Japan 2016
Mika: hay!!!! Thank you Lord!!
Kianna: thank you talaga!! After 2 seasons!!
Carol: The crown is back home!!
Kim: hoy may ibang pasahero ingay nyo
Kianna: weh kaf
Kim: alis na ko
Kianna: noooooo
Ara: parang tanga to si ate kim lagi nalang niloloko si kianna hahaga
Kim: sino nagsabing nagloloko ako alam nyo na matagal ng aalis na din ako pagtapos nyo ah
Kianna: ANO BA SABI MO PAGIISIPAN MO PA
Kim: may tiwala akong kaya mo ilead yung team--
Kianna: HINDI
Kim: shhh wag kang sumigaw!
Mika: hahaha kalma ka lang kianna. Di aalis yang si kimmy kung alam nyang kaylangan nyo pa sya
Kianna: one year nalang eh :(
Pumasok na kami sa eroplano. Inaayos ko na yung gamit ko ng makita kong inaayos din ni mika yung gamit nya sa tapat ko. Maya maya tumabi sya sa upuan na katabi ng akin.
Mika: bat ka nakatingin?
Ara: si ate aby dyan ah
Mika: ayaw mo?
Ara: hindi naman sa--
Mika: takot ka kay bang?
Ara: ...
Pumikit nalang sya tas nagtakip ng mata. Wala na kong nagawa kundi tumabi sa kanya. Takot? Ako? Psh.
Nagpicture picture kami, post dito post dyan. Syempre nagdalawang isip pa ko ipost yung picture namin na katabi ko sya. Pero meh~ bahala na.
Maya maya pa, nakatulog na sya. Sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko. Huminga nalang ako ng malalim at pumikit. Maya maya pa, naramdaman kong dahan dahan nyang hinawakan yung kamay ko. Damang dama ko na bumilis yung tibok ng puso ko. Dyosko. Wag sana nyang marinig o maramdaman.
Tumingin ako sa kaliwa ko. Nakangisi sakin si kianna na katabi nya. Sa kanan ko, nakangisi sakin si ate kim, may pataas taas pa ng kilay.
Putangina.
Takot?
Ako?
Oo.
Pero hindi kay bang.
Hindi din sa issue.
Hindi sa mga fans.
Takot?
Takot na takot.
Takot na takot akong mahulog ulit sa malalim na balong punong puno ng pagmamahal para sa kanya. Ilang taon kong pinilit umahon. Bakit parang kapag na sa pinakataas na ko, isang batong kakapitan nalang, andito nanaman sya. Hinihila ako pabalik. Ayoko na. Ayoko na.
Pero bakit hindi mo bitawan?
Nakarating kami sa japan, tahimik lang ako. Bumitaw sya sakin at kinuha yung nga gamit nya. Kinuha din nya yung mga gamit ko tas inabot sakin. Pero binitbit nya yung pinakamabigat kong bag.
Ara: mika. Akin na yan
Mika: arte mo tara na!
Tinignan ko lang sya habang naglalakad sya palabas ng eroplano. Tinapik ako ni ate kim sabay tinulak palabas.

YOU ARE READING
Words I Couldn't Say
RomanceThe untold cycle between failed relationships. Will they ever get it right?