Chapter 1

35 1 0
                                    

Margie's POV

      Sisimulan ko ang istorya na ito sa pagpapakilala ko sa sarili ko. Ako nga pala si Marjorie Dela Cruz also known as margie. isa akong estudyante ng Flores Highschool. However, ang buhay ko ay hindi parang isang normal na babaeng teenager - yung laging may hawak na cellphone at may dala dalang bag plus party party everywhere.

     Sabi nila ay may pagkanerd daw ako. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nerd. Talagang judgemental lang ang ibang tao sakin. Indoors lang kasi ako lagi. No sports. No barkada, but project works at  pag-blog. Representative kasi ako o President ng 2nd yr. section 1 last schoolyear - in short leader leaderan. Pero dahil kilala ako sa school namin at dahil gusto kong mapanatili ang pagiging presidente ko, kailangan kong gumawa ng mga paper works ng ibang teacher at tumulong sa iba't ibang projects sa school. it sounds unfair pero ang sagot ko na lang ay "I don't care". Sabi nga nila pag may tiyaga may taga, at pag may taga Hmmmph matakot na sila sakin. Wahahaha si Shelley nagsabi nun sakin.

     Saturday, May 31

     Sabado at tanghaling tapat Ito ako nakaharap sa laptop na hindi ko pinapatay for six hours habang nakakagat sa mamon. Nilagyan ko narin ng Do not Disturb sign sa pinto para hindi kumatokat manggulo ang mga ate ko. Tatlong oras na ako sa paper works  kaya siguro naman ay pwede muna ako magpahinga. Nakakapagod kaya.

     Sa ngayon ay FB muna ako. Sabi nila rest rest din pag may time :3      *chatting with shellene*

Me: "Ei Shellene musta na" (after 3 minutes)--->   Seen May 31 1:53 pm

Me: Ay seenzoned -.- grabe naman *Shellene types*

Shellene: ay sori nag sousoundtrip ako eh. Oh himala at natapos ka na dyan sa mga paper works mo

Me: nope Im just resting. Gusto ko lang humanap ng kausap. Nakakaistorbo ba ako? :(

Shellene: umm no of course :)

Me: "ok"   *scrolls the homepage*

     At bigla kong nakita ang post ng isang lalaki na nagngangalang Eric Guzman. Siya ang class representative ng second year 2 noon kaya naman malaki ang respeto ko sa kanya. Ang totoo talaga ay crush ko siya DATI pero hindi naman niya ako kilala. Di ko lang alam kung kilala na niya ako ngayon. : /

    "Guys wanna say goodbye. Lilipat nako ng section 1. Mamimiss ko kayo ;) *wink"  7 likes

     Ano daw?! Lilipat siya sa section namin?! Is this Apocalypse? No it can't be! Sa taranta ko ay nakain ko na yung wrapper nung mamon sa ilalim. Pwee. Dali dali akong pumunta ng c.r. at sabay dura sa toilet bowl. Ito na ata ang senyales ng paparating na giyera. Syempre representative siya last year at ako rin kaya hula ko ay tatakbo rin siya bilang president ng section namin. Grrrr. Tingnan lang natin kung sino ang iboboto ng mga kaklase ko. Wahahaha. *PS: nababaliw nanaman ako -.-

     Bumalik ako sa laptop ko at kinausap ule si Shelley. Si Shelley nga pala ang best friend ko na hindi halata. Close kasi siya masyado sa section 2 at ako naman close masyado sa mga teacher. Naging mag bestfriends lang kami last year nung lumipat siya sa section namin.

Me: Shellene totoo ba na lilipat na si Eric sa secton natin 0.o?

Shellene: Of course bakit??...Ay oo nga pala Yieee hart hart <3

Me: Anu anung pinagsasasabi mo aber?

Shellene: Diba last year nung september sinabi mo sakin na crush mo si eric hahaha

Me: Excuse me! ang motto ko "Responsibility first before Landi" and malay mo meron akong mga crush na hindi sinasabi sayo. :3

Shellene: Sus pa motto motto ka pang nalalaman dyan. Eric ka lang eh hahaha <3 tsaka Di ka magaling magtago ng sikreto sakin. Natatandaan mo last time sinabi mo sakin na ikaw ung nagpasabog dun sa classroom natin wahahaha peace. xD

Me: Ay nako!! Pinaalala pa talaga. Bahala ka na nga dyan -.- Geh bye. Break's finish. Type type na ule ako.

Shellene:  hahaha ang bitter mo naman :3 Sige bye. Goodluck on your paperworks.  *wink  *sabay logout sa facebook*

     Isang oras na ang nakalipas at hindi pa rin ako mapakali. Parang may gumugulo sakin na hindi ko maipaliwanag. Hindi ito stress eh pero ang alam ko yang Eric na yan ang may dahilan kung bakit ako ngakakaganito. Hmmmph. Bwiseeeet naman. Makatulog na nga lang. In-off ko ang laptop at nahiga na lang na parang lantang gulay sa kama. Meron talagang gumugulo sa isip ko. Hmmmm. May feelings pa ba talaga ako sa kanya o dala lang ito ng mabubuong kumpetisyon sa aming dalawa? Haaay. Dapat ko bang ikatuwa o ikagalit ang pagdating niya? Aaargh anu ba ang mga naiisip ko na ito?! Maka influence talaga yang si Shellene pati ako napapasenti. Ipinikit ko nalang yung mga mata kong pagod at di nagtagal nakatulog nako.

This is WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon