Kabanata III

239 10 2
                                    

~~~Winter Angel~~~

"Be home at 5 wife ;)" text mula kay Marius. Seriously? May lakad pa sila ng mga kaibigan niya after class!

"May lakad kami ng mga kaibigan ko!" reply niya. Kaka-send palang niya ang reply niya ng tumawag ito.

"Ano?" naiinis niyang sagot. Huwag na huwag lang nitong sasabihing bawal siyang sumama sa mga kaibigan niya dahil sa labas ng bahay nila ito papatulugin kahit pa sa kanya ang bahay na iyon.

"Family first before friends, wife." simpleng sabi nito.

"Nandyan si manang kung kailangan mong kumain."

"Angel." banta nito.

"Hindi sana ganito kung hindi niyo ako binigla sa mga bagay-bagay." panunumbat niya. Totoo naman. Anong gusto nila? Sa biglaang kasal nila, dapat din biglaan niyang ibahin ang pagsama niya sa mga kaibigan niya? No way! Narinig niyang bumuntong-hininga ito.

"Okay. Saan ba ang lakad niyo? Pupuntahan kita after an hour para sunduin." malumanay na sabi nito.

"Kaya kong umuwi mag-isa. At seriously? An hour? Come on! Hindi na ako bata!"

"Hindi ka na nga bata dahil may asawa ka na. Kaya dapat ang sarili mong pamilya ang unahin mo. One hour, take it or leave it, dear wife." final na sabi nito at ibinaba na ang tawag. Nakabusangot siyang humarap sa mga kaibigan niya.

"Byernes santo na ba?" tanong sa kanya ni Keith na natatawa.

"Shut up Keith."

"Pinagbawalan ka niyang sumama?" tanong din ni Daemon.

"May curfew?" si Chloe. She rolled her eyes bilang sagot.

"Haha. Hirap ng may asawa." natatawang sabi ni Max

"Huwag ka nalang kaya sumama Winter?" concern naman na sabi ni Zander. Binigyan niya ito ng "seriously?"-look.

Sa mga magulang niya, wala siyang curfew pero sa Marius na iyon meron? Ang sarap lang niyang ihulog mula sa second floor ng bahay.

"Ayaw niyo na akong kasama?" paawa effect na tanong niya.

"It's not that Wintz. May asawa ka na kasi kaya may limit na ang pagsama mo sa mga lakad ng tropa." mahinahong sabi ni Daemon at inakbayan siya.

"That's not fair!" pagmamaktol niya pero hindi ito tumalab.

"Ihatid ka nalang namin." pagboboluntaryo nito.

"Don't bother. I can manage." she answered coldly. Tinanggal niya ang pagkakaakbay nito sa kanya at nagsimula ng maglakad. Magtataxi nalang siya dahil hindi naman na siya sinusundo ng dating driver nila. Ipinagbilin din niya sa driver na inutusan ng Marius na yun na huwag na siyang susunduin dahil may lakad sila ng mga kaibigan niya after class. Ilang minuto na ang nakakaraan pero wala pa rin siyang masakyan. Nangangalay na ang paa niya na nakatayo.

"Halika na kasi. Ihahatid ka na namin." sabi ni Daemon ng hinintuan siya sa tapat niya. Tig-iisa sila ng kotse maliban kina Maxine at Chloe na nagsama sa iisang sasakyan. Hindi niya ito pinansin. Masama ang loob niya dito dahil sumang-ayon ito sa kagustuhan nila.

"Come on Wintz. Intindihin mo naman ang sitwasyon. Iba na ngayon kaysa noon." pagpapaintindi nito.

Kasalanan to ng lalakeng iyon. Kung sana hindi sila biglaang nagpakasal, hindi siya lalayuan ng mga kaibigan niya. Sila na nga lang ang dahilan kaya niya nakakalimutan ang lahat.

His Broken Angel - HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon