Miss Maliit :')

265 7 0
                                    

Yuri's POV

"Yurii! Gumising ka na! malalate ka na oh? tss. Gising na bunso!" malakas na sigaw ni Kuya.

Ako nga pala si Yuria. Yung gumigsing sakin kanina? Kuya ko yon. Actually, hindi ako yung bunso, may mas bata pa sa akin pero.. yung height ko kasi. Mas matangkad pa sa akin yung grdae 6 naming kapatid na si Cedric. Tapos baby face pa ako kaya minsan, muka daw talaga akong bata. Mas mature kasing tignan si Cedric eh.

Pagkaligo ko, nagbihis ako sabay kumain at sabay umalis. Late na ako kaya minadali ko si manong driver ng pagdradrive. 

Pagdating ko sa school, hinanap ko agad sa bulletin board yung pangalan ko at room ko. Nagulat nalang ako, biglang may nag-approach sakin..

"Hi baby. Nawawala ka po ba? Gusto mo ihatid kita sa building ng elementary? Highschool kasi itong building na 'to eh."

Aba'y anak nang pateng.. Ako? ELEMENTARY!? -_- Nakaka-offend na ah.

"Kuya anong trip mo?"

"Ha?"

"May problema ka ba ha?"

"Tinutulungan lang naman kita eh. Mukang nawawala ka na ata."

"Ah ganon?" sabay turo ko ng pangalan ko sa bulletin board. "Basahin mo yan!"

"Mcrise, Yuria D. VII-Newton Room 203." nagulat siya sa nabasa niya, parang ayaw pa niyang maniwala sa lagay na yan ha? "Sorry miss. Akala ko Grade 5 ka palang. Muka ka kasing bata eh. Tapos yung height mo pa.. Ma-"

Bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya..

"Maliit? Ganon? Maliit? Mahiya ka nga, eh ano ngayon kung maliit ako, paniguradong mas mataas standards ko kaysa sayo no. Bahala ka na nga diyan." Pagkatapos kong sabihin yan, inirapan ko siya sabay hawi hair. Anong inaakala niya? Tss. 

Hindi naman sa OA ako pero, malaking issue kasi sa akin yang height na yan. Lagi nilang inaakalang ako yung bunso. Hindi kasi ako nagmana kay mommy na matangkad. Natandaan ko nga nung grade 6 na umiyak ako dahil tumangkad classmates ko. Napagiwanan ba. 

Ang masaklap pa, yung feeling na ikaw pinakamatangkad sa tropa mo pero.. ayon nga. Napagiwanan ka. 

Back to reality--

Habang naglalakad ako sa hallway, nakabangga ko nanaman yung lalaking nanira ng araw ko. (gasgas na to promise)

"Sorry hindi kita nakita, ang liit mo kasi. Haha!"

Tumawa ka pa ha? Tignan natin kung makakatawa ka pa..

"ARAY!"

"Ano? tatawa ka pa?"

"Bakit mo ako hinampas?"

"Para tumigil ka ng kakatawa! Nakaka-offend ka kaya."

"Osiya, ako nga pala si Kurt. Sorry kaninang umaga ha? Akala ko talaga.. elementary ka.."

"Sorry mo muka mo ulul! Wala kang maloloko dito!"

"Sorry talaga.. ang cute mo kasi eh. :">" sabay nagpuppy eyes siya.

"Hoy, mister Kurt chorva, para sabihin ko sayo, hindi ako katulad ng ibang babae dyan na isang pacute mo lang eh magkakandarapa na ako sayo. Mahiya ka nga!"

"Ang cute mo pala kapag naiinis. Mas lalo kang nagmumukang bata." sabi nya habang nagpapatuloy pa rin sa pagpapacute. Hindi ako magpapabihag sa charm nitong malanding lalaking ito!

Nabanas ako kaya't nagpatuloy nalang sa classroom.. 

Pagdating ko sa clasroom..

"Oh kurt! Siya ba yung cute na chix na sinasabi mo samin? Eh pare muka namang bata eh! Child abuse ka!" sabi ng isang lalaking mukang naka drugs ata? Hindi ko siya kilala. Muka siyang nagrurugby sa kanto.

Hindi ko alam classmate ko pala si Mr, Kurt Mayabang na matangkad! Nakakainis! Fyi, hindi niya ikinagwapo pagiging matangkad niya. Tss!

"Wag niyo ngang asarin si Miss maliit!" sigaw ni Kurt.

Nabanas ako kaya nagwalk out nalang..

Walang tao sa hallway kasi nagstart na yung classes pero yung section namin, ayon. Party party! 

Naglalakad ako pero parang may naririnig akong naglalakad sa likod ko..

"Bakit mo ba ako sinusundan ha!?" sigaw ko.

"Eh kasi nagwalk-out ka eh mukang iiyak ka na." sabi niya.

"Ganyan ba tingin niyo sakin? Nakaka-offend! Alam mo yon? Bunso tawag sakin kahit hindi ako yung bunso.. awkward kasi yung feeling na ate tawag sa akin ng kapatid kong bunso na grade 6 pero ang tangkad niya grabi. Pinagkaitan ako ng height.. ang liit liit ko."

Hindi siya nagsalita..

Nagpatuloy ako sa paglakad pero.. may humila sa kamay ko.. 

"Yuri, please.. alam kong iniismall ka nila pero iniibig naman kita."

"Urur, walang ganyan kakakilala palang natin.."

"Oo.. pero nagkaslowmotion ako sayo eh." 

"Hindi rin totoo yan."

"Oo Yuri.. maliit ka na. Pero walang babaeng maliit kung ipagmamalaki kita. Kaya please, okay lang na maging maliit. Kapag may nang-aasar sayo.. sasapakin ko. Basta ayokong inferior nararamdaman mo. Sorry talaga."

"Ano kita tagapagtanggol? mataray kong sinabi.

"Hindi. Bestfriend."

"Asus! Osiya, aalis na ako. Uuwi na ako.." 

"Osige miss maliit. Mag-iingat ka ha?"

"Oo.."

sabay akong umalis.. pero may sinabi pa siya eh..

Flashback~~

"Osige miss maliit. Mag-iingat ka ha?"

"Oo."

"I love you.."

End of Flashback~

END OF YURI'S POV

Simula noon ay naging magbestfriend na si Yuri at Kurt. Nabawasan ang pagiging insecure ni Yuri sa kanyang height dahil kapag minamaliit siya ng ibang babae ay kinakalong siya ni Kurt upang ipagmalaki siya kaya lumakas ang loob niya. 

Nang sila ay makagraduate ng highschool, tinanong na ni Kurt kung pwede silang maging ni Yuri at malamang sinagot ni Yuri si Kurt..

Lumipas ang panahon.. may nausong produktong tinatawag na cherifer kaya't ito ay binili ni Kurt para kay Yuri. Nang sinimulan ni Yuri na uminom ng sinasabing gamot.. siya ay tumangkad at medyo naging kasing tangkad niya na si Kurt ngunit mas matangkad pa rin si Kurt.

Hindi nagtagal at sila'y ikinasal.

THE END

--

Ang corny po wew! kshare XD Hahaha. Minsan lang ako gumawa, napagtripan ko lang. Sorry :v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Maliit :')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon