ABYS- 3

8 0 0
                                    

Eunji's POV

'gusto kasi kita, liligawan kita'

'gusto kasi kita, liligawan kita'

'gusto kasi kita, liligawan kita'

'gusto kasi kita, liligawan kita'

GRABE NAKAKAUTAS, KALA KO AKO LANG!! KALA KO AKO LANG YUNG UNTI UNTING NAGKAKAGUSTO SA KANYA TUWING MAGKASAMA KAMI. NAIIYAK AKO, GUSTO KO SUMIGAW KATULAD NG GINAWA NYA PERO PARANG WALA AKONG MAISIP NA WORD KUNG PANO MADESCRIBE ANG NARARAMDAMAN KO. MAHAL NA MAHAL KITA KIM TAEHYUNG.

"Oo na TaeTae. Gusto din naman kita at wag ka nga sumigaw mukha kang bano hahahahah" tumimo naman sya at tsaka tumingin sa akin habang nakangiti, as usual rectangle smile, hehez ang cute cute

"So parang M.U. na tayo??" tanong nya habang nakarectangle smile

"Oo, siguro" yun na lang tangi kong sagot, mahal na mahal ko na si Taehyung at ang saya saya ko kasi may pag asa ako sa kanya

"Alam ko na parang tayo na din pero susuyuin pa din kita, hatid sundo, may gifts tapos kung ano ano pang ginagawa ng isang nanliligaw. Hindi pa tayo official na magkarelasyon kaya liligawan na din muna kita" sabi nya sa akin tsaka ako niyakap

Hindi ko na nacontrol sarili ko at umiyak na lang ako, napakaswerte ko sa kanya kasi napakabait at maalaga daw nya. Magkayakap pa din kami at napakasaya ko hindi pa man kami official pero at least alam namin na may pag asa kami sa isa't isa.

Dumiretso na kami sa room namin, busy na din kami sa school kaya wala masyadong kasiyahan sa buhay namin hays..

After a week

Other person's POV

Andito ako sa school ni Taehyung para sabihin kanya itong dinadala ko, buntis ako at sana maniwala sya. Mahal na mahal ko pa din si Taehyung at alam ko na mahal pa din nya ako, ako naman ang nakipaghiwalay kaya alam ko na mahal nya pa din ako.

"Kilala nyo ba si Taehyung??" tanong ko sa estudyanteng nakasalubong ko

"Ah opo, ayun po sya *sabay turo sa kung saan nakatayo si Taehyung*" sagot nung babae

Dumiretso ako sa kinatatayuan ni Taehyung at nabigla naman sya

"Anong ginagawa mo dito??" bungad nya sa akin

Niyakap ko naman agad sya, kasi miss ko na sya at alam kong ganun din sya

"Taehyung, ikaw ang ama ng dinadala ko" sagot ko sa kanya

"Ano ba Jiwoo?? Wag mo nga akong niloloko!!" sigaw nya sa akin tsaka tinagtag ang pagkakayakap sa kanya

"Hindi kita niloloko Taehyung, ikaw ang ama ng dinadala ko!!" sagot ko sa kanya

Bakit ba parang di sya maniwala?? Alam ko na madali ko syang mapapaniwala kasi mahal nya ako.

"Hindi ako bobo Choi Jiwoo, magiisang taon na tayong hiwalay at hindi pa tayo nagkikita ulit matapos mong makipaghiwalay sa akin. Siguro nga dapat naianak mo na yan kung ako ang ama kasi lagpas ng 9 months tayong hiwalay. Ano yan dyan na tumira yung bata. Sa pagkakaalam ko din walang nangyare sa atin" sigaw sa akin ni Taehyung

"Taehyung ano bang problema mo bakit ayaw mo na lang tanggapin na ikaw ang ama nito, pagkatapos mo akong buntisin iiwan mo ako ha anong klaseng ama ka ng magiging anak natin. Di mo ba tanda ang nangyare sa atin!! At sa pagkakaalam ko ha wala pang 9 months tayong hiwalay!!" balik na sigaw ko sa kanya

Always by your Side •k.t.h.•Where stories live. Discover now