Kabanata 2

3 0 0
                                    

"Ano ka ba naman, Lu! Aatakihin ako sayo eh. Parang linta lang nagtititili ka na agad diyan," pagalit ko sa napakaarte kong kaibigan. Halos magkandarapa na kami dahil sa paghiyaw niya! Linta lang pala!

"Eh masakit eh," angal naman ni Luhan na may kasama pang pout. Siya nga pala ang pinakamatanda sa amin pero siya din ang pinakapa-baby.

"Ayan okay na," saad ni Sehun ng matanggal ang linta sa makinis na binti ni Luhan.

"O siya tara na. Nakapagpahinga na naman tayo," sabi ko.

Nagsimula na ulit kaming maglakad patungo sa 2nd checkpoint.

"Guys, may nakita kaming backpack na lumulutang sa ilog kanina. Siguro may nabiktima na naman dito. Alam niyo ba yung kwento tungkol sa magkakaibigan na umakyat din dito tapos naligaw?" pagkwento naman ni Kai habang ngumingisi.

Agad namang tinakpan ni Sehun ang mga tenga niya sabay kumanta para hindi marinig si Kai. "Ayoko! 'Wag kang ganyan magca-camping pa tayo mamaya!"

"Okay, sige. Mamaya ko nalang ikwekwento sayo kapag gabi na ha? " tumawa si Kai.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"

"Naku, Sehun. Mga bata naman ang madalas mawala dito. Alam mo yung kinukuha ng engkanto para gawing pampatibay sa mga puno na binabantayan nila?" pagsabat ni Chanyeol habang nakangiting-aso.

"Puta, 'wag kasi! Seryoso, mabilis ako kilabutan."

Tumawa kaming lahat. Napaka-gullible talaga ni Sehun sa lahat ng bagay.

"Hoy, bawal ang duwag dito," saad ni Tao.

"Aba, sayo pa talaga nanggaling?" sabat naman ni Luhan. "If I remember correctly, ikaw yung ayaw pumasok sa horror house dati sa Star City."

"Hoy, ayoko lang kasi ng may nanghahawak sa akin," pag-defend naman ni Tao. "Dito, wala namang multo o kung ano man. Diba, Val?"

"Oo, wala," sagot ko. "Matakot lang kayo sa matarik na part kasi talagang nakakapagod."

Nagpatuloy kami sa pagtahak ng trail. Sa parteng ito, medyo tumatarik na ang daan at kailangan ng konting lakas para makaakyat. Naririnig ko na ang mga hingal ng kasama ko sa likod ko.

"Val, malayo pa ba?" hingal na tanong ni Kai na nasa tabi ko.

"Malapit na yung checkpoint, doon tayo magpapahinga ulit. Wait lang, 'wag mong sabihing pagod ka na? Pupunta pa tayong cave."

"Ha? Hindi ako pagod' no," pagmamayabang ni kai. "Malakas kaya 'to."

Tumawa nalang ako. Tumatagaktak na kasi ang pawis niya. Halos makita na ang buong katawan niya dahil basang basa ng pawis ang white shirt niya.

"Sabi ko naman sayo mahirap talaga' to eh. Bahala ka ginusto mo 'yan," sinabi ko sa kaniya na may halong tawa.

"Syempre, basta kasama ka," sagot naman ni Kai sabay ngisi.

Pinigilan ko ang aking ngiti kahit kinilig ako ng bahagya. Talaga namang hanggang ngayon ay hinihiritan ako ni Kai eh. Alam kong matagal na siya may gusto sa akin at pinapaalam niya ito sa akin lagi. Pero... kahit gustuhin ko man, hindi parin yata tama na i-date ko ang kaibigan ng ex ko.

Oo, you read that right. Friend niya ang ex-boyfriend ko na si Minho, isang Korean national. Well, dahil wala na naman si Minho sa Pilipinas lantaran na kung mag-drop ng hints si Kai. Pero kahit ba nakamove-on na ako kay ex... parang awkward parin kasi.

"Guys, look!" Na-interrupt ang aking muni-muni nang biglang sumigaw si Chanyeol. "Kita niyo?"

Napatigil kaming lahat sa paglalakad.  Binaling ko ang aking tingin sa tinuro ni Chanyeol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's Mountain [EXO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon