Dear Lalake,
Kamusta na? Balita ko may hinanakit ka sakin na babae. nagsulat ako dahil unfair naman kung side mo lang ang meron. Malamang hindi lang ikaw yung nasaktan diba? ako rin kasi. Umpisahan ko ang kwento okay?
sa simula't sapul hindi ko sinabi na ikaw gumawa ng first move diba at nagkusa ka. Iyon ay tradisyon kahit saang banda ng globo. Pati nga sa kingdom animalia, lalake ang nguumpisa ng move pero eto, hindi sila ngrereklamo. pero kung ayaw mo naman eh di hindi naman ako mamimilit. Kung ginawa mo eh maganda. ika nga, you are one step ahead.
alam kong naisip mo minsan choosy ako. ipapaliwanag ko lang. tulad mo na tumitingin sa ibang babae sa daan, minsan sexy, makinis ang kutis at ang galing magdala. minsan pa nga eh ikinaklasify mo nga eh diba. pero hindi ko naman n pinapakialaman iyon kasi sabi mo "normal lang sa lalaki magusap ng gnun". sa amin kasi visionary kami. iniisip ko kung may future ako sayo.
nging mag on tayo dahil ngFirst move ka. galing mo! kaso nag iiba papanaw ko sayo, kasi minsan, 'no offense ha' bobo ka sa pagdedecode ng mga hints ko kaya madalas nababadtrip ako sayo. maraming beses ko ng narasan yung ganun. yung kapag nalulungkot ako tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako, una talagang sasabihin kong 'oo' tapos titingin ako sa malayo at iiling na lang, actually naghihintay nga ako eh. yung sabihin mong okay lang na ishare ko sayo yung problema ko, yung mga hinaing ko. kasi nahihiya akong magsabi, baka isipin mo kasi na OA ako, lahat nlng pinapansin, lahat nlng big deal.
alam mo hindi kasi yun yung point.
minsan kasi kaya ganun yung mga sinasabi ko dahil gusto kong ishare sayo ang buhay ko. anong nangyayari at kung papaano natapos yung araw ko. ganun din naman ang gusto mo diba kaso idinadaing mo lang yun kapag hindi na ako nagsabi sayo ng mga nangyayari sa buhay ko. malamang sa malamang sinabihan mo na ako na tigilan yung mga gnung issue sa buhay dahil nakaka-stress.
okay fine.
tpos natatandaan mo, nagkwento ka about sa past experiences mo. nabasted ka. lahat ng efforts mo nasayang. ang nasabi ko lang 'ganun tlga minsan'. nasabi ko yun kasi alam ko ang pakiramdam. hindi ko rin naman kasi ginusto na manligaw ka. minsan parang tayaan lang yan sa lotto. swertehan lang din. kung sakto ang pinili mong numero.
minsan din kasi kasalanan mo. yung isang kwento mo, sabi mo dun sa tatlong niligawan mo ng sabay sabay, walang sumagot sayo. alam mo b kung bakit? dahil syempre kung sincere ka at talgang ngmamahal ka isa lang dapat yung nililigawan mo. malalaman mo nman kaagad kung nglevel up ka o hindi. dapat aware ka lang sa changes. at malalaman mo rin kung ayaw ko sayo.
ay, oo.. pag may dalaw pala ako, nasabi ko naman na diba. wag kang ggwa ng ikakagalit ko kasi doble ang impact. may studies na tungkol jan at ang sabi ngkakaroon tlga ng hormonal imbalance. mabilis kaming mapikon, mabilis mabadtrip at mabilis mainip. ayaw kong magsorry sa mga panahong iyon kasi nga, kasalanan mo kung bakit ako nagalit at sorry nalang kasi doble ang impact dahil may DALAW nga.
ang hirap maging babae, alam mo kung bakit? kami yung stabilizer ng relasyon. kumbaga nging manager ako ng relasyon natin. minsan nga nagiging nanay mo na eh. kasi kapag ang dungis mo ng tignan. mahaba ang balbas mo pinagshashave kita. pati buhok pinapagupitan ko. alam mo kung bakit?
nagaway pa nga tayo minsan dahil jan diba. sabi mo ikinahihiya kitang kasama kaya gusto kong mgshave at mgpagupit ka. nagexplain ako pero hindi mo pinakinggan. umalis ka at di mo ako kinakausap. tinatawagan kita pero ayaw mo. i was trying to explain but you were unreasonable not hearing me out. gusto ko lang naman na maging neat ka. kasi ganun ka nung nanligaw ka. maayos.
pero okay. tama na diba. hindi na kita pipilitin pero nireremind na kita. buti at nakikinig ka kung minsan.
tapos may reklamo ako sayo...
naalala mo nung nanligaw ka? lagi akong may oras sayo? hinahatid mo ako, sinusundo, ngtetext ka kung nakakain n ba ako, kung ano n yung mga gingwa ko? kung ano yung mga bagay na gusto ko. yung makakapagpasaya sakin.
tinatanong nga kita diba, "bakit di ka na tulad ng dati?". tapos bigla kang nagalit.
para tuloy ngkaworld war 3. nagaway tayo dahil sa simpleng tanong ko.
hindi naman porke tinanong ko yun ay dinedemand ko na bumalik tayo sa gnung sitwasyon. gusto ko lang sana tanungin kung bakit yung sweet na lalakeng nanligaw sakin nun ay hindi na tulad ng grumpy kong boyfriend ngaun.
indi k n kc ngtetxt kung ok lang b ako. kung kumain n ako. o kung ano. alam kong busy karin sa mga gngwa mo pero maiintindihan ko naman yun dba. mgsabi ka lang. at least alam kong importante parin ako.
paranoid kasi ako. kasi nga sinanay mo ako nun. umpisa ng relasyon, ngtatanong ka kung kumain na ako, kung okay ako. ngayon baliktad na sitwasyon, ako n ngtatanong at minsan tatanungin mo kung bakit, sasabihin kong "wala lang namiss kc kita", tpos ang irereply mo lang "ahh, k. kaw? kumain na?"
hayst
ang hirap naman ng ganito. lagi nlng tayo ngaaway. hindi ko n kaya, kaya nakipag hiwalay ako. nasasakal na ako. umiiyak ako sa best friend ko pero hindi ko nman intensyon n mapasama ka. gusto ko lang tlga mglabas ng sama ng loob.
ikaw kasi.
nalaman ko tuloy ang sakit ko. sakit sa puso </3
Friends?
From Babae,