MI: Second

40 1 0
                                    

Jane Holindair

"Aha! +2!"

"That's +4 for you! Hey Nikki! Meron ka pa ba?"

"Of course ako pa? Heto +4! O ano ka ngayon El?"

"Waaaaaahhh! Bakit kayo ganyan?! Akala ko ba magkakaibigan tayo dito!"

"Inumpisahan mo sa +2, ayan tuloy bumalik sayo ng sampu. Hahahahaha!"

"Eeeeeehh? Sana palang nag change color nalang ako o kaya reverse! Tingnan niyo yung baraha ko, pang Mahjongg na!"

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. Iba't ibang boses ang naririnig ako at imposibleng sila Tita Olivia o si Ate Luna ang mga 'yon.

Pinilit ko'ng umupo. Medyo masakit pa ang aking balakang. Teka, ano nga ba ang nangyari?

Biglang nag flashback lahat ng nangyari sa akin. Parang isang pelikula na mabilis na nagplay sa utak ko ang nangyayari ngayon.

Seminar.

'College is a roller coaster ride.'

Soccer field.

Yung sigaw ng babae.

Yung lalaking baliw.

Ang pagma-marathon ko.

At ang mabilis kotse.

Ah yes. Nabangga nga pala ako.

Biglang sumakit ang ulo ko nang matapos ang mala-pelikulang pangyayari sa utak ko. It's been 8 hours and 51 minutes simula nang nabundol ako. Paano ko nalaman? I don't really know, actually. It just suddenly pop in my head, literally.

Nasaan ba ako?

"Nasa ospital ka."

Muntik na akong napatalon sa kinuupan ko nang may magsalita sa harapan ko at nang ma-realize ko na binasa niya ang nasa isip ko.

"Gising na siya!" Nabaling ang atensyon ko sa lalaking sumigaw. Meron pa siyang dalawang kasama. Isang babae at isa pang lalaki, at may hawak silang.... baraha?

Then it hits me!

Y-yung kaharap ko ngayon siya 'yon! 'Yung humabol sa akin na baliw na lalaki!

"Sabi ng hindi ako baliw e!"

T-tapos 'yung mga nakaupo doon, sila 'yung--

"--Kasama ko sa seminar."

Tiningnan ko siya ng masama. Imposible. Hindi pwedeng makapag basa ng isip ang tao. What am I even thinking? I am just imagining th--

"Waaaaaaahh! Gising na si Jona!"

Napatigil ako sa pagiisip ko nang biglang sumigaw ang may kulay pulang buhok na lalaki na kanina ay nandoon sa sulok ng kwarto pero ngayon nasa harap ko na...silang tatlo.
"Ayos ka lang ba Jona?" Tanong noong babae. Mahaba ang kulot nitong buhok at kulay abo ang mga mata.

"Gusto mo sumali? Diba paborito mo 'yung larong UNO?" Biglang singit naman ng lalaking maitim ang buhok at mata. At first akala ko normal na siyang tingnan hindi tulad ng mga kasama nito.

But, I was wrong.

Nang matitigan ko ang mata niya, parang mata ng pusa. As in cat! CAT!

"Naalog ba ang ulo ni Jona at nagka amnesia? Nakalimutan na yata niyang magsalita." The red-headed guy whispered.

"Ano ka ba El? Ikaw yata ang may amnesia e. Nakalimutan mo na ang lux ni Jona?" The one and only girl in the group said in a sarcastic tone.

Mistaken Identity Of JaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon