FAN MO LANG AKO💔
Fan mo ako. Fan mo lang ako.
Isa lang ako sa mga babaeng sinisigaw ang pangalan mo.
Ako'y humahanga sa'yo, kahit langit ka't nasa lupa ako.
Napakalayo na ng narating mo, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng litrato kasama ka.
Sa bawat pintig ng iyong kamay, habang ikaw ay nasayaw at nagtatanghal, sobrang ganda, kahanga hanga.
Sa bawat pag bigkas ng mga salitang nalabas saiyong napakagandang labi, ako'y nabibighani.
Napakarami kong kaagaw, kaagaw sayo.
Pero alam ko, kahit kailan, hindi mo mapapansin ang isang tulad ko.
Isa lang ako sa normal na babae na humahanga sa katulad mong maraming nagkakagusto.
Pangarap ng lahat, mahawakan lang ang kamay mo'y ayos na't sapat.
Sa sobrang dami ng taong naghahangad ng atensiyon mo, hindi na ako aasang makikita mo rin ako. Dahil Fan. Mo. Lang. Ako.
Hindi na ako makapag hintay sa araw na magkita tayo.
Kahit sana man lang, mahawakan ko ang kamay mo.
Makita ka sa personal at kahit marinig lang ang iyong napakagandang boses.
Hanggang panaginip nalang ba?
Hanggang panaginip at pangarap nalang ba kita makakasama?
Panaginip na napakaganda ngunit napakasakit kung iisipin, dahil kahit anong gawin ay hindi ito mangyayari.
Mga pantasya na ikaw ay laging kasama.
Madalas akong lumuluha, dahil hindi man lang kita nakikita...
Pinanghahawakan ko lang ay ang iyong mga litratong kuha pa ng ibang tao.
Masakit, masakit pero alam ko na darating ang araw at may nakikilala kang mamahalin mo.
Mamahalin mo katulad ng pagmamahal ng mga tagahanga mo sa'yo.
Hindi ko alam ngunit...
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa kaisipang, may babae ng bibihag sa puso't isip mo.
Hindi ko kaya, pero kakayanin.
Mahal kita, mahal na mahal kita.
Ngunit ang pagmamahal na iyon ay may nakaharang na linya.
Linya na nagsasabing, hanggang fan lang talaga.gawa ng isang fangirl💚
![](https://img.wattpad.com/cover/112205686-288-k225016.jpg)