chapter 10: " Z company"

7 1 0
                                    


Fuyumi's P.OV

"shalle sure ka ba dito.. " tanong ko sa kanya ng walang tingin tingin

"oo ata.. " pagsangayon niya ng may pagtataka

Nandito kami ngayon sa harap ng gate na mala mansion na bahay.. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at napasama sa kanya ng labag sa loob ko.. At kasalanan yun ng babaeng to.

Flashback

(homeroom time)

"yumi,yumi, halika dito.. Kilala ko na kung sino yung lalaki sa party dati na kinausap ko"

"huh sino..  At pano ka naman nakakuha ng impormasiyon jaan sa lalaking yan eh hindi mo nga kilala  diba? "

"malamang nag tanong ako doon sa mga tao na kasama sa party..  Ano ka ba yumi.."

Tinignan ko siya ng mala walang kwentang mukha ko..  Iba talaga pag mayayaman eh noh..  Lahat may nakukuhang paraan..

"ayusin mo yang mukha mo yumi..  At baka mahampas kita ng 2inch na high heels ko..  Wag mo ko bigyan ng poker face mo.."

"oh!aba d ko na kasalanan yan.. .. Ano ba nakuha mong impormasiyon at baka puro kalandian lang pala yan ng lalaking yun ang nakuha mo" sarkastiko kong pagsabi sa kanya

Bigla niya kong binatukan sa ulo dahil   sa sobrang galit niya..

"ano ba?" pagalit kong sabi

"konti nalang yumi,  konting konti nalang ihahampas ko na tong high heels ko sayo" pasigaw niyang sabi

"tsh..  Ano na nga"

tinignan niya muna ako ng pataray bago nag salita.  Sinabi niya lang naman na kung saan daw nakatira and mask man  na yun at kung ano daw personality nito..hindi din nalalayo sa edad namin at mayaman din. Ito..may nakuha din siyang impormasiyon na kung saan may mga lugar ito na pag mamayari.. At isa pa sa pumukaw ng atensiyon ko ay..  Ang kompanya na tinatawag na "Z Company".

"parang pamilyar sakin ang Z company shalle..  Meron ka din bang nakuhang impormasiyon sa company na yun"

"wala pero ang alam ko lang sa kompanya na yun ay masyado daw itong pribado at matago na kompanya..  Bakit may alam ka ba doon sa ZCompany yumi? "

Hindi ko alam kung bakit pero narinig ko na to dati..  Hindi ko lang matandaan..

"wala,.. Wala"

tumingin sakin si shalle ng pagtataka sa mukha bago niya pinagpatuloy...

"so..   Puntahan na natin to yumi.. Mukhang malapit lang naman sa bahay natin eh.. "

"ayoko. Wala akong balak sumama sayo" irita kong sabi

"siga na yumi oh tulungan mo naman ako..  Sabi mo bestfriend kita diba diba? "

"oo bestfriend kita. Pero pag dating jan sa mga stalk at kalokohan mo. Hindi kita kaibigan.. "

"ang sama mo naman sakin.. Sige na oh"

"ayoko.. "

"yumi.. " pa cute niyang mukha

"wag mo kong daandanin jan sa pa cute mo d uubra sakin yan"

"ahh ganun..  Sige lets start this into hard way"

Nakita kong tumayo siya sa kinauupuan niya at aakmang sisigaw.

"mga classmates may sasabihin ako"

Nagulat ako sa ginawa ni shalle at naagaw niya lahat ng atensiyon ng mga studyante dito sa room at nanahimik..  Ano ginagawa nito.

Tumingin muna sakin ito at ngumiti ng pagka pilya.. 

"gusto niyo ba malaman kung ano meron sa kanila ni staz at yumi? "

lahat nagsibulungan at mga nakatingin sa direksyon ko ang mga studyante lalo na ang mga babae na galit tumitig sakin..  Buwisit ka shalle

"siya lang naman ang babaeng.. "

Padabog akong tumayo at sinuntok ang arm chair na kinuupuan ko dahil sa sobrang galit..

"subukan mong ituloy yan shalle o sisipain kita sa labas ng room na to"  pabulong ko sa kanyang sabi ng may halong gigil at pagkainis sa ginawa niya

Tumingin ito sakin ng nakakaloko

"ano sasama ka sakin o sasabihin ko sa kanila yu..."

sinuntok ko ulit ang lamesa at tinitigan siya ng mapang patay kong tingin.. Ginagalit mo kong babae ka

"sasama na ko sayo..  .. at Magtigil ka shanella Magsadia"  gigil kong salita

ngumiti ito ng nakakaloko at nagsalita sa iba na biro niya lang yun.  Nakita ko naman ang iba na hindi sila naniniwala na biro lang yun at tumitig sa direksiyon ko ng may halong pagbabanta sa mga babae..

Hinayupak ka shalle..

End of flashback

"hoy yumi ano na tutunganga ka nalang ba jan halika na dito umalis na tayo at baka may maka kita pa satin"

Sumunod nalang ako sa kanya at d na umimik pa dahil sa kawalan ko ng mood kanina sa nangyari..

Aakma na sana kaming pumunta sa kotse ng makita naming bumukas bigla ang gate ng mansiyon na tinitignan namin kanina..

"hala yumi tago daliii"

Nagtago kami sa malaking puno na kaharap ng mansiyon at nakita namin na may dalawang taong guwardya na lumabas para alalayin ang sasakyan na lumalabas.. 

"yumi.. Nakikita mo ba yung tao sa sasakyan? "

Hindi ako umimik dahil nakuha ang atensiyon ko sa sasakyan..  Parang pamilyar sakin tong sasakyan na to

"hala yumi nakita ko sa adrian"

Ng sinabi niya ang mga pangalan na yun..  Nakita ko si adrian na naglalakad papunta sa sasakyan.. At saka pumasok..ng tapos na ang pag sasalita sa guwardya saka palang umalis ang sasakyan at sinarado na ang malaking gate..

Nagtinginan kami ni shalle ng may halong pagtataka sa aming nakita kanina.. At naging mala misteryo ang nkita namin ng makita namin si adrian..

Pagkatapos ng ngyari na yun sumakay na kami ni shalle ng kotse at bumyahe ng sobrang tahimik dahil sa mga nakita namin kanina..

ayoko man maniwala sa nakita ko pero ang kotse na  nakita ko ay galing sa Z company....... ..

..  ..

..
..

   ....................¤.........................




Say " I LOVE YOU"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon