Reminiscing

9 1 0
                                    


Naaalala mo pa ba?
Noong unang beses na nagkausap tayong dalawa.

"Hi" yaan ang sabi mo.
"Hi rin" naman ang tugon ko.

Naaalala mo pa ba?
Noong unang beses tayong magkasamang dalawa.
Doon sa may plaza, nagkukulitan, nagkukwentuhan, masayang nag uusap.

Naaalala mo rin ba?
Yung mga araw na nagsasabihan tayo ng ating mga problema?
Sa tuwing ako'y maiiyak, nandiyan ka para patawanin ako.
Mga problema na ang tanging solusyon ay idinadaan na lamang natin sa pagkanta.

Naaalala mo rin ba?
Yung araw na nagtapat ka sakin ng iyong tunay na nadarama.
Tumayo ka pa nga sa mesa upang iyon ang magsilbi mong munting entablado. Dahil idinaan mo sa pagtula ang lahat.

Ang iyong tula na tila isang musika sa aking pandinig.
Ang iyong tula na sa una'y dahilan ng aking pagngiti ngunit habang ipinagpapatuloy mo. Ang iyong mga salita ay naging sanhi ng unti unting pagkawasak ng aking puso.

Dahil ang iyong tula ay hindi para sakin. Kundi para sa kanya. Para sa taong iyong tunay na minamahal.

Nakalimutan ko.
Nakalimutan kong ako ay isa lamang kaibigan para sa iyo.

Nakalimutan ko na hindi ako ang iyong gusto. Kundi sya. Sya na mahal mo, ngunit may ibang gusto. Sya na pinapahalagahan mo ngunit nasa ibang tao ang pagpapahalagan.

Nakalimutan kong hindi maaaring magkaroon ng ikaw at ako dahil nasa ibang tao ang puso mo.

Nakalimutan kong hindi maaaring maging tayo dahil imposibleng magustuhan mo ang tulad ko.

Naaalala mo ba yung araw na  nagtapat ako sayo.
Tinawanan mo lamang ako..
Kaya ang tanging nasambit ko nalang noon ay ang mga katagang "Biro lang"

Dahil ang tingin mo sa nararamdaman ko ay isang biro na hindi maaaring magkatotoo dahil ako'y isang kaibigan lang.

Isang kaibigan na nagmamahal ng labis sayo.
Isang kaibigan na kahit kailan hinding hindi mo magugustuhan.

Isang kaibigan na nakakaalam na SYA ang mahal mo at HINDI ako.

My PoetryWhere stories live. Discover now