65🍉

248 16 2
                                    


Kalinea's POV

Natapos na yung parade at ngayon nasa cr kami ni Alexa nag re-retouch kami ng make up namin habang nasa gymnasium naman na sila Miyuki. Mag sisimula na din kase yung laban.

"Alexa paano ko haharapin si Mark? Gusto mo palit nalang tayo ng escort?" Out of nowhere na sabi ko.

"Sa tingin mo ba papayag sila pag nag palit tayo ng escort? Lalo na si Haechan hindi papayag yon. Okay lang yan just pretend na walang nangyari." Sagot naman niya sa suggestion ko.

***

Pag pasok namin sa gym ay agad kaming tinawag ni coach Glen. Sabi niya pag daw tinawag yung team nila papasok na daw agad kami with our escort kasunod yung mga members.

Wala pang 10 minutes simula ng dumating kami ni Alexa pero nag sisimula na agad. Tinawag na kase yung name ng kalaban.

"Kali, that girl! Diba siya si Zaire?" Tanong ni Alexa. Kaya agad akong napa tingin sa tinuturo niya.

Yung muse ng kalaban. So hindi pala dito nag aaral yung Zaire na yon.

"Hoy Dreamies daw, tara na." Sabi ni Haechan at agad siyang tumabi kay Alexa. Tinawag na pala yung team namin.

"Let's go." Sabi ni Mark na nasa tabi kona din pala.

Hindi na ako nag salita at agad kong hinawakan yung kamay niya.

Calm down Kali rarampa ka lang.

Sobrang lakas ng mga tili nila ng simulan naming rumampa halos mabinge ata ako sa sobrang lakas ng mga cheer nila.

Matapos namin rumampa ay agad kaming lumapit kay coach Glen. Nag re-ready na sila para sa first round.

Nakita kong papalapit sakin si Mark kaya agad akong tumalikod at aalis sana ako pero hinawakan niya ying wrist ko.

"Kali about what happened las-."

"Kalimutan mo nalang yon Mark. Good luck." Putol ko sa sinasabi niya at agad akong lumayo sa kanya.

"Kali I think it's better kung mag usap kayo. Wag mo siyang i-ignore." Bulong sakin ni Alexa, tumango lang ako at tumingin kay Mark.

Hindi ko alam kung may naka pansin pero parang ang lungkot niya.

Dream Series #1 | Mistaken | Mark LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon