His Point Of View
When I first saw you, you're not all that pretty. Maganda ka, oo, pero hindi naman kita gaanong napansin. For me, you were just a typical girl with brown long straight hair, milky skin, and you're a bit skinny but in a sexy way. Too plain for my liking.
Naagaw mo lang ang atensyon ko dahil hindi pa kita nakikita. Mukha ka ngang shunga sa quadrangle dahil linga ka ng linga. Hindi ka ba nangangalay? Sabi pa nga sakin ni Liam, "Bro, transferee ba 'yun?"
Pinagkibit balikat ko nalang ang tanong nya tungkol sayo. Wala rin naman kasi akong panahon sa babae. Para sakin, sakit lang sila sa ulo.
I continued studying but something caught my eye, your eyes.They were looking at me sternly. Nagulat ako. I've never seen those kind of brown eyes before. It was piercing, but in a goodway.
Napatayo ako, napataas naman ang kilay mo. Feeling ko nga ang taray-taray mo. Lumapit ako at naglakas loob na lapitan ka. Sabi ko pa nga, "Hi Miss. You new here? Ah, it's Drake, by the way."
Nung una, nagulat ka pa, pati pala ako. Hindi ko din kasi alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko. Alam ko rin sa sarili kong naging mabilis ako and it was obvious that I was checking you out earlier.
"Uh, hi? Yeah, transferee ako. Pwedepo bang magtanong? San ba 'yung Engineering Building? 'Yung Room CE01?" Sagot mo na mas ikinagulat ko. You greeted me back. Hindi ikaw 'yung tipo ng babae na magtataray. You were friendly.
Sinagot ko ang tanong mo at sasamahan pa nga kita noon. Sabi mo okay lang but I insisted. Kunwari gentleman ako. Nang makarating tayo doon, nagpasalamat ka at aalis na sana para pumasok sa loob pero pinigilan kita, hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo. Bakit ba kasi hindi mo agad sinabi sa akin 'yun kanina? Ang dami mo pang arte eh.
"Oh, sorry. The name's Shay." At nginitian mo pa ako. Napatulala nalang ako hanggang makapasok ka sa loob ng room.
Starting on that day, hindi ko matanggal sa isip ko ang ngiti mo. God, it was angelic.
Inaasar pa nga ako ng mga barkada ko na baka daw na-love at first sight ako sayo, hindi ko kasi mapigilang ngumiti kapag naaalala ko 'yung ngiti mo. Ang bakla lang pero wala akong pakialam, eh sa nagsasaya ako eh.
Ginawa ko ang lahat noon para lang mapansin mo'ko. Hindi naman naging problema 'yun dahil kilala na naman talaga ang barkada namin sa university na pinapasukan natin. Hindi ako mahangin, sadyang honest lang ako.
Nang minsang magkabanggaan pa nga tayo sa canteen, niyaya kitang itreat ng lunch dahil ako din naman ang dahilan kung bakit natapon 'yung dala mong tray. Actually, sinasadya ko nga 'yun eh. Ganoon lang siguro ako kadesperado kaya pabayaan mo na.
Dinala kita sa isang kilalang sea food restaurant pero umatras ka bago pa man tayo makalabas ng sasakyan. "Naku, 'wag nadyan. Ang mahal nga hindi naman masarap. Let's just eat somewhere else."
Ako naman ang dinala mo kung saan, natawa pa nga ako ng malaman kung saan tayo kakain. Sa isang kanto na punong puno ng street foods. Nagpalibre ka sakin 'nun ng 20 pesos na fishball, 10 pesos na kwek-kwek at isang large halo-halo. Grabe nga eh, parang hindi ka babae kung kumain.
"Oh ano pang tinitigan mo? Kain na!" Natatawang sabi mo sa akin ng makita kung paano ka kumain. Basta subo ka lang ng subo. Wala kang pakialam kung anong sabihin nila sayo, ang mahalaga, nagsasaya ka.
BINABASA MO ANG
The Point Of View
Short StoryKnow what others are thinking. Are they faking it, or they just unconsciously broke your heart into pieces?