May estrangherong nagsabi sa akin na martyr daw ako kung magmahal. Tipong kahit ayaw na, lalaban pa. Kahit umayaw na, aasa pa. Siguro sa iba, sapat na kong ihalibtulad sa isang tanga kasi kahit halatang-halata na, umaasa ka parin sa "baka".
Baka sobra ko talaga siyang nasaktan? Baka kailangan pa niya ng panahon?
O baka hinahanap niya pa ang sarili nya? Baka may pagasa pa? Baka naman kaya pa?Kahit nagmunukhang tanga, tawa ka nalang kasi alam mong nasaktan mo siya, "Baka tama lang na ginaganyan ka niya?".
Mali na bigla mong sinukuan ang isang bagay dahil lang sa nahihirapan ka. Isipin mo yung ilang taon ng pag-aaral, kahit minsan hindi naman naging madali pero sumuko ba tayo? Hindi dba? Kasi alam mong may mararating ka. Kasi may hinaharao kang nakita.
Oo lumayo ka, bumitiw ka, kasi parang nawawala ka na. Kasi parang hindi nyo na kilala ang isa't isa. Pero sa paghihiwalay nyo mas nakita mo naman ang halaga niya. Nasilip mo sa hinaharap yung pagkakataon na paano kung wala na siya? Paano kung ganito ka na? Hanggang sa nakulong ka nalang sa katagang "baka" kasi noong bumalik ka sa kanya, ayaw na nya.
Baka napagod na siya?
Sa ilang taong pag.iintindi, baka napuno na siya? O baka hindi ka nya mahal talaga?Mga baka na nakakapraning at nakakamukhang tanga, pero ano ba magagawa ng baka mo bumitaw ka na dba? At binitiwan ka na dn niya...
Nasasaktan ka lang sa "baka kasi pwede pa?"
YOU ARE READING
Trying To Win Back My Ex
RomanceLisa had been wandering with the memories she had with her ex-boyfriend Josh. She felt like it is the biggest mistake of her life to broke up with him. Now she's in the pursuit of putting herself back together. Everything back together. She believes...