Hayyy kaygandang buhay....
Walang nakikialam sa buhay ko..
Walang epalets na umaaligid..
Walang problema...
Walang kakilala...
Walang kapamilya...
Walang kasama...
At walang kaibigan...Yann..that's my life, weird man kong sabihin na ganyan ang gusto kong estado ng buhay, pero yan lang kase ang gusto ko. At saka totoo naman na wala akong mga ganyan...
Bago tayo magkamurahan -este magkwentuhan hehe, magpapakilala muna ako.
.
.
.
.
Hi! Yow! Bro! Sup! Low!I'm Jett Avergreen Goerge Zachariah Waigne. A.K.A jett or Zach or george..basta kayo na bahala,wag nyo lang akong tawaging Avergreen!!,tss. Ampangit..yuck pang babae masyado...
Ako ang dakilang "utaking tomboy" sa school ,yun rin ang tawag nila sakin. Psshh.. Di naman kaya ako tomboy, kung mapanghusga sila,kala mo naman mga perfect. Huyyy!!! Nobody's perfect noh,except god...
Wushu...maka-diyos po ako..wag kayo..
Kung titingnan di naman talaga ako tomboy...
.
.
.
.✔loose t-shirts(black and white)
✔sneakers(black)
✔short na hanggang tuhod lang(black)
✔sumbrero na nakabaliktad(black nanaman)
✔naka-reyban na black
✔may black na hikaw sa kanang side ng tenga ko.
✔messy black na may pagka-red long hair na parang di pa nauso ang suklay.
✔eyeliner na makapal.
✔lipstick na black
✔and skateboard..O dibah...kahit sabihin nila na ang weird kong manamit..at para akong palaging namatayn sa kulay ng suot ko,wag kayoh babae kaya toh..nakalipstick pa nga ako dibah..hehe black nga lang...
Minsan nga napagkakamalan pa akong adik,nakasinghot,layasin..psshh di nga..yan talaga tingin nila sakin?! Pwes..EDE WEW... Wala ako sa mood para dyan mga engoters..
Nerd rin ako, di lang yata halata sa itsura ko.
Palagi akong class valedictorian, simula kinder hanggang ngayon na 1st year college na ako in a aged of 16. Yes I'm to young pero wala tayong magagawa kase inaaccelerate nila ako dahil sa talino ko. Nung grade three palang nga ako nun eh inaaccelerate agad ako bilang grade six, gush talino ko talaga....pero kahit naman ako ang pinakamatalino, grade conscious at mega mind ng school wala naman silang pake, at saka hanggang kailan ba nila ako pinansin.
Kahit gusto ko ng ganitong buhay minsan napapaisip ako, masaya ba na may kausap ka kahit isa, masaya ba na may nag-aalala sayo, masaya ba na may nag-aalaga sayo, masaya ba ang magkaroon ng kaibigan, at mas sasaya ka ba pag may pamilya ka?????
Para sakin, HINDI kase wala naman ako nun, kahit sarili kong pamilya iniwan ako. Kaya ito nag-iisa ako sa buhay.. Kumakayod para sa sarili...nagtatrabaho para makapag-aral at may makain, actually hindi naman sa kumakayod, meron rin kase akong sariling cofe shop sa umaga na pagdating ng gabi ay bar. Ganyan ako kaasenso kahit isa palang akong estudyante. Pamana kase ito ng lolo ko bago siya pumanaw, Grandpa's girl kase ako nun.
Mayaman kase kami dati. Masaya at walang pinoproblema. Kikay na kikay pa nga ako nun eh, tapos punong puno pa ng color pink ang silid ko halos lahat pa nga ng gamit ko eh pink ang color, favorite ko kase yun hihihi. Unica ija lang naman ako ng buong henerasyon ng angkan ng mga Waigne. Lahat ng gusto ko nasusunod. Lahat ng pinag-uutos ko ay ginagawa nila. Lahat ng kailangan ko nakukuha ko sa isang kahing lang. Masayang masaya kami nun, kaso nga lang iniwan nila ako.......
Lahat sila iniwan ako, no one's ever left for me.
Pinatay ang lahat ng angkan namin , kasama na dun sila mama at papa, granny at grandpa, mga pinsan ko at pati narin mga mga tito't tita ko. Halos wala silang tinira maliban sakin, pati kase mga bodyguards at maids namin ay halos lahat kasabwat ng kalaban,kinuha nila ang lahat ng aming ari-arian,ngunit may natira silang papeles na sya namang nakasulat ang aking mga pamana. Lahat inangkin nila , lahat kinuha.
Akala ko nga nun katapusan ko narin, kaso naawa ang isang kalaban namin at iniwan nalang nila ako dun, panigurado daw sila na hindi daw ako mabubuhay dahil wala na akong matatakbuhan, mamamatay nalang daw ako sa gutom. Pero nagkamali sila ng iniwan, tsss diba nila alam na kahit 7years old palang ako eh , marunong na akong magdiskarte.
May kumuha sakin, na pamilya rin. Minahal nila ako bilang sariling anak. Magiging masaya na sana ang buhay namin, nang nadatnan ko nalang sila na patay at nakabulagta sa sahig na naliligo sa sarili nilang mga dugo.
Halos matulala ako, bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko, bakit palagi nalang nila akong iniiwan, akala ko nung mga oras nayun ay maayos na dahil kakadating ko pa lang nun sa break-up, yes! May boyfriend ako nung mga oras nayon, kaso nga lang hiniwalayan rin ako.
.
Halos ipag sumpa ko na ang aking sarili, dahil wala na saking natira, nag tangka pa nga akong magpakamatay kaso naisip ko ang mga pumatay sa pamilya ko, sabi ko sa sarili ko ay " I WILL MAKE A DEATHLY, BLOODILY, AND DARK revenge" gusto kong maranasan nila ang naranasan ko kaya heto ako ngayon, isa akong leader ng mga gang. Ang "Black Phoenix".
So, marami rami naman ang nai-throwback ko , kaya hanggang dyan lang tama muna ang daldalan kase may klase pako eh, first day pa naman.
Back to reality.
Naglalakad ako ngayon sa hallway para hanapin ang room ko sa bulletin board. At hula ko siksikan nanaman dun. As usual marami rin kase ang mga estudyante rito, kaya tiis-tiis lang.
Syempre dahil matangkad akong babae, eh mabilis kong nasapawan yung mga little girls na kanina pa nagsisiksikan...psshh sorry sa mga natamaan dyan..
Pero kahit nakasingit na ako eh siksikan parin, natatamaan na nga ang dede ko eh..ang sakit.. Pag ako nagkaron ng breast cancer kayo ang papabayarin ko at saka papayagan ko kayong magkaroon ng family reunion ng mga ninuno nyo.
Hindi ko na talaga natiis ang init at sikip kaya binigyan ko ng matalim na tingin yung babae na kanina pa sakin nakikisiksikan...
Mabilis naman itong umalis, sunod sunod ko silang tiningnan ng death glare kaya nagsilayuan sila, pssshhh yun lang pala eh..
Takot na kayo agad..mga duwag.. Kaya yun wala ng sisikan, ako na nga ang nasa gitna ng bulletin board, at lahat sila ay nasa gilid habang nanginginig sa takot.
.
.I was about to find my room, nang biglang nagsiksikan agad,pero this time puro na lalake. What the fudge!!!!!!!!putangeners!!!!!!!!hay'pa!!!!!!!!!!Shitttt!!!!!!!
Dahil sa subrang siksikan eh, may nakahawak na ng dibdib ko may nakahaplos narin ng pwet ko ,halos pinaliligidan na ako ng mga lalaje. Ewan ko nga kong nagkataon lang yun dahil siksikan o sadyang sinasadya nila. Pero kahit alin man doon, wala akong pake . humanda sila.
"WHAT THE!!!!!!!!!!," sigaw ko, kaya naman nagsitigilan ang mga boys sa ginagawa nila at sabay-sabay na napatingin saakin.
..
..
..
..
..Yan, nagsitigilan kayo..kaya ayun nagsimula na akong maghanap ng room ko...
.
.
.
.
.no.....118...119....12-Di ko nakita yung room no. Ko dahil may bigla nalang kumuha ng papel na kung saan nakasulat ang student's no. namin pati yung no. ng rooms. Hayyy sinong epal toh..
YOU ARE READING
Ms.Tomboy meets Mr.Playboy
Mystère / ThrillerMaganda ang takbo ng buhay ko, hindi naman sya gaanong maganda pero para sakin sapat na ang sitwasyon kong yun. All my life, tahimik ang buhay ko. walang asungot na nambibwesit. walang epal. walang bully. walang chismis. at mas lalong wala sanang m...