ally. Tapos KJ naman si nanay.
"Ge. Alis na ako aah. Tawag na ako ehh." Nakakahiya mang umalis pero kailangan. Sorry talaga.
"Sige. Okay lang. Pero kung gusto mong pumunta dito,punta ka lang. Welcome ka dito,Andy. At ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko dito." Oh,my. Her angelic face. Her angelic voice. Nakaka-inlove.
"Sige bye."
Nakarating na ako ng bahay. Pagdating ko,inutusan ako ng aking nanay na bumili ng suka sa tindahan. Pagdating ko ng tindahan.nakita ko yung yaya ni Angelic. Pinalayawan ko siya ng 'Angelic' kasi una,di ko alam yung name niya at pangalawa,she has that angelic face and voice. Anyway,tinanong ko yung yaya niya,
"ate,anjan ba si Ang-- este yung amo niyong babae?" Muntikan ko nang masabi yung palayaw niya sakin. Huehue.
"Aah,si Ma'am? Andun siya sa may baybay ata ngayon. Bakit po?" Akala ko sasabihin ni ate yaya yung pangalan niya. Siguro maganda yun.Kasingganda ng boses niya.
"Kasi po,mamaya po eh,pupuntahan ko siya. Pero wag niyo pong sabihin aah." Palusot ko lang.
"Sino ka ba ni Ma'am? Boypren ka ba niya?" Hala si yaya. Hindi po pero malapit na.=D
"Hindi po>////////<. Kaibigan niya lang po. Sige po,una na ako." Syeeeeee. Hindi normal para sa isang lalaki ang mamula. Pero bakit parang ramdam ko? Inlove na agad ako sa kanya? Pagkatapos kong ibigay kay nanay yung pinabili niya,pinuntahan ko kaagad siya sa baybay. Di nga nagkamali si ate yaya,andun nga siya.
"Miss beautiful voice!" Tawag ko sa kanya. Ang ganda noh.
"Oh,Andy. Anjan ka pala. Bakit?" Ang ganda niya.
"Gusto kong kumanta tayo. Alam ko namang maganda yung boses mo eeh."
"Sige. Ano bang magandang kanta?" Tanong niya sakin.
"Ikaw na mamili. Ikaw na rin magsimula." Honestly,walang kanta na nasa isip ko ngayon. Pero kung hindi ninyo natatanong,mahilig ako sa music. At kahit anong kanta yan,kaya kong kantahin. Yun yung special skill ko. Oha? >:-)