Lost Life (One Shot)

130 5 10
                                    

Kulog at kidlat ang tanging naririnig ko mula sa labas.Dama ko rin ang malamig na hangin na bumabalot sa aking kwarto.  Naiwan ko na namang naka bukas ang bintana.

Nakatulog ako... Naulan na naman, Kada gabi nalang naulan simula ng sumapit ang ika anim na buwan ng taon.

Tanaw ko rin mula sa bintana ang Punong manga na sumasayaw sa lakas ng hangin. kasabay ng ilaw na gawa ng matatalim na kidlat at ng malalakas na patak na ulan.

Pakiramdam ko ay halos matuyo narin ang lalamunan ko sa uhaw. Ubos narin ang isang basong tubig na ihinanda ko sa gilid ng kama.

Nakakatamad din bumaba lalo na't malamig ang paligit at masarap pang matulog. Anung oras na ba? 12:00 na pala, kita ko sa umiilaw na orasan.Agad akong tumayo at kinuha ang baso.

Nakaka inis, Kung bakit kasi sa second floor pa ang kwarto ko.  Ang hirap tuloy kumuha ng tubig pag tuwing gabi.

Pinihit ko na lang ang trangkahan ng pinto  at nagpatuloy sa paglalakad.  

  Kapansin pansin din ang  madilim na paligid sa hagdan. Bakit nakapatay ilaw dito? kadalasan namang laging nakabukas ang ilaw dito dahil narin sa kagustohan ni Nanay.

Nangapa nalang ako sa dilim para makababa ng hagdan.Si Manang talaga, Nakalimutan nyang iwang bukas ang ilaw sa hagdan.Matanda na kasi.Minsan pa nga ay nakalimutan din nyang bukas ang pinto sa sala kaya nakapasok ang mga lamok na peste.

Naisip ko ding ang tanga din ng gumawa ng bahay. Kung bakit kasi nasa baba pa ang switch ng hagdan.

Kainis!

Napalingon ako sa sala.Madadaanan muna kasi ang sala bago ang kusina.

Bukas ang pinto? Si Manang talaga. Naiwan na ngang patay ang ilaw sa hagdan naulit pang iwang bukas ang pinto.

Isinara ko na lang ang pinto.Pagkatapos ay nagpatuloy ako sa paglalakad patungong kusina.

Nasobrahan na yata ang pagiging  makakalimutin ni Manang.Palagi naman syang binibilinan ni papa na isirado ang bintana at pinto pagdating ng ika alas dyes ng gabi.

Sabi kasi ni Papa ay pag tuwing  Alas dose ng gabi ay naglalabasan ang mga demonyo o mga hindi nakikitang mga ingkanto sa paligid na nakiki salamuha sa tao, kaya alas d'yes palang ay isini sirado na namin ang pinto.

Andito na pala ako sa kusina. Madilim din ang paligid dahil patay din ang ilaw.Natural na patay ang ilaw sa kusina dahil wala din namang gumagamit sa gabi at tipid din sa inerhiya.

Kita ko na ang pitsel mula sa lamisa,pero parang may hugis bola o parang ulo na nakatabi duon.

Tinatakot ko na naman ang sarili ko.

Paglapit ko ay tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi din ako makagalaw at parang nagising ang buong diwa ko na para ding nabuhusan ng isang napaka lamig na tubig.

Bakit putol putol ang mg bahagi ng katawan ni Manang Puring! Bigla ding pumasok sa imahinasyon ko ang mga posibling mga nangyari na baka na nakawan kami o kung ano ano pa.

Tumotulo narin ang dugo  mula sa lamesa kung saan nakapatong ang ulo ni Manang.

Nanginginig at tila hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam ang susunod kong gagawin.

Halos ma duwal narin ako sa langsa ng amoy ng dugo ng biglang mapa  atras din ako  dahil sa nahulog na ulo.

Alis! pag tataboy ko sa pusang itim na sarap na rasap sa pagdila ng dugo sa lamesa.

Duon ako natauhan.Bigla kong naisip si Nina.

Ang nakababatang kong kapatid.

"Nina!"sigaw ko.

Lost Life (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon