Cassanova by Face. Loyal by Heart.

17 2 0
                                    

Prolouge
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jaden Mark Harris Lawrence's POV

Ito nanaman. Pasukan nanaman. Lunes, ang araw na ayaw na ayaw ko tapos kasunod nun ay Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.

"Jaden!" Sigaw ng Mama kong wala ng ibang ginawa kundi suportahan at mahalin ako. Tumayo na ako sa kama ko at binuhat ang bag ko. Pagka-labas ko palang ng kwarto ay sinalubong na ako ng isang demonyo.

Nilagpasan ko ang Papa kong magaling at bumaba na papuntang salas. Nakita ko dun si Mama na nag-lilinis.

"Mama! Aalis na po ako!" Pag-papaalam ko kaya napatingin siya saakin. Lumapit siya saakin at ki-niss ang noo ko.

"Pakabait ka Anak ahh! Mag-aral ng mabuti! 'Wag ka munang mag gi-girlfriend!" Sabi niya kaya tumango ako at umalis na.

Pagkalabas ko ng bahay ay kinuha ko kaagad ang bike ko. Sumakay ako sa bike at nag-pedal papuntang school. Hindi pa ako nakakapasok ng school ay andami ng nag-titiliang mga Babae.

"Putek!!!". "Nandiyan na si Mark!!!". "Sayang si Mark!!!". "Si Cassanova!!!". Ayan ang mga tili nila. Hindi ko nalang pinasin at ni-lock ang gulong ng bike sa lagayan.

Pumasok na ako sa loob at tingin lang ng mga Babae ang naabutan ko. Hindi ko pinansin at pumasok na sa room ko.

"KYAAAH! Si Cassanova Jaden!" Tili ng mga kaklase kong babae. Nginitian ko nalang sila ng konti at pumunta na sa pinaka-dulo ng classroom. Nang marating ko ang dulo ay umupo na ako sa sulok.

Nilapag ko ang bag ko at nilabas ang extra notebook ko. Kinuha ko rin ang ballpen ko at nag-doodle.

"Okay class!" Rinig ko ang boses ng Guro ko kaya napa-angat ang tingin ko. Nakita ko siyang may kasamang isang napakagandang binibini.

Wala akong ibang napapansin kaysa lang sa binibini.

"Mr. Lawrence!" I snapped out of my thought when my Teacher called me. Napa-tingin ako sa kaniya at natawa ang mga kaklase ko.

"Stop staring at the new student! You're freaking her out!" Bulyaw niya kaya napa-yuko ako.

"Sorry!" Sabi ko.

"Please introduce yourself!" Sabi niya.

"Hello! My name is Grace Marie Kassandra Jimenez!" Pag-papakilala nung binibini. Ang lambot ng boses niya. Nakaka-inlove. Oh no! Hindi pwede!.

"Ms. Jimenez! You may sit beside Mr. Lawrence!" Sabi ni Ma'am kaya natulala ako.

~ 😎😍 ~ 😎😍 ~ 😎😍 ~

Tapos na ang klase. Uwian na. Pinasok ko na ang lahat ng gamit ko sa bag ko at binuhat ito. Palabas na ako ng room ng harangan ako nung bagong estudyante.

"What?" Cold kong tanong. Mukhang hingal na hingal siya dahil hinahabol niya ang hininga niya.

"Ano bang pangalan mo? Kanina nung sinusundan kita papuntang canteen maraming naka-tingin sa'yo!" Sabi niya kaya napakamot ako ng batok.

"Stalker ba kita? Hindi kaba nakaka-gets? Cassanova ako! Kaya kung ayaw mong masaktan ang puso mo! Lubayan mo ako!" Sabi ko bago siya itulak paalis ng daan. Nagawa ko lang mag-sinungaling dahil hindi ako nakikipag-kaibigan.

Pag-apak ko palang palabas ng room ay hinarangan niya nanaman ako.

"Ano ba kasing pangalan mo? Gusto kong makipag-kaibigan sa'yo kahit ano kapa!" Pangungulit niya kaya hinila ko ang neck tie niya. Nilapit ko ang mukha niya saakin yung tipong parang hahalikan ko siya. Pumikit siya ng mariin sa ginawa ko.

"Hindi kaba nakakaa-intindi? Do you really want your heart to be broken?" Tanong ko kaya tumingin siya sa mata ko.

"Friends lang naman hindi Partners!" Sabi niya

"Kahit na! Everything starts with friendship!" Sabi ko

"Oh my god! The new girl is the Cassanova's new target!" Narinig kong sabi ng isang babae kaya binitawan ko si Grace at tinignan yung babae.

"OMG! Ang pogi niya talaga!" Tili nung babae kaya tumakbo na ako palabas ng school. Inalis ko na ang lock ng bike ko at sumakay agad.

"Hoy! Ano bang pangalan mo?" Tanong ni Grace. Umirap nalang ako at nag-pedal pauwe. Nang makarating ako sa bahay ay binagsak ko nalang ang bike ko sa lapag dahil nag-mamadali akong umuwe.

"Oh Anak! Anong nangyari?" Tanong ni Mama nung makita niya ako.

"Mama! Ano ba 'tong nararamdaman ko?" Tanong ko kaya niyakap niya ako.

"Bakit? May sakit kaba? Ano bang nararamdaman mo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Mama! Kanina may exchange student! Napaka-ganda niya! Tapos mahilig mangulit pero natutuwa ako sa kaniya! Kanina hinihinga niya pangalan ko pero hindi ko binigay kasi ayaw kong makipag-kaibigan! Tapos..." Naputol pa ang sasabihin ko nung kumalas siya sa yakap niya saakin.

"Binata na ang Anak ko!" Sabi niya bago kurutin ang pisngi ko.

"Mama naman ehh!" Ngawa ko kaya natawa siya.

"Hoy Jaden! 'Wag ka munang mag-syota ahh!" Sabi niya kaya tumango ako.

"Tara na! Handa na 'yung hapunan natin!" Sabi niya kaya ngumiti ako at sinundan siya papuntang kusina.

Pagkapasok ko palang sa loob ay nakita ko ang step-brother at step-sister ko. Tinignan ko sila ng masama at napansin iyon ni Mama.

"Anak! 'Wag ganiyan! Kapatid mo sila!" Sabi ni Mama kaya tumingin ako sa kaniya.

"Tsk! Hindi ko sila kapatid! Wala akong kapatid!" Laban ko kaya napa-tayo si Papa at hinila ang kwelyo ko.

"Ano bang problema mo sa mga kapatid mo Jaden?" Inis niyang tanong kanay tinignan ko siya ng masama. Hinawakan ko ang wrist niya at hinila paalis sa kwelyo ko.

"Wala akong kapatid! Wala rin akong Tatay!" Sagot ko kaya sinapak niya ako.

"Tignan mo na, Mama! Hayop 'yan! Hindi ko alam kung bakit mo pa siya tinanggap ehh!" Sabi ko habang naka-hawak sa pisngi ko.

"Aba! Sumasagot kana talaga saakin, Jaden!" Sabi niya bago ulit ako sipain. Bumagsak ako sa lapag at nag-umpisa akong umiyak.

"Hayop ka! Lumayas ka dito! Dalhin mo ang mga Anak mo sa isa mong babae!" Sigaw ni Mama habang yakap-yakap ako.

"Ikaw Babae ka! Ang kapal ng mukha mong sigawan ako!" Sabi ni Papa sabay sakal kay Mama.

"Hoy! Walang hiya ka! Bitawan mo Mama ko!" Sigaw ko kaya binagsak niya si Mama sa lapag.

"Lumayas kayo dito!" Sigaw niya

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Jonnathan Lawrence!" Sagot ko sa kaniya kaya sinakal niya ako.

"H-Hindi a-ako m-mak-makahinga." Nag-hihingalo kong sabi habang naka-hawak sa kamay niya.

"Ako ang may-ari ng bahay na 'to! Lumayas kayo dito!" Sigaw niya sabay hagis saakin sa lapag. Pagka-bagsak ko sa lapag ay nag-dilim ang lahat.

Cassanova by Face. Loyal by Heart.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon