My bully

8.2K 271 27
                                    

"Hoy. Yung asignment ko asan na?"

Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Napalunok ako at inayos ang salamin ko.

"U-uh.."

"Wag mong sabihing hindi mo ginawa?!" Napatalon ako sa gulat nang sumigaw siya.

Dali-dali kong inilabas ang papel sa bag ko at iniabot sa kanya. "E-eto na.." Nanginginig ang kamay ko at yumuko ako para hindi ko siya matignan sa mata.

Ginulo niya ang buhok niya at ngumisi sa akin. Hinablot niya yung papel sa kamay ko at umalis na. Ni thank you man lang wala akong natanggap.

Doon ko napansin na hindi pala ako humihinga nang nandyan sya sa harapan ko. Nakakatakot talaga siya.

Si Marcello Sorge, but he prefers to be called Marc.

Siya at ang mga kasama niya ang mga so-called 'bullies' dito sa school, sa classroom namen.

Nang dahil sa kanila, wala ng lumalapit sa akin. Ever since I met them, I became an outcast. Ni isang estudyante walang lumalapit sa akin. Maski teachers hindi ako pinapansin.

Nakatingin lang ang mga kaklase ko sa akin. Halatang naaawa sila pero hindi sila makalapit kasi takot silang mabangga ang isang Marcello Sorge.

Right.. sino nga ba ang lalapit sa akin para damayan ako? Lahat kami takot sa kanya. Not only anak siya ng teacher kundi apo rin siya ng principal.

Meron siyang dahilan para gawin kaming sunud-sunuran. Isang sumbong niya lang sa lola niya, bye-bye school.

Pinahid ko ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mata ko. I would never ever cry in front of anyone. I don't want to look weak even though I am. May pride pa rin naman ako kahit papano.

Nilabas ko ang notebook ko dahil pumasok na ang next prof namin.

Habang nagsusulat, naramdaman ko na lang na may sumipa ng upuan ko. Gusto ko sana silang pagsabihan, kaso napatingin yung prof sa akin.

Ibinaba ko ulit ang tingin ko sa notebook at hindi sila pinansin. Sa pangalawang beses, may sumipa na naman ng upuan ko.

Napatingin ulit ang prof sa akin pero nagpatuloy sa discussion.

Lumingon ako sa likod para tignan ng masama ang salarin, pero nagulat ako nang si Marc pala yon. Great. That was obvious. Note the sarcasm please.

"Problem?" nakangising tanong niya sa akin habang nakapatong ang mga paa niya sa likuran ng upuan ko.

I tried my hardest not to roll my eyes at binalingan ng pansin ang prof. Nagulat ako nang nasa harapan ko na pala siya.

"You have a problem, Ms. Calvery?" tanong niya sa akin.

"N-no si.."

"Sir! She was asking me to kiss her"

Para akong nabagsakan ng malaking bato nang narinig ko yan sa kanya. WHAT THE HELL?!

"W-what?! S-sir hindi p.."

"Well. I wasn't expecting that from you, Ms. Calvery. Please stop flirting with Mr. Sorge and listen to the discussion"

Namumula ako sa kahihiyan nang ipinagpatuloy na ang discussion. Rinig na rinig ko ang tawanan at bulungan ng mga kaklase ko.

Muli akong napatingin kay Marcello na may ngiting tagumpay. Para bang nagustuhan niya ang reaksyon ng lahat lalo na ang reaksyon ko.

My Bully (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon