Pangalawa

1K 46 24
                                    

Pangalawa

Caden POV

Samantha  Gomez  ang pangalan ng isang makulit na babaeng bestfriend ni Alex.   Nagulat kaming lahat nang bigla syang dumating at nagsampalan silang dalawa ni Alex.   Hindi na nakayanan ni Vincent ang ginagawa nilang  sakitan kaya pinigilan nya na si Alex at ako naman kay Sam.  Para silang mga baliw dahil humagalpak naman sila ng tawanan matapos nilang magsakitan at biglang tahimik na umupo. Halos lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa kanilang dalawa.  Tutad ko naweirdan din  siguro sila sa dalawang ito.

Hindi ko maalis ang aking mga mata sa bestfriend ni Alex  habang umiinom sya ng bottled water.  Napalunok ako habang pinagmamasdan syang umiinom ng tubig sapagkat  biglang nakaramdam ako ng panunuyo sa aking lalamunan.  Ang seksi nyang uminom ng tubig. Posible palang maging kaakit-akit ang isang babae sa simpleng pag-inom lang ng tubig. Akala ko  overrated lang sa mga romance novels ang ganoong pangyayari. Napatingin ako sa kanyang mga labing mapupula.  I shook my head. Nais kong alisin sa aking isipan ang nararamdaman kong pagkainggit sa boteng iniinuman nya.  Sana mga labi ko na lang iyon. Willing akong pawiin ang kanyang pagkauhaw sa pamamagitan ng aking mga halik. Natulala ako nang nginitian nya ako . God ang cute nya.  Ang tingin ko sa kanya ay isa syang cute na manika. Hula ko ang paborito nyang kulay ay pink dahil panay pink ang kanyang suot na bumagay sa kanya. Kamukha nya ang  cute na manika na laging yakap ng aking kapatid noong mga bata pa kami.

Nagpakilala sya sa aming lima. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ng aking mga kaibigan.   Patipangalan ko sila na rin ang nagsabi. Nakasimangot na pinagmasdan ko sila.  Para silang mga asong gutom na handang lapain  si Samantha. Di bale  magkakaroon pa naman ako ng  pagkakataon. Sa ngayon hindi ko muna ipapahalata kay Samantha na interesado ako sa kanya. Isa pa hindi ko rin naman alam sa sarili ko kung ano ba itong nararamdaman ko. Siguro nabigla lang ako sa kakaiba nilang attitude ni Alex. Wala pa kasi akong babaeng nakilalang kasing baliw nilang dalawa. Kaya nakuha nya agad ang aking atensyon.  Tama ganoon lang siguro at lilipas din itong nararamdaman kong paghanga sa kanya.  Isa pa off limits sya dahil bestfriend sya ni Alex. Mahirap nang isali sya sa mga flings ko.  Pihadong magagalit sa akin si Alex  kung isasali ko ang kanyang bestfriend sa aking mga flings at pagnagalit si Alex paniguradong pati si Vincent ay magagalit sa akin.  Masyado syang apektado  kapag si Alex  ay nasaktan o kaya ay nagalit.   Walang sinuman sa amin ang gustong makaaway si Vincent. Dahil may kalalagyan ang kanyang makakaaway. Tahimik lang sya pero nakakatakot. Hanggat maari dapat ay iwasan ko  si Samantha. Tutal may flavor of the week naman ako  at marami pa ang nakapila. So off limits si Sam ang itinatak ko sa aking isipan. Tahimik akong sumunod sa kanilang palabas ng cafeteria.  As usual nauunang naglakad si Vincent habang hatak-hatak nya ang braso ni Alex.  Halatang-halata na ayaw nyang mawala sa kanyang tabi si Alex. Si Alex wala naman magawa sapagkat nagkasundo sila na magiging slave sya ni Vincent kaya kung anuman  ang ipagawa ni Vincent kahit labag sa kalooban ni Alex ay  sinusunod nya pa rin . Napaisip ako kung hindi ba nakakahalata si Alex sa mga ikinikilos ni Vincent. Well  bahala silang dalawa sa buhay nila. Napadako ang tingin ko kay Samantha na masayang nakikipag-usap kay Matheo habang naglalakad. Hmmm. Mukhang hindi  lang  ako ang nagkakainteres kay  Samantha.

“Sweetie”  bati sa akin ni Maria.  Agad –agad na hinalikan nya ako sa aking mga labi pagkakita nya sa akin. Nakasandal sya sa aking sportscar  na nakaparada sa parking lot ng university .Sa palagay ko kanina nya pa ako hinihintay. Tinugon ko ang halik nya. Halos habulin na nya ang kanyang paghinga dahil sa halik na iginawad ko sa kanya.

“Tsk!Tsk! Tatagal ka pa ba  Babe?” nakangising tanong ko sa kanya matapos ko syang bitawan. Habol hininga parin syang nakasandal sa kotse ko. Lalo akong napangisi, natutuwa akong makita ang epekto ng aking halik sa kanya.  Sinusuri kong maigi ang kanyang buong katawan. Halos wala nang itago ang kakapiranggot nyang suot na damit.  Isa sa ikinatutuwa ko dito sa Gnosis University ay pwedeng suotin ng mga estudyante ang kahit anong naising  damit.  Walang rules na dapat sundin  ukol sa pananamit ng mga estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thief( Hope Against Hope)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon