______________________________________________________________
Sa dami ng kalahok nung umpisa, below 100 na lamang ang nakapasok sa 2nd part ng elimination.
Kasalukuyan na nangunguna si Khylle sa elimination round ng competition. Ayon sa mapa na ibinigay sa kanila ay sa isang food stall sa loob ng isang mall ang huling venue para sa round na ito.
Pagka-park ng sasakyan ay dire-diretso ang barkada sa loob ng mall. Halos mabali na ang leeg ng mga tao sa mall habang pilit na sinusundan sila ng tingin. Palibhasa mga mukha at kutis artista kaya agaw-pansin talaga.
Nakarating na sila sa food stall na tinutukoy sa mapa. Ang goal sa last round na ito ay paunahan maubos ang cheesecake na itinitinda ng stall sa loob lamang ng 3 oras. Wala naman na sinabing kadagdagan na rules kaya napag-usapan ng Knights na tutulungan nila si Khylle na magbenta ng cheesecake.
Naisipan nilang gumawa ng malalaking banners na ipapakita nila sa mga dumaraan sa stall. May mangilan-ngila na bumili ng cheesecakes and sa takbo ng bentahan ay hindi sila aabot sa time limit na binigay.
Ilang saglit pa ay dumating na sa lugar ng competition si Aldred. Agad na binasa nito ang goal para sa huling round na ito. Napansin ni Khylle na may tinatawagan si Aldred. After a few minutes may mga dumating na mga butlers at nag-assemble ng tables at refreshments stands sa tabi ng cheesecake stand.
At isa-isang naglabas ng malalaking placards na may nakalagay na “FREE REFRESHMENTS FOR EVERY PURCHASE OF A CHEESECAKE.”
Dumating na din ang ibang mga kalahok na pursigidong makapasa sa elimination round na ito. Kanya-kanyang pakulo ang mga contestants. So far, close fight ang bentahan ni Khylle and Aldred.
“Medyo makapal talaga ang mukha ng aldred na yun noh!” komento ni Toffer.
“Relax lang dude! Ang importante mabenta natin agad ang cheesecakes.” Kim
“Sa kapal ng mukha ng lalaking yun, kanina ko pa napapansin na panay ang pa-cute sa mga girls lalo na kay Thea.” Hiro
“At nakuha pang mag-flying kiss. Baliw na ata!” Julian
Uminit ang ulo ng Khylle na marinig ang huling sinabi ni Julian. Ngunit bago pa sya tuluyang mabadtrip ay nagkaroon ito ng idea kung paano mananalo ng tuluyan sa round na ito.
“Anu kayang pinaguusapan ng Knights at bakit sila nagkukumpulan?” Candice
“Baka may naisip na bagong strategy.” Julia
“They better think fast, malapit na silang malampasan ni Aldred at ng grupo nya.” Iya
Natigilan ang mga girls sa pag-uusap ng isa-isang naghubad ng kanya-kanyang polo ang nights at saka nag-angat ng posters na may nakasulat na “FREE HUG AND KISS FOR EVERY PURCHASE OF A CHEESECAKE.”
Naghiyawan ang mga kababaihan pati na din ang kabaklaan na nakabasa ng mga bagong placards. Una-unahan silang pumila sa stall ng Knights. At gaya nga ng sinabi nila sa poster ay kada-bili ng isang cheesecake ay meron silang hug at kiss sa Richmonde Knight na gusto nila.
Halos pantay ang linya ng babae at bakla kanila Julian, Hiro, Kim, at Toffer. Ngunit kitang-kita naman ng lahat na ang may pinakamahabang pila ay nasa linya ni Khylle. Hindi nila alam na inis na inis na ang kani-kanilang kapareha dahil sa pakulong pina-uso nila para manalo.
“Girls, let show the guys the consequence of their actions!” Julia
“Wala naming nasabi sa rules na hindi ako pwedeng sumali sa round na ito, so I am DEFINITELY IN!” Thea
“It’s Payback time!” deklara ng girls
Wala pang 10minutes ay naubos na ang cheesecake na nasa stall nila kaya si Khylle at ang knights ang 1st place sa elimination round. Nakuha na din nila ang silver egg na nasa huling box ng cheesecake.
Nagtatawanan pa ang Knights dahil sa nangyaring stampede sa stall nila. Sumunod na din na nakaubos ng cheesecake si Aldred at pasimpleng lumapit sa Knights.
“Good Job Knights! At may gana pa talaga kayong magtawanan dyan ha!?”Aldred
“Shut up! You are a sour loser Aldred!” sambit ni Khylle.
“Let see who will be the sour loser kapag nakita nyo na kung nasaan ang mga girlfriend nyo.” Aldred
Naalarma ang knights sa nasabi ni Aldred kaya hinanap nila ang girls.
At gayon na lamang ang pagtiim ng kanilang mga bagang at pagpipigil na makapatay ng tao ng Makita nila ang girls na tinutulungan ang ibang mga kalahok sa competition.
Paano sila tumulong?
Simple lang naman. Nagsuot sila ng mga fitted at sexy na damit at nag-offer ng “free customer service” sa bawat bibili ng cheesecake na ibinibenta ng mga kalahok na galling sa Accountancy department.
Kitang-kita ng Knights kung paano pagkaguluhan ng mga kalalakihan ang Richmonde Roses dahil sa ino-offer nito na “free customer service”—sinusubuan ng cheesecake ang customers, pumapayag magpakuha ng picture kasama ang customers, may free kiss at hug na nga, may free massage pa.
“I’ll buy 10 pcs of cheesecake, and with that I want Althea to serve me.” Unknown guy
“Yes sir. Here’s your order.” Acctg student 1
“I’ll come back for her later.” Unknown guy
Ubos na ang lahat ng cheesecake ng accountancy students ngunit panay pa din ang aligid ng mga lalaki sa Richmonde Roses.
“Excuse me lang po, Ms. Thea. A customer specifically asked for you.” Nahihiyang sabi ng isa sa acctg student na kasali sa competition.
“Ah ganun ba. Excuse me guys.” Tumayo na si thea at sinundan ang acctg. Student na lumapit sa isang nakatalikod na lalaki.
“Sir, ito na po si Ms. Thea.“Well, Hello there Thea.” Humarap ang lalaki sa kanya ng may nakakalokong ngiti.
“Uhmm.. do I know you?”Thea
“Don’t worry about it sweetheart. Let’s just enjoy our time, okay?” sabay akbay kay Thea.
“Jake! Get your hands off her!” sigaw ni Khylle
“Oh cmon on now Khylle! I paid for this. Go away and let me enjoy the customer service.” Sagot ni Jake habang mas lalong hinapit sa akbay si Thea.
“Jake? The guy that we saw at the resort?” Thea
“Yes, sweetheart ako yun.” Sabay kindat sa dalaga.
“Thea, move away from him NOW!” utos ni Khylle
Thea was stunned. First time nyang masigawan ni Khylle. At hindi lang yun basta isang sigaw, he’s demanding obedience from Thea.
Bahagyang napaluha si Thea at tumayo mula sa kinauupuan. Nakakailang hakbang na sya ng naisipan nyang balikan si Jake.
Nagulat ang lahat ng niyakap ni Thea si Jake at mabilis na hinalikan sa pisngi.
“Thank you for buying 10 cheesecakes. Have a nice day!” bulong ni Thea. Iniwan niyang nakatulala si Jake na pulang-pula pa ang mukha.
Mahigpit na hinawakan ni Khylle ang kamay ng kasintahan at hinila palayo sa mga food stalls.
Kasunod nito ang Knights na kanya-kanyang hila din ang mga Roses.
“Khylle! You are so damn lucky to have a sweet girlfriend!” sigaw ni Jake sa palayong grupo ng Knights
“I know! And I don’t plan to share her with anyone else, especially with someone like you!” matapang na sagot ni Khylle.
“Hinay-hinay lang Ico. Baka sa sobrang possessive mo, masakal na ang girlfriend mo.” Banta ni Jake.
Automatic na napatingin si Khylle kay Thea at hindi nakaligtas sa mga nito ang luhang tumulo sa mata ni Thea.
_________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
My A.K.N.Y Girl (M.A.G)- completed
Fanfiction"I thought i already knew...But I didn't." Linyang totoong totoo sa babaeng tulad ko na isang A.K.N.Y. (pronounced as spelled).. Aamin na ba ako or habang buhay na lang magiging in-denial? Baka ikaw mismo na nagbabasa nito ay naging o kasalukuyang A...