katok!!!

23 2 0
                                    

ang story na ito ay nangyari nung bata pa ako pero naalala ko pa ito hanggang sa ngayon,dahil sa isang katok sa pinto ng bahay namin.

nasa probinsya kami non nakatira hanggang ngayon pero hindi na sa dating kinatatayuan ng bahay namin pero ganon pa rin lugar.

siguro mga 5 something ang edad ko nun pero hindi yun hadlang para di ko maalala ang mga nangyari ng gabing yung.diba sa probinsya eh uso yung mga aswang dating.

ganito yung nangyari mga 9 to 10 ng gabi na yun hindi pa uso ang tv nun sa probinsya kaya maaga pa natutulog mga tao doon sa amin.

tulog na nanay at tatay ko nun at yung kapatid kong babae na sumunod sa akin pati na kuya ko at ako ay gising p ng oras n yun.ng may marinig akong katok sa una hindi ko ito pinasin at iniisip na lang na baka may bgay lang na hinhangin at tumatama sa pinto kaya nag mimistulan kumakatok.

mga ilang katok din yun di ko alam nagising pla kuya ko.tumayo kami at lumapit sa pinto,ng binuksan namin ang pinto tumanbad sa amin nakakatakot na anyo ng isang tao  kung tao ba yun mabalahibo ang katawan mapupula at nanglilisik ang mga mata at may pangil,mapula din at mga ngipin at may tumutulong laway,hindi kami nka sigaw non pero naisara namin ang pinto ng mabilis,pero hindi naman nagpumilit ang nilalang na yun na pumasok.

nakaharang kami sa pinto na yun inutusan ako ng kuya ko gising ang tatay namin pero dahil sa takot di ako magalaw at umiyak na lang,khit mlpit lng ang tinutulugan ng magulang namin.ipinakuha nya sa akin ang trangka pra sa pinto pero nagiginig ako sa takot hindi ko kinuha kahit abot ko.ktagal ng wala na kaming marinig na ingay sa labas ng pinto binuksan namin to ng maliit pra silipin pasalamat kami at wala na doon na namin gising magulang namin,ngunit pinahiga na lang kami.


kinabukasan sinabi namin sa magulang namin ang nangyari ng gabi na yun pero di sila naniniwala,yung nilalalang na yun ay tintawag na ASBO isang uri ng aswang,simula ng araw na yun nakakarinig,nakakakita at nakadama at ng mga bagay na di magawa ng isang normal na tao.magpahanggan ngayon.



*****

this is true story my own story.






horror story one shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon