Kung buhay pa ang mga magulang ko, ay malamang napaka-proud nila sa akin. Paano ba naman, eh ako lang naman ang kauna-unahang babae na nanalo Superhuman 2016, isang competition kung saan sinusubukan ang galing ng bawat isang kalahok sa iba't ibang physical tasks.
Noong kabataan niya, si Papa ay nanalo din sa competition na ito. Tinagurian siyang pinakamabilis na contestant na nakatapos sa race noong 1982. Nagkataon lang na si Mama din ay isa sa mga kalahok, at doon sila nagkakilala.
Simula noon ay hindi na sila naghiwalay kailan pa. Si Papa ay isang professor ng Archaeology, at si Mama naman ay isang professional nature photographer at zoologist. Bilang mga explorer at heart, tinupad nila ang kanilang pangarap na libutin ang mga pinaka-peligrosong lugar sa mundo para i-explore ito, at dito na din sila kumikita sa pamamagitan ng pagiging photographers at videographers. Madami na silang narating, kabilang na dito ang Catacombs of Paris, Pripyat sa Soviet Union kung saan naganap ang Chernobyl disaster, at ang pyramids ng Egypt. Dahil sa kanilang travels, ay marami na din silang nai-publish na libro.
Kasalukuyan kong pinapatong ang aking trophy ng Superhuman 2016 sa tabi ng mga litrato ng magulang ko. Hindi ko napigilang maluha.
Siguro nga ay natutuwa si Mama at Papa sa aking pagkapanalo, kahit wala na sila dito. Nakakalungkot man isipin, pero kahit papaano ay naibsan na ng kaunti ang sakit na nararamdaman ko sa kanilang pagkamatay.
Isang taon na ang nakalipas noong maganap ang aksidente. Naghihike ang mga magulang ko sa Mt. Cristobal nang mangyari ang hindi inaasahan. Ayon sa report ng rescuers, marahil ay pumasok sila sa isa sa mga kweba ng Mt. Cristobal. Bilang hindi pa nae-explore ang mga kweba na ito, malamang daw ay naligaw sila o na-injure at hindi na nakalabas. Isang buwan din hinanap ng mga rescuer ang magulang ko, ngunit wala silang natagpuan. Kaya naman ay walang nailibing na mga bangkay nila dito sa Maynila.
Isang taon na ang nakalipas. Gayunpaman, bibigyan kong papuri ang ala-ala nila sa pamamagitan ng pag-akyat sa tuktok ng Mt. Cristobal. Ang plano ko, sa pinakataas ng bulkan ko iiwan ang kanilang pinakamamahal na kagamitan: ang kanilang mga journal na naglalaman ng lahat ng detalye tungkol sa mga paglalakbay nila. Ito ang kanilang legacy at puso ng kanilang passion sa pag-explore. Kaya nararapat lang na hindi sila mawalay dito.
Kumuha ako ng leave sa trabaho upang magawa ang pakay ko. Magaan ang aking pakiramdam dahil sa wakas, magkakaroon na din ako ng closure sa pagkamatay nila.
Dahil sa delikado ang maglakbay ng mag-isa, napagdesisyunan ko na imbitahan ang aking mga kasamahan sa trabaho. Ako ay nagtratrabaho sa isang nature and travel magazine bilang writer, at karamihan sa aking mga co-worker ay mga traveler din. Gayunpaman, madaming may ibang lahi sa aming office dahil mas gusto ng editor na malawak ang pagsakop ng magazine namin. Mas maganda raw na magkaroon ng foreign eye sa aming pagsusulat.
Ang aking mga inimbita ay sina Jongin, Sehun, Lu Han, Zi Tao, Yi Fan, at Chanyeol. Sila ang mga kasamahan ko sa division ng Asian travels. At dahil diyan, ang iba sa kanila ay may lahing Korean at ang iba naman ay Chinese. Ang division namin ang bahala sa paggawa ng magagandang articles tungkol sa Asya.
Dahil weekend naman ang plano kong trip sa Mt. Cristobal, inimbita ko sila na ilaan ang day off para sa isang hike. Magandang opportunity din ito para makakuha kami ng pictures, kaya agad naman silang pumayag. Malay namin, baka ma-approve ng editor namin na si Junmyeon ang article tungkol sa Mt. Cristobal.
Ginamit ko ang aking leave para ihanda ang mga kailangan. Dadating ang mga kaibigan ko sa Sabado kapag day off na nila. Inungkat ko ang mga hiking gear ng aking mga magulang mula sa storage. Napakadami nilang equipment na nalikom sa kakaakyat nila ng bundok.
Nagrenta na din ako ng van na gagamitin namin at namili ng mga pagkaing dadalhin sa hike. Sobrang excited ako kaya ang saya ko nang dumating na ang Sabado. Alas-kwatro palang ng umaga ay dumating na sa bahay ang pumupungas-pungas pang mga kaibigan ko, dala ang kani-kanilang backpack.
BINABASA MO ANG
Devil's Mountain [EXO]
HorrorKapag nakaharap mo na ang iyong bangungot na isinabuhay, magagawa mo pa bang maisalba ang iyong mga kaibigan? An adventure-horror story featuring EXO.