Braveheart's Mission [Kathniel]

422 3 2
                                    

            Nasa 4th year highschool na siya, at running for valedictorian. Siya si Kathryn Bernardo. Maagang siyang nagpaalam  sa kanyang mga kasamahan sa study group.

            Bago kasi umalis nang bahay kaninang umaga ay hindi siya nakapag-iwan ng note sa kasambahay nila para sa kanyang boyfriend, malamang ay nag-aalala na ito sa kanya. Kaya inagahan na lang niya ang pag-uwi.

            Nasa parking lot na siya nang kanilang school. Doon naghihintay ang kanilang driver na sumusundo sa kanya palagi. Eksaktong nabuksan na nang driver  ang pinto ng kotse ng makarinig sila nang mga tumatakbong mga yabag.

            Nakita niya ang isang lalaking tumatakbo. Sa likuran nito ay may limang babae at lalaking may dalang camera na humahabol dito.

            "Miss! Miss! Please, help! Pasakay naman kahit hanggang sa highway lang!"-humihingal na sabi nito.

               Tiningnan muna ni Kath ang kabuuan ng lalaki kung karapat-dapat ba itong pagkatiwala-an. Mukhang hindi naman ito kriminal batay sa kasuotan nito, At higit sa lahat hindi ito gusgusin o ano man, Ang naisip niya ay baka celebrity ito na hinahabol lang ng mga reporters para makunan ng Ambush Interview. Kaya walang pag-atubiling pinasakay ni Kath ang lalaki, bahala na si Batman, tutal andito naman ang driver nilang si Kuya Mar na sobrang makakapagkatiwalaan.

            " Kuya Mar , tayo na po!"

            "Sige po Mam!"- sagot nito.

            "Thank you!"-ani nitong tila nabunutan ng tinik.

            "Bakit ka ba hinahabol nang mga iyon? Artista ka ba?"- natatawang tanong ni Kath.

            "Hindi."- tumingin ito sa kanya na parang noon lang nito napansin ang hitsura niya.

            "Eh, bakit ka nga nila hinahabol?"

             "Gusto nila akong hingan ng kumento tungkol sa pagiging engage ni Yen Santos."

             "The PBB housemate-turned-actress?"

              "Oo." -ani nito na hindi naalis ang paningin sa mukha niya.

              Medyo nailang tuloy si Kath. Kaya umiwas na lang siya ng tingin.

             Sikat na aktres ang binanggit nito, hindi lang magaling si Yen Santos maganda rin ito.

            "So, you know Yen Santos?"

            "Girlfriend ko siya"

            Napalingon siya rito. " Pero engage na siya--

            "I mean ex-girlfriend"

            Magtatanong pa sana siya rito pero nakikipag-usap na pala ito sa telepono. "Pete. bring the car along the highway, malapit sa gasoline station... Mamaya ka na magtanong Just do as I say."

           Inoobserbahan ni Kath ang lalaki. He had a quality of something as he talked --- smooth, suave--would be the appropriate adjectives.

            Nang makalabas sa may highway ay tanaw na nila ang gasoline station, May tatlong sasakyan na ang naka parking doon.--- dalawang Chevrolet at isang Jaguar.

           "SALAMAT,"- sambit nito. " Hindi ko malilimutan ang pagtulong mo sa akin,  By the way, I'm Daniel. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

           "Kath"- Napa-isip si Kath hindi na niya ibinigay ang totoo niyang pangalan. Tutal hindi din naman sila ulit magkikita.

           " We are not of the same social circle anyways."- Siguradong isip ni Kath.

             At sa ilang minuto, ay nawala na sa paningin ni Daniel ang babaeng bumihag bigla sa kanyang puso.

          ----------------------------------

Magkikita pa kaya si Daniel at Kath?

Abangan ang next chapter!

         ----------------------------------

First to comment will have the dedication! SALAMAT! :)))))

          

         

            

            

Braveheart's Mission [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon