Sabi ni Jerald para daw akong si superwoman.
Ang lakas lakas ko daw.
Pero malakas nga ba ako?
haha, wala naman akong super powers katulad ng mga hero eh, simple lang ako babae, simpleng mautak.
Ipinanganak na siguro akong ganito, lahat ng trabaho ata napasok ko (maliban sa pagtatrabaho sa mga club -_-) at ang patok na trabaho ko ay ang pagiging isang sinungaling na tao.
Hindi ko nga alam kung kelan pa naging trabaho ang pagsisinungaling eh.
Basta ang alam ko lang nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw ng tatay ko.
Wala na akong nanay, sabi kasi ni tatay namatay na daw nung ipinanganak ako, kaso di niya alam kung kelan ako ipinanganak kasi wala siya nung time na yun.
kaya di ko alam kung kelan ang birthday ko.
Pero sabi daw niya nung nawala daw at ipinanganak ako ni nanay umuulan daw nun.
So kaya tuwing umuulan nag bibirthday ako.
^__^
kaso walang handa.
Im Yoona Suarez. 19 years old, isang independent na tao at madaming raket sa buhay.
ngayon, ang raket ko ay ang pagiging tourist guide.
" This is Mount Mayon, do you see that, its so very high and its like Mt. Everest" sabi ko sa isang amerikano na hangang hanga sa Mount Mayon.
pero sa totoo lang nga, ganyan ba kasing laki ang mount everest? parang di ata.
BTW.
natapos na ako sa kakadaldal ko ng biglang tumawag si Jerald na hindi ko maintindihan kung anung raket ang pinasok.
" yoona! nasan ka na? pumunta ka sa airport ngayon na!"
O_____O
mag aano naman ako sa airport?
" ok, sige gorabels na ako" agad akong nagtatakbo papuntang airport.
pero dahil hindi naman natatakbo papuntang airport syempre sumakay ako sa taxi.
ang mahal ng binayaran ko huh! di ko na nagawang huminge ng discount dun sa driver, as if naman may discount.. agad kong tinawagan si Jerald pagkadating ko dun.
" nandito na ako!" ---ako
" malalate kami, gumawa ka ng paraan" tarantang sabi niya sakin.
" huh? anung paraan? bakit?"
" may pasahero ako dito, di ata sila makakaabot jan kaya gumawa ka ng paraan!"
sH!+ !
yan na nga ang nasabi ko eh, dapat kasi gagawa ng mga trabaho yung kayang tapusin mag isa hindi yung mandadamay pa ng iba.
nagpunta ako sa gitna at biglang nagwala.
Pero joke lang yun, nagpunta ako sa gitna at umarte na umiiyak.
agad namang nagtinginan ang mga tao sakin.
Naku Jerald! makukutusan ka sakin pagdating mo, ginagawa mo akong kahiya hiya.
" wahhhhhh! wag mo akong iiwan mahal!" nakataas yung kamay ko sa part ng mga nagsasakayan sa eroplano.
Nagtinginan sakin yung mga stewardees at mga nag aasisst dun sa mga pasahero.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (chapter 3 released++)
Teen FictionShe's a LIAR, He's a COLD PRINCE. What if he ask you to be his FAKE GIRLFRIEND for 3 MONTHS and you'll have your 3 WISHES. But in RULES, DON'T FALL!