Pusong Sawi

24 0 0
                                    

Simula pa lang ng masulyapan
Bumihag na sa akin angkin mong katangian
Ninanais na sa araw -araw ay masilayan
Na nagdudulot ng labis na kaligayahan.

Sa bawat sandali na ika'y pinagmamasdan
Tila ba pakiramdam ko ay kay gaan
Sa bawat oras ay lagi na lang inaasam
Na makausap ka ng sarilinan.

Anong meron ka at ako'y nabihag mo?
Anong taglay mo na ako'y napaibig mo?
Sa isip ko ngayon ay gumugulo
Mga tanong na kailangan ng kasagutan mo.

Sa bawat idlip ay may panaginip
Sa bawat pintig ay may naririnig
Pusong lagi na lang nangungulit
Na iyong pangalan ang iukit.

Ngunit sa kabila ng pag-ibig, dala - dala ay sakit
Sa kabila ng pag ibig, puso ko ay pinipitpit
Mga matang singkit sa hapdi pumipikit
Dibdib ko ay naninikip tila mundo ay sumisikip.

Pagmamahal na inaasam iyong ipinagkait
Inaasahang tamis kapalit ay pait
Damdaming ipinipilit, ngayon ay nilalait
Pagkat kabiguan aking ng nakamit.

Ngayon ay sinusuong ang labis na kalungkutan
Habang dinaramdam ang iyong kawalan
Iyak at pagtangis ng pusong sugatan
Tila matagal pang malulunasan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon