CHAPTER 1

14 0 0
                                    


Living normally in this already fucked up world would be nice but I know that it would not happened again.


 I sighed.


That was my tenth sigh.


Lagi nalang akong nagbubuntong hininga kung iniisip ko ang mga problema sa buhay.


Ano pala ang kakainin ko ngayon?



I can't just go to the garbage and eat something, baka mas makakagasto pa ako sa hospital kapag may nangyari sa akin.



I don't even have the money to buy my own food, how can I pay for hospital bills?



Then I saw the beggars in the streets who keep on knocking the windows of each car para humingi ng limos.



Manghihingi nalang ako.



Good idea Bre.



I went to one of the grandest hotels in the city of Cebu. Hindi naman ako papasok, baka nga hindi ko pa mapasok ang isang paa ko ay dadampotin na ako ng security guard.



I am beyond dirty and alam ko sa sarili ko na hindi na ako karapatdapat tumungtong sa mga lugar na kagaya nito.



Kaya andito lang ako sa labas. I know andito ang mga bigatin at mga sikat na tao at dahil desperado na akong makakakain, at alam ko din na hindi nila magagawang tanggihan ang isang katulad ko dahil masyadong public dito at hindi maganda yun para sa image nila.



Bakit alam ko?



I was once like them.



Tiningala ko ang building, ganitong ganito talaga yung mga pinapasokan ko noon tuwing may business conference si daddy. In fact, this hotel happens one of my favorites back then.



I sighed again. Tumingala ako sa langit.



"Daddy, you told me I am your princess, what happened? Your princess here is living now like a rat."



I wish I could turn back time where I could still touch and talk to him in person but I know I cant anymore. 



Pumatak ang isang luha sa kaliwang mata ko. Pinunasan ko agad. Baka hindi na nila ako bigyan dahil hindi pa nga ako nanghingi, umiiyak na ako.



I straightened up my figure and comb my hair using my fingers.



Smiled a little bit even though I have been experiencing hell and shit.


Naghihintay lang ako ng sasakyan na dumating o kaya'y sa pagdaan ng mga mayayamang tao na mahilig maglakad



*Honk honk*



Mukhang andyan na, nang may nakita akong pamilyar na pigura sa kabilang side ng kalsada.



Tinignan ko ng maigi kaya nakalimutan ko na may sasakyan na palang dadaan. Pero dahil pamilyar talaga ako sa tao, I ignored it.



Hindi ko namalayan na tinahak ko na pala ang kalsada, being somewhat hypnotized to follow that familiar figure.



I wasnt minding my surroundings anymore when suddenly I came back to my senses when I was hardly pushed by something and found myself lying on the road.



"Miss!" Siguro yung nakabangga sakin.


Hindi parin nagsisink in sa utak ko na kaya ako nakahiga dito dahil nabangga ako, lutang na lutang ang isip ko dahil sa nakita ko kanina. Buti nalang pala hindi ako nasugatan o ano.



"Miss! What the hell are you thinking?!" He rushed to me and he quickly stood me up.


Pero kahit nabangga na ako, yung tingin ko andun pa rin kung na saan yung tao kanina na bigla nalang nawala ngayon.


"Hindi ka ba nagiisip? Alam mo bang highway ito? Are you insane?" Because of the words spatted by his mouth napalingon ako sa kanya, salita siya ng salita pero hindi ko naman naiintindihan ni isa.


Dahil napatunganga ako sa kanya. Literally. How can someone be this fucking handsome? Those tantalizing eyes.



"Magpapakamatay ka ba? Hey! Im talking to you!" Bre, snap out of it now!



"Huh? Ako? Anong topic natin?"


"Fcking crazy girl"


"HOY mister! Nabangga mo na nga ako, ako pa ang crazy? Hindi mo ba alam na pwede akong mamatay kanina? Pasalamat ka at buhay pa ako baka sinama kita sa impyerno!" I hissed pero parang wala lang sa kanya at bumalik siya sa sasakyan niyang the high and mighty Rolls Royce.


Bwiset talaga yung mga lalakeng walang modo! May hitsura nga, walang wala naman sa ugali!


Bre, don't forget that you were once like him too. Like all of them.


Bumusina siya para sana tumabi ako, but not me, not Breanna Louisse. Not this time and definitely not now. Kumukulo na ang tiyan ko.


Wag na wag talaga gagalitin ang mga babaeng gutom.



"Hey jerk" hinampas ko ng malakas yung hood ng sasakyan niya at parang ako na rin yung nahampas. Shit. Ang sakit. Pero hindi ko dapat ipapakita baka pagtatawanan niya lang ako.



"As your payment for my damage, just give me some momey and Ill shut up"


Nabigla ata siya sa ginawa at sinabi ko pero kaagad siyang nakarecover.


"Tambay ka ba talaga? Or nagpapanggap lang?" Lumabas ulit siya sa sasakyan at para harapin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TEMPTEDWhere stories live. Discover now