"Ayan ka na naman Kath, igigiit mo na naman sa akin yan, Alam mo naman na ayaw ko sa mga party's na iyan diba? " Seryosong sabi ni Albie kay Kath.
"Kasi naman si Bes ehh, gusto rin niyang kasama kita. Tutal marami ka rin namang kakilala doon. Please babe, please! " puppy eyes pa si Kath.
"Babe, pagtatalunan pa ba natin ito? Alam mo na naman ang rason diba, kung bakit ayokong pumunta sa mga party's na iyan?"
Alam naman ni Kath iyon, kaso lang lahat naman ng tao ay nag momove-on diba?. Pero napaisip si Kath siguro nga ay hindi pa handa si Albie na mag step-up.
" So ano? Ako na lang mag-isa ang pupunta doon? "-- may pagtatampong sabi ni Kath.
"Tutal ihahatid din naman kita ahh? tapos susunduin rin kita"
"Driver lang ang peg? Boyfriend kaya kita."-- cross arms na sabi ni Kath.
"Ayaw mo non'? makakasama mo pa rin ako.?"
"Babe naman ehhh?!--
"Babe?.......--Ayaw pa ring paawat ni Kath kaya kinikiliti na siya ni Albie sa tagiliran.
"Sige na, Sige na, Oo na nga..." napa oo na lang si Kath, kahit labag iyon sa kanyang kalooban.
JULIA'S BEDROOM
"What's this?"--tanong ni Kath sa pinsan at bestfriend niyang si Julia nang iabot nito ang Marks and Spencer na shopping bag.
"Open it" anito kasabay ng paggalaw ng mga balikat.
" Party dress? Bakit mo ako bibigyan nito?"
"Haler? Bes, nakalimutan mo na ba ang birthday party ni Diego?"
"Pinaalala mo pa sa akin iyan ehhh.. parang ayaw ko na ngang pumunta."
Biglang nahulog ang balikat ni Julia. " Bakit na naman?'
" Si Albie kasi...---
"Ohhh?! Si Albie na naman? Bes, ilang party na ba ang hindi mo dinaluhan dahil kay Albie, my god?!"
" Bes, hindi naman talaga mahilig iyong tao sa mg party-party na iyan ehhh?, tapos pipilitin ko pa, Wala rin naman akong kasama kaya parang ayaw ko nang pumunta."
"C'mon couz!" biglaan na napatawag ito ng couz sa kanya, pahiwatig iyon na naiinis na ito.
"Oo na nga! pupunta na ako sa party ni Diego."
"Yeay! thank you couz!" Hi-nug agad ni Julia si Kath
" Ikaw pa! Love kita ehh! "
LOYZAGA'S RESIDENCE
Ipinarada ni Albie ang sasakyan nila Kath sa gilid ng kalsada sa tapat ng bahay nila Diego. Puno na nang sasakyan ang mahabang driveway.
"Babe? hindi na ba pwedeng magbago ang isip mo? Tutal andito na naman tayo." tanong ni Kath kay Albie baka kasi magbago ang desisyon nito.
" Babe, diba napag-usapan na natin ito? Sige na, at baka hanapin ka na ni Julia."
"Sige..." bababa na sana si Kath nang hawakan ni Albie ang kamay niya.
"Ano?--" takang tanong ni Kath
"Kiss ko?
"Ito talagang baby ko.--" Lumapit si Kath kay Albie at hinalikan niya ito sa pisngi.
Pisngi? Kasi gusto ni Kath na ang first kiss niya ay ang taong magdadala sa kanya sa altar.At wala pang kasiguraduhan na si Albie iyon. Kaya, iyon rin ang nagustuhan ni Kath kay Albie dahil nirerespeto siya nito.
"Babe, 12 huh?
"Oo na. Ingat sa pag dra-drive! ba-bye!" with matching flying kiss pa si Kath.
Pumasok na si Kath sa garden ng mga Loyzaga. Kung saan doon ang venue nang birthday party ni Diego.
Nakita kaagad ni Kath si Julia at kinawayan niya ito. Lalapit na sana si Kath kay Julia nang biglang.-----
" Ahhh? What the?" napatingin si Kath sa suot niyang dress na bigay ni Julia, basang basa iyon at namantsahan na ng iced tea.
" Sorry Miss.. Hindi ko sinasadya..----" Kaagad na kumuha nang panyo ang lalaki sa kanyang bulsa at pinunasan ang damit ni Kath.
"My God?!!!!---" naiinis na sabi ni Kath
Pero agad ding lumambot ang mukha ni Kath nang makipagtitigan sa maitim at waring nanunuksong mata ng lalaki. Bumaba ang tingin niya suot nito dahil naiilang siya sa titig nito. Pero may biglang nag sink in sa kanyang isip, kilala ko tong taong ito ahhh.. binalik niya ang paningin sa mukha nang lalaki.
"You! I know you! "-- sambit ni Kath.
Smirking .. ang lalaki patuloy pa rin ang pagtitig sa kanya....
-------------------------------------
sino nga ba ang lalaking nakabuhos ng iced tea kay Kath? Abangan ang next chapter!
-----------------------------
God bless!
#KathnielOverload
BINABASA MO ANG
Braveheart's Mission [Kathniel]
FanfictionA Kathniel Fan Fiction: Kung misyon nang isang Daniel Padilla na paibigin ang isang Kathryn Bernardo, isinumpa naman ng dalaga na pagbabayarin niya ito sa ginawa nitong pagsira at pakikialam sa kanyang LOVE LIFE na naging dahilan upang maghiwalay si...