1

1K 59 25
                                    

2020

*mic fixing
*camera rolling

Reporter: direk okay na? Ready na po?

Ara: yup.

Reporter: so hi miss galang thank you for giving us this chance to interview you.congratulations on your most recent championship trophy.

Ara: thank you :)

Reporter: i think every fan of the sport knows your story. How you suffered what's called the unhappy triad. An injury that causes an athlete to quit the sport they love. Can you tell us how you got back to your mvp form?

Ara: well nahirapan talaga ako noong una. Pero hindi ako nagdoubt na makakabalik ako. Kahit na ayun nga, career ending yung naging injury ko. Siguro nangibabaw yung pagmamahal ko sa team. Gusto ko syempre na mabalik yung korona noon sa taft lalo na graduating ako. Lumipas din yung mga taon bago ko nabalik talaga yung 100% ko eh.

Reporter: can you tell me what was the hardest part of it all?

Ara: siguro yung times na feeling ko kulang yung nagagawa ko para sa team. Na sana mas nabigay ko pa kahit 90%.

Reporter: any specific persons who helped you na malagpasan yung struggles?

Ara: there were my teammates. Syempre family and coaches.

Reporter: lovelife?

Ara: haha dati meron. Ngayon wala.

Reporter: so back in 2017 we all know na after 6 years of playing together you suddenly faced your long time partner in court, on the other side of the net. What did it feel like going up against mika reyes? When you were so used to playing beside her?

Ara: *smiled*

Reporter: anything you'd like to say to her?

Ara:........





June 2017

Kim: ready?

Ara: saan?

Kim: kalaban na natin si ye ah hahaha di ka kinakabahan?

Ara: bat ako kakabahan?

Kim: ewan, baka kinakabahan akong mablock nya mga spikers ko. O baka di lang kasi ako sanay na nasa kabilang side sya ng court, at ibang kulay ng jersey ang suot.

Ngumiti lang ako kay ate kim. 3 months? 6 months? 1 year? Hindi ko na maalala yung huling beses na nakasama ko sya. Bukod dun sa awarding namin sa lasalle na hindi ko din naman sya nakausap. Lumipat sya ng team. At kung ako din naman ang tatanungin, oo sumama talaga loob ko. Hindi ko pwede sabihin sa media, sa coaches, o mismo kay mika. Wala eh. Nung nalaman ko, wala na ko nasabi sa kanya kundi "ang daya mo."

Hindi ko masabi kay ate kim na kinakabahan ako. Hindi ako kinakabahan. Walang kahit konting kaba. Di ako overconfident. Iba lang siguro nararamdaman ko ngayon.

Sabihin nyo nga sakin. Kung pano ko iiwasang makita ng girlfriend ko, na ka-team nya, na iba padin ang tingin ko kay mika. Sabagay, baka wala na. Baka this time, wala na nga talaga. Kasi di ba? You spend so much time pretending, lying to everyone around you, that soon enough you'll find yourself believing all your lies. Kasi let's face it. when you tell the whole world that you're no longer in love with someone, you're not only lying to their faces. you're lying to your own heart and mind.

.........

Wala padin syang pinagbago. ang ingay sa ilalim ng net. Iba pala sa pakiramdam pag kaharap sya. Nakakaintimidate. Hindi ko mabilang ilang palo ko nablock nya. Ilang beses nya ko binigyan nung mapangasar nyang ngiti at tingin sa mga kalaban namin noon. Iba pala pag nasa harap ko na sya at wala sa tabi. Hindi na sya yung una kong tinatapik o niyayakap pag nakakapoint ako.

Words I Couldn't SayWhere stories live. Discover now