"inlove na nga ba ako?"

40 0 0
                                    

12:30 am na ng makarating ako sa bahay halos isang oras din pala akong nakipag sagupaan sa labas..

"nasan na yung suka na pinabibili ko sayo?" bungad sa akin ni mommy pag pasok ko palang ng pinto ng aming tahanan "ayos to aa.? galit ka na niyan?" bulong ko sa aking sarili "ahhmmm.. mommy eto na po yung suka" abot suka "oh kristine bakit parang namumula yang pisngi mo?  tanong sa akin ni mommy na may pag aalala "ahhm...aaaa... dahil lang po siguro ito sa lamig sa labas mommy... aakyat na po ako sa itaas para mag pahinga maaga pa po kasi kami janna mag kikita sa room upang gawin yung report namin mamaya sa klase" sagot ko kay mommy "sige anak, pahinga ka na at baka lagnatin ka pa, salamat pala aa."

4:00 am ng akoy eksaktong ginising ni mommy mula sa aking pag kakahimbing... bago ko ligpitin ang aking higaan ay nag pray muna ako kay papa GOD , hindi man halata sa aking ugali pero sa maniwala man kayo o sa hindi nag dadasal po talga ako pramis ^_^  kaya ayun after ko mag pray ay linigpit ko na ang aking higaan at bumaba na ako para maligo at pagbihis ng uniform, pagkatapos ay kumain na rin ako ng aking breakfast.. at ayun ready to go school na ako! ^_^

6:05am ng akoy makarating sa school, maaga ako ng 10mins. kay janna

si janna nga pala ang aking bestfriend simula nung kami'y grade 5 pa lamang at hanggang ngayong 4th year hish school na kami siya parin ang aking bestfriend nag kakasundo agad kami ni janna sa mga bagay bagay tulad na lamang ng mga tipo namin sa lalaki..

maganda si janna, mahaba ang kanyang buhok at bagsak na bagsak at madulas din ito,  matangos ang kanyang ilong at mapula ang kanyang labi at kung hubog ng katawan ang pag uusapan aba? hinding hindi mag papahuli jan si janna! napaka sexy niya! kahit parehas lamang kaming 16 eh kitang kita na ang pag ka mature ng kanyang katawan kaya eto rin ang naging dahilan kung bakit kada buwan ay marami siyang nagiging bagong boyfriend, pero siyempre sa mata ng aking mommy ako pa rin ang pinaka magandang princess na nakita niya! ahihi :> :>

"maaga ata ako masyado kaya wala pang tao dito sa room....hay nako maka idlip na nga muna"  nakaidlip din ako ng ilang minuto.. ngunit habang akoy naiidlip bigla kong naalala muli  ang mga tagpo sa aming dalwa ni jayson kagabi dahilan kung bakit ako bumangon  mula sa aking pagkakaidlip "bwisit! sa dinamirami ng pwedeng mapaniginipan ay sipa pa!"  eksakto sa aking pag gising at ang pag dating ni janna.

"oh? sino yang kausap mo at parang badtrip ka? hahaha" tanong sa akin ni janna. "aaaaa. wala! may bigla lang akong naalalang isang bwisit na pangyayari!" sagot ko sakanyang tanong

"huh? bakit ano ba nangyari? ayos ka lang ba? o.O? tanong sakin ni janna na may pag aalala "oo! ayos lang ako ^_^ salamat sa iyong pag aalala wag ka ng magalala pa jan! by the way nasan na ba yung mga materials natin para sa report natin mamaya? dala mo ba?" sagot ko.

"eto oh! bilisan natin jan at baka dumating na yung mga classmates natin" sinimulan na namin ni janna ang pag-gawa para sa aming report at bahagyang nawala na sa isip ko ang tungkol sa aking panaginip dahil itinuon ko ang aking isip sa aming ginagawa..

"janna! may tatanong ako sayo! "  tanong ko sakanya..   "oh ano naman yun? huh?" sagot  niya sa akin "janna pano mo ba malalaman kung... kung...... kungggg....... T.T" pa utal-utal na tanong ko saknaya  na medjo nahihiya at kinikilig "kung?o.O?"  tugon ni janna "kung inlove ka para sa isang tao? " medjo nahihiya ako sa aking tinanong sa aking bestfriend dahil ito lang ang kauna unahang beses na tinanong ko sakanya iyon.. "hahahahahahaha! bakit sino itong lalaki na ito?"  natatawang pag tanong niya sakin.. "eh basta! wag mo nalang tanungin! pano mo nga malalaman kung inlove ka na sa isang tao?"  sa tagpong iyon mag kahalong hiya at kilig ang aking naramdaman "gusto mo talaga malaman? puwes ganto lang iyan.. masasabi mong inlove ka kung sa bawat minuto ang taong iyon ang laging nasa isip mo, kung sa bawat minuto siya ang palagi mong iniisip, kung sa bawat minuto gusto mo kayo ang palaging mag kasama kung sa bawat minuto gusto mo siyang makita.. ayun sa mga bagay pa lamang na iyan.. masasabi mo ng inlove ka na nga"

sa kanyang sinabi hindi naiwasang may mabuo na katanungan sa aking isipan.. at iyon ay ang "inlove na nga ba ako?" hanggang sa mag uwian ay lagi akong binubulabog ng mga tanong na iyon..

"janna! mauna na ako sa iyo ah ^_^ tutulungan ko pa kasi si mommy sa karinderya tsaka biyernes ngayon baka maraming customer eh" pag papaalam ko kay janna! "awwww! o sige mahal kita tatandaan mo iyan! paalam ^_^ /" bago kami mag paalam sa isat isa ay nakaugalian na namin ni janna ang mag sabi ng mahal kita sa isat isa "sige na! :) mas mahal kita ahihihihi" bumaba na ako ng room pag uwi sa bahay ay agad kong linapag ang aking mga gamit at nag bihis pag katapos ay dumerecho na ako sa karinderya..

"kristine, nag punta nga pala dito si jayson kanina yung pamangkin ni aling bebang? hinatid niya dito yung sukli mo kagabi sa suka" sabi ni mommy.. "ayyyy oo nga pala!  100php nga pala yung dala kong pera kagabi o.O" tila isa akong batang nakalimot sa address ng kanyang bahay ng mga sandaling iyon. "pasalamat ka at tapat na tindero iyang si jayson... ohh eto ihatid mo sakanya itong chiken curry na niluto ko bilang pasasalamat" nakangiting utos sa akin ni mommy "sige po mommy ihahatid ko po"  nung mga sandali na iyon ay excited ako dahil alam kong makikita ko siya muli lalo na yung mukha niyang mala anghel . nag punta agad ako kina jayson upang ihatid yung pinabibigay ni mommy, "tao po? jaysooonnn?" ngunit walang sumagot "tao po!?" ang muli kong wika  "oh sino yan?" tanong ng isang boses lalaki mula sa loob, marahil at ito ay si jayson "jayson? si kristine eto.. gusto ko lang ibigay yung pinabibigay ni mommy sa iyo" sagot ko kay jayson "ahhhhmmmm.... kristine pumasok ka nalang dito sa loob may ginagawa kasi ako dito eh"  pumasok ako sa loob at sa bawat hakbang ko patungo sa loob hindi ko maiwasang mag iisp ng kung ano anong bagay .. pano kaya kung naka boxer lang si jayson sa lobb? tapos ano.. yung anoo.. bumabakat..? O.O thhhhheeeeee fvcccccccck! hihihi.. pumasok na ako sa pintuan at pag bungad sa pintuan ay nandun si jayson nag pa pack ng kanilang mga paninda at gaya ng inaasahan lahat ng aking iniisip ay pawang kalokohan lamang naka T-SHIRT ang binata at naka maong na short  "ohh kristine? ano ba iyang ipinabibigay ni mommy?" tanong niya sa akin.. "huh? bakit mommy? o.O" nagtatakang tanong ko kung bakit mommy ang tawag niya sa aking nanay.. "wala lang! hahaha ^_^ eh ano nga ba iyang dala mo?" nakatawang tanong sa akin ni jayson.. "aaa... e.. eto? chicken curry..bilang pasasalamat daw sa pagiging tapat mo sabi ni mommy"  inabot ko ang chiken curry kay jayson "aaa! lapag mo nalang jan sa mesa ^_^  at tulungan mo ako dito sa aking ginagawa" utos niya sa akin, linapag ko naman ang chiken curry sa lamesa at tunulungan siya sa kanyang ginagawa "paki sabi kay mommy salamat  huh? ^_^ " nakangiting pag kakasabi ni jayson "ahhhmmm oo sige" habang akoy nanatiling kinikilig sa aking puwesto.. eh kasi naman diba? try mo kayang umupo katapat ang crush mo ng naka face to face kayo, ewan ko lang kung hindi ka maihi jan sa pwesto mo hahha! 

nang matapos na kami sa aming ginagawa ay agad akong nag paalam sakanya upag bumalik sa karinderya.. habang papauwi na ako ay muli na namang sumagi sa isipan ko yung mga tagpong nangyari sa amin ni jayson sa una naming pag kikita .. shhh*t kinikilig nanaman ako hahhahha! nang makabalik ako sa karidnerya naabutan ko si mommy na nag luluto at parang sumama ang pakiramdam ko mabuti na lamang ay malapit lang ang bahay namin sa karinderya kaya nag pasya akong mag paalam kay mommy na mag papahinga na muna ako sapagkat masama ang pakiramdam ko! kaya dumerecho na ako sa bahay..

-----------------

umakyat ako sa itaas upang matulog sobrang sama talaga ng paki ramdam ko kaya agad akong naka tulog sa aking kama.. mabuti na lamang ay sabado bukas at walang pasok..

halos 5hours din akong nakatulog at ng akoy nagising eksaktong 4pm na .. sa mga ganitong oras ay nakaugalian na naming dalawa ni janna ang magkita sa convenient store na malapit sa aming paaralan.. at dahil nga sa masama ang pakiramdam ko eh sa bahay na lang namin  pumunta si janna upang dalawin ako..

IPAGPAPATULOY....

paki abangan po nung chapter 3 ^_^ 

salamat po sa mga bumasa sa chapter 1 at sa mga babasa nitong chapter 2 salamat po ng marami :))

mahal ko kayo ^_^ 

BESTFRIENDS FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon