Kabanata II

136 8 10
                                    

Loubelle POV

"Kumain kana nga dyan, Maka! Wag kang magmukmok." Sabi ko kay Maka. Hindi kasi niya ginagalaw yung pagkain na inorder ko para sa kanya. Wala daw siyang gana. 

"Napansin mo yun diba Belle? Napansin mong nakatingin siya saakin kanina?" Sabi nito na hindi nakatingin saakin at nakatulalang mukhang ewan.

"Oo! Napansin ko yun pero baka TH lang talaga tayo. Kaya kumain kana dyan!" Sabi ko naman sa kanya habang sumusubo. Kumakain na ko lahat-lahat pero itong bestfriend ko naiisip na naman ang nangyari kanina.

"TH? Anong TH?" Aba! Slow din pala to kahit matalino eh. Hindi pa alam ang TH. Sa ibang planeta pa ata to nakatira eh. Lahat na ng mga kakilala ko, alam na ang TH pero siya? Hindi? Hahahaha. 

"Tamang hinala, gaga! Kumain kana nga dyan at baka malate pa tayo sa next subject natin kung iisipin mo lang sya." Sabay inom ko sa sodang paborito ko.

Bago ko ikwento ang nangyari kanina, magpapakilala muna ako. Ako si Loubelle Bartolome, bestfriend ni Maka. Katulad ni Maka, isa lang din akong ordinaryong babae. Kung siya ay may mahal ng sobra-sobra, ako naman puro crush lang. Ang mga crush ko ang isa sa inspirasyon ko. 19 years old na din pala kami ni Maka, nakalimutan niya kasing sabihin sainyo sa unang chapter eh. Haha. Kung gano kaseryosong mag-aral si Maka, ganun naman ako katamad. Ewan ko ba! Kung hindi ko lang bestfriend si Maka, ayaw ko ng mag-aral eh. Haha. Pero joke lang yun... Tamad lang talaga akong mag-aral. Ang mama at ang kapatid kong lalake lang ang nakagisnan ko. Hindi ko kilala ang Papa ko. Pero bago pa ako magdrama, titigil na ako dito..... Yun lang...

FLASHBACK

Papalapit saamin si Skyler. Ang taong mahal nga ni Maka. Ayan na siya!! Nakikita kong kinakabahan tong si Maka. Bestfriend ko talaga eh... Ang talino nga, tanga naman sa pagmamahal.

"Uy mak--

"Sky!!!" Sabi ng babaeng nasa likuran ko kaya napatigil tuloy ako. Nagulat naman ako dun. Ano daw? Sky? Si Skyler tinatawag niya?

Ayan na si Skyler.

Sobrang lapit na niya...

Sobra na talaga! Sob----

Ayy! Nilagpasan kami? 

"Kamusta kana? Okay ka na ba?" Sabi ni Skyler sa tonong nag-aalala dun sa babaeng tumawag sa kanya kanina. 

"Don't worry! Okay na ako. Tara kain tayo!" Masiglang sabi ng babae.

Tamang hinala nga talaga kami. Wasak na naman tong bestfriend ko. Haaaaayyyyy. Mahal kasi ng mahal, eh hindi nga siya gusto ni Skyler eh. 

"Maka.. Okay ka lang?" 

"Okay lang ako belle. Alam ko namang di niya mapapansin ang tulad ko eh." Parang gusto na naman niyang maiyak. Iyakin talaga tong babaeng to. 

"Ang drama mo! Alam ko namang wasak na naman yang puso mo eh. Hindi talaga kita maintindihan kung bakit minahal mo yun ng tatlong taon. Wala naman akong makitang dahilan kung bakit mo minahal yun. Ni hindi ka nga mapansin, mahalin ka pa kaya?" Sermon ko. Aba. Naiinis na naman ako. Hindi ko talaga maintindihan yung mga taong nagmamahal pa din kahit di sila minamahal pabalik.

"Hindi mo ako maiintindihan kasi wala ka pa sa sitwasyon ko." 

END OF FLASHBACK

LovefoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon