"So you mean na everytime na ginagawa nya sayo yun gumagaan pakiramdam mo?" manghang tanong nito sakin kaya nginitian ko sya, kinuwento ko kasi sa kanya kung bakit ko sya niyakap habang umiiyak
andito parin kami sa studio, at katulad ko nakaupo rin sya, sa tabi ko
"Yeah, parang magic, kaya thank you at sorry din kasi nakita mo pa kong ganun" sabi ko rito, ngayon ko lang narealize na nakakahiya yung ginawa ko masyado nanaman akong nagpadala sa emosyon ko
"Ok lang, ang cute nga eh haha" sabi nito na medyo natawa pa kaya namula ko ng bahagya, Goshh ! nakakahiya !
"By the way ano nga palang pangalan mo ? nagyakapan na tayo lahat lahat hindi pa natin kilala yung isa't isa hahaha" sabi nito kaya lalo akong namula "Oh bat ka namumula ?" may nakakalokong ngiti ang sumilay dito "Heh ! wag ka nga ! nakakahiya ! nagyakapan talaga tawag mo dun?" sabi ko dito habang nakangiwi "bakit ? ano bang tawag mo dun ? nagyakapan naman talaga tayo ah ? hahaha" muli ay tumawa nanaman ito "Eiiii ! wag ka nga !" sabi ko dito habang nakanguso at umiwas ng tingin "ang cute mo mainis ! para kang kapatid ko" sabi nito kaya napatingin din ako sa kanya "May kapatid ka ?" tanong ko sa kanya "Yeah meron, by the way I'm Raphael you can call me Raph pwede rin akong maging kuya mo, call me kuya Raph" sabi nito at ngumiti ng malawak kaya napangiti rin ako ng malawak " Talaga ? Ok lang sayo maging kuya ko ? Thank you kuya !!" sabi ko dito at pumapalakpak pa "My name is Heira you can call me Ae" sabi ko dito at ngumiti ng pagkatamis tamis "ang cute naman ng Lil sis ko" sabi nito at kinurot ang magkabila kong pisngi
Lil' Sis ? cute ! I kinda like it
"aiiiissshh ! amsahakeeett kuyaaaa" sabi ko dito at pinaghahampas ang kamay nya kaya tinanggal nya naman ito, nagkatinginan kami at sabay na tumawa
"Tara hatid na kita sa Dorm room nyo gabi na oh"alok ni kuya Raph sabay tayo kaya tumayo narin ako, paglabas namin ng studio may 3 lalaking tumawag sa kanya kaya napahinto kami
"kanina ka pa namin hinahanap kuya Raph" sabi ng isang lalaki na nakablack T-shirt
"Oh ! ikaw yung magaling sumayaw kanina !" sabi nung isang lalaki na naka red polo shirt kaya napatingin ako sa kanya
"Ikaw si Joshua right?" sabi ko kaya napatango sya "Buti naman natandaan mo name ko, bigla ka kasing tumakbo kanina, san ka ba nagpunta ?" sabi nito ng nakangiti "ahh kasi mageexam ako nun, parating na kasi si Manager Mir kaya nagmamadali ako, sya kasi yung magbibigay ng exams ko" sabi ko rito kaya napatango nalang ito "Exams saan Lil sis ? " tanong ni kuya Raph na ikinalaki ng mata ng iba pwera dun sa nakawhite na T-shirt at golden brown na buhok
"KAPATID MO??" sabi ni Joshua na gulat na gulat parin habang tinuturo pa ko habang nakatingin kay kuya Raph
umiling naman si Kuya Raph "Hindi ? OO ? basta mahabang kwento !" sabi nito at inakbayan ako "Guys sya nga pala si Heira" pagpapakilala nito sakin "Heira eto si Kurt" turo nya dun sa lalaking nakablack "Hello Kurt!" sabi ko at nakipagshake hands dito "Hello Heira" sagot nito at ngumiti, ang masasabi ko lang ang cute ng ngiti nya parang bata plus meron pa syang parang bunny smile "sya yung maknae namin, eto naman si Joshua, isa sa rapper namin" sabi ni kuya Raph sabay turo kay Joshua at nginitian naman ako ng huli "Hello Joshua ! pasensya na kung hindi kita pinansin kanina dahil sa pagmamadali" sabi ko at nakipag kamay "wala yun naintindihan ko naman" sabi nya, nakakahawa yung mga ngiti ni Joshua, napaka friendly ng dating nya, "At ito naman si Deiyu isa sa mga vocals namin" sabi ulit ni Kuya Raph sabay turo dun sa lalaking nakawhite "Hello Deiyu" ngiting sabi ko dito pero tinanguan lang ako, tinitigan nya muna ko bago ngumiti ng kakaiba
kakaiba kasi meron syang pasquare na ngiti
kakaiba kasi may kakaiba kong naramdaman na hindi ko maexplain kung ano at pamilyar tong nararamdaman ko
naglahad sya ng kamay kaya nakipagshake hands din ako sa kanya, paglapat ng kamay namin muli kong naramdaman ang kakaiba pero pamilyar na pakiramdam, hindi ko maipaliwanag
"Teka maknae ? Rapper ? vocals ? group rin ba kayo ?" takang tanong ko "Yep" sagot ni Kurt kaya napatingin ako kay Kuya Raph "Bat hindi mo sinabi sakin Kuya ?" tanong ko dito kaya napakamot sya ng ulo "Hindi mo naman tinanong" nakangiwing sagot nito kaya napanguso ako "Ikaw anong position mo?" sabi ko dito, ibinaba nya naman ang ang kamay nya at proud na ngumiti sakin "Ako ang leader nila, Rapper din ako, Born To Slay ang pangalan ng grupo namin" Sagot nito sakin na kinamangha ko, pero teka wait ? Born To Slay ? BTS ? diba yun yung itinili ni Lhyz nung nakaraang linggo ? "Oh my ! yari !" sabi ko kaya napatingin silang apat sakin "Bakit/Bakit Lil sis?" sabay sabay na tanong nila sakin "I-I gotta go !" sabi ko dito at nagmadaling tumakbo paalis, bawal nga pala nila kami makita !
- -
"So Heira this is the result of your exam" sabi ni Manager Mir habang inaabot ang test exams ko, inabot nya sakin ang kamay nya at takang inabot ko rin ito
andito ako ngayon sa dorm room at kakatapos ko lang magexam ulit, 2 days narin ang nakalipas simula ng makilala ko sina kuya Raph, nagfocus kasi ako sa pagaaral ng pronounciations ko
bigla namang ngumiti si Manager Mir ng pagkalawak lawak "CONGRATULATIONS ! finally ! naperfect mo narin ang oral exams mo !" sabi nito na ikinagulat ko
YES ! pwede na kong makapagpractice kasama ang grupo ! tuloy na tuloy narin ang debut namin !
sa sobrang saya ko hindi ko namalayang nagtatatalon na ko dito at si Ms Mir naman ay tinatawan lang ako
maya maya pa ay bumukas ang pinto at inuluwa nito ang groupmates ko
"Anong nangyari Hera ?" takang tanong ni Jill sakin
bigla naman akong napatigil sa ginagawa ko at kasabay nito ang pagkawala ng ngiti sa labi ko
Hera ? ang tagal ko ng hindi narinig yung pangalan na yun
at ang laki parin ng epekto nito sakin
nagulat nalang ako ng bigla kong tapikin ni Jill "Uy ! Ae ! bat natigil ka ? ano bang nangyayari ?" sabi nito, umiiling iling nalang ako "Ah wala, naperfect ko na kasi yung oral exams ko" sabi ko rito kaya napatili sila
"Wooow ! makakasabay ka na samin !! yehey !" tuwang tuwang sabi sakin ni Lhyz habang pumapalakpak pa
"we have to celebrate ! magpadeliver nalang tayo !" sabi ni Daph kaya nagtititili nanaman kami
BINABASA MO ANG
The star named Hera
ChickLitShe wanted to become a someone who will be idolized by everyone She got the beauty, body and talents that you surely envy but aside from her almost perfect skills and features, she has a dark past that she kept on erasing in her memory but her abili...