miss kita pag friday

71 2 0
                                    

HELLO AGAIN ! SHORT STORY KO BASE ON TRUE STORY .. 

BINAGO KO LANG YUNG IBANG SCENES AT NAMES NG MGA CHARACTERS FOR THEIR OWN PRIVACY NA RIN.

I HOPE MAGUSTUHAN NIYO ^__________________^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa loob ng isang lingo Friday lang ang pinakagusto ko dahil dito ko lang sya nakakasama at natititigan ng matagal. Dahil sa mga susunod na araw paniguradong Malabo kami magkita.

Ako si Chelsi. Nagsimula ang lahat ng ito nung 2nd meeting namin sa CAD or Computer Aided Drafting (sa mga di nakakaalam). Bakit 2nd meeting? Kasi absent ako nung first meeting naming kaya ganun heheh. Anyway, nung time na nag-iintay ako sa labas ng room nakita ko siya pero dumaan lang at lumingon sa room kung saan ako nakasandal. Si Jorge ang masasabi kong perfect guy para saakin bagamat simple siya kung titignan ng ilan pero para saakin nasakanya na ang hinahanap ko sa isang lalaki.

Nung una inisip ko na "kaklase ko kaya yung lalaking yun pero imposible kasi di naman tumigil eh". Ilan pang mga minuto nagdatingan na yung ibang mga estudyante galing sa iba't ibang building. Bawat estudyanteng dumadaan tinitignan ko kung sino ang titigil at mag-iintay din tulad ko sa prof naming sa CAD.

15mins na siguro ang nakalipas ng dumating ang prof namin nun at ang maganda pa rito ay yung paborito ko pang prof na si Sir Ron pa ang maghahandle saamin, pati nga siya nagulat dahil isa ako sa mga ihahandle niya. nang makapasok na kami, nawala na yung kaba ko sa prof kase alam ako na nasa mabuti akong kamay haha. Nagsimula nang magbigay ng instruction si Sir Ron ng biglang bumukas yung pinto, napatigil si Sir sa pagsasalita at kami napatingin lahat sa pinto. Maingay kasi yung pinto lalo na pag may pumapasok at lumalabas, kaya mahuhuli ka agad ng prof pag mag-iiskip ka ng class eh. Pumasok yung dalawang lalaki, isa matangkad at yung isa di ganun katangkaran siguro mga balikat or ilalim ng tenga lang nung isang lalaki.

Tinignan lang ni sir yung dalawa, then nagulat ako kasi yung lalaking nakita kong dumaan sa harap ko kanina kaklase ko pala. Sa isip isip ko, "so bale tinignan niya pala yung room na sinasandalan ko kung may prof na or wala. Kaya pala. :)"

Umupo yung dalawang lalaki dun sa kabilang side, bale dalawang column kasi yun at every column consist of 5 rows. Yung dalawang guy umupo sa 1st row 2nd column actually ka row ko yung dalawang kuya nasa 1st column nga lang ako. Then that time dun ko nakita ng malapitan yung mukha niya, may itsura pala siya. Simple lang yung mukha niya, matangos yung ilong, katamtamang laki lang yung mata at kayumangging kulay. Pero ang pinaka napansin ko talaga sakanya ay yung eye glass niya. Astig eh. Kulay black pero orange yung kabilang side.

Masasabi kong that time, I admit he really caught my attention. Not in a bad way, but in a good and perfect way :).

3rd meeting namin nagkita ulit kami. Pero this time, mejo hindi ganun kaganda yung pagkikita namin kasi nasa likod siya nakaupo eh pero ok lang lagi naman pumupunta sa likod si Sir Ron eh.

Mga sumunod na araw nagbabakasakali ako na makita ko siya na naglalakad sa loob ng campus, pero unfortunately hindi ko siya nakikita tuwing Monday, Tuesday, Wednesday at Thursday syempre except Saturday and Sunday walang pasok nun eh.

Yung mga sumunod na meeting, mejo serious na kami kasi slightly complicated din yung topic pero nasusundan naman namin.

Noong February 21, 2014 ang pinaka the best na araw at the best meeting ng CAD. Dahil sa araw nay un alam kong siya ang makakasama ko hanggang sa matapos at mag-end ang semester naming sa CAD :). Nagkaroon kasi ng final Project sa CAD at nagkataong halos lahat ng mga kakilala ko may kagrupo na . sabi kasi ni Sir 5 members each group pero sabi din niya pwede din daw individual basta wag lang daw mag-eexceed sa 5 , nung time na yun 4 nalang kaming wala pang grupo. Nagdecide ako na makigrup sa babaeng katabi ko tutal parehas naman kami ng course eh, at least kahit dalawa lang kami makakaya.

miss kita pag fridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon