hindi ko malaman kung bakit ko nagawang lumabas kagabi kasama yung taong hindi ko naman ka close kung tutuusin wala nga akong balak kilalanin siya eh pero mukhang ayos naman ang isang yun.
gaaaah! oo nga pala. kapag minamalas ka nga naman icocompile ko pa pala lahat ng mga drafts wala pamandin si ehryll ngayon aish !
binuksan ko ng bahagya yun pinto sa office . nakakatakot kahit may mga ilaw " grabeng tambak naman ito !" bulong ko
"oh sinong kausap mo ?" takte! anak ng manok na inasal naman oh halos mapatalon ako sa gulat.
"bakit kaba nanggugulat ha? "
napakamot siya sa ulo "gulat na yun? nagtatanong lang naman ako ng maayos ah chill ka lang miss masyado kang high blood umagang umaga eh" tuluyan na siyang pumasok at naupo na parang don sa may upuan ko
"eh hinahigh blood moko ! hoy , umagang umaga pawisan ka , magbihis ka nga ang asim asim mo amoy mang juan! " sabi ko sa kanya habang kinocompile ko yung mga drafts na nagawa namin
"ako maasim? ang bango bango ko nga kahit pinagpapawisan ako, hindi katulad ng crush mong parang binabae " tinignan ko siya ng masama . aba! tama bang tawaging binabae si chasten my loves
kinuha ko yung hardbound na libro at hinampas ko sa kanya "araaaay!! hoy babae masakit yun ha! grabe to . di na mabiro" nagawa pa niyang tumawa
badtrip talaga to sana lagi nalang siya nagseselos sa daddy niya para medyo tumino tino naman . siya yung tip ng lalaki na ang sarap patayin ng di oras.. joke lang. sayang din naman itong gwapong nilalang na 'to kung papatayin lang
kailangan lang talaga higpitan mga turnilyo niya >.<
"leche! bahala ka nga diyan aalis na ako, panira ka ng araw pasalamat ka medyo mabait bait pa ako ngayon kasi umaga , "
"alam kong hindi ka galit . fifi mo !! wag ka maginarte jan. hindi bagay sa mukha mong mukhang.....isara mo na yung pinto baka mamaya mapasukan pa ng multo yan at kausapin ka pa ng tuluyan" pang aasar pa niya . kinuha niya yung mga bitbit kong mga envelopes at folders
"JULIAAAN! hindi diyan ang papuntang faculty!!"
"oo alam ko pupunta ako sa cr magpapalit lang ako nakakahiya naman kasi sayo no" he said sarcasticly "yung mga folders akin na "
"akin muna to para masiguro kong hihintayin mo'ko " hinilamos ko yung palad ko sa mukha ko . pumunta muna ako sa medyo malayo layo sa cr . ang awkward naman kung maghihintay ako sa harap
5 mins......................................
10 mins...................................
15mins...................................
ang tagal naman ng nilalang na yun!
"ang tagal mo naman !!"
"siyempre nag ayos pa ako" oo nga halata nga . nyaaa! ang cool niyang tignan kapag nakasabit yung coat niya sa isang balikat niya
habang naglalakad kami sa faculty halos hindi magkandamayaw yung mga estudyanteng nadadaanan namin . kulang nalang iluwa nila yung maya nila nung makita nilang kasama ni Julian ang katulad ko. oh well!