Chapter 03

1K 31 0
                                    

Chapter 03: Haunting Past

Hindi ko na alam kung paano pa ako makakakilos upang hanapin ang taong nais kong matagpuan ngayong binabantayan ako ng mga student council. Ang bawat galaw ko'y tila nasa ilalim ng matinding pagmamanman.

It's been two days since I found out about their plan to keep an eye on me. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi nila ako tinantanan. Parang anino silang laging nakasunod, hindi ako binigyan ng pagkakataong makalayo o makakilos nang malaya. Kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagagawa sa alinman sa aking mga binabalak.

Mag-isa akong naglalakad patungo sa aklatan upang isauli ang mga librong hiniram ko noong nakaraang araw. Habang naglalakad ay samo't saring tanong at palaisipan ang gumugulo sa aking isipan. Isa na rito ang matagal nang lihim ng paaralang ito.

Magpahanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyaring insidente. Patuloy akong binabagabag ng mga tanong, walang humpay na naglalaro sa aking isip. Why are there so many deaths in this school? Why are they being killed? What kind of secret are they hiding, and do they have to kill anyone who discovers it?

I know I should stop being nosy, just like Thadeon told me, but I couldn't help myself. Curiosity is killing me. It felt as though there is something that intrigues me, and that couldn't be good as it might harm me.

Nakakatakot isipin na baka isang araw ay matagpuan na lang ang walang buhay mong katawan sa isang sulok ng paaralan. Hindi ko lubos maisip kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ng mga estudyanteng patuloy na pumapasok dito, kahit na alam nilang tila bawat hakbang nila ay patungo sa bingit ng kamatayan.

If only I didn't have anything important to do here, I probably would never enroll here. Entering this school is like another way of suicide. Nakabaon na ang kalahating katawan mo sa lupa.

Nawaksi ang lahat ng aking iniisip nang bigla na lang may bumangga sa akin, kasabay noon ang pagbagsak ng mga librong hawak ko sa sahig. Mabilis akong yumuko upang damputin ang mga ito, habang ang ilang pahina ng mga aklat ay nagkalat sa paligid.

"I'm sorry, Ms. Clemonte," paghingi niya ng paumanhin bago ako tinulungang pulutin ang mga nalaglag kong aklat.

Inabot niya sa akin ang ilang librong kaniyang nakuha, na agad kong tinanggap. Natigilan ako sa aking kinalalagyan nang makita kung sino ang tumulong sa akin, si Mr. Arguilles, nakatayo sa aking harapan.

"Pasensya na din po," sagot ko naman bago nahihiyang ngumiti.

Ngumiti lamang siya pabalik at marahang tinapik ang aking balikat bago tuluyang umalis. Sinundan ko siya ng tingin, at agad na kumunot ang noo ko nang mapansin ang kaniyang mga kilos. Mukha siyang nagmamadali.

Pinilig ko ang aking ulo bago marahang umiling sa mga naiisip. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aklatan. Kaagad kong natagpuan si Cassiel doon, nag-iisa at tahimik na nakaupo sa mahabang mesa, abala sa pagsusulat. Wala sa sarili akong napangiti.

Kung titingnan mo si Cassiel ay parang puro paganda lang ang alam nito. That was probably everyone's initial impression of her. But the truth is the opposite of that. Cassiel studies diligently in her academics. She consistently outperforms in our classes, participates in recitation, and frequently receives excellent marks on quizzes.

Even so, I find her annoying at times. Lalo na kapag bumubuntot siya sa akin. Para bang wala na siyang ibang malapitan na kaibigan kaya sa akin siya sumasama. In other words, she only comes with me because she has no choice.

Doesn't she have any friends? Cassiel is actually nice, attractive, and quite famous here at Mortem University. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang kasalukuyang presidente ng Literary Society.

Bloody Nightmare (Major Revision)Where stories live. Discover now