Dumating na ang umaga at may kumakatok sa bahay ni natalie
Dahan-dahang binuksan ni Natalie ang pinto, lumiwanag ang kaniyang buhay kagaya ng pag dampi ng sikat ng araw sa kaniyang mukha, nakita niyang muli si isabella.
sa sobrang alala'y naka-hospital gown, may dalang tungkod, at puno ng bendahe sa iba't ibang parte ng katawan.
Biglang nag-alala si Natalie sa kaniya at biglang nabalutan ng pag aalala. dali dali niya itong tinanong.
Natalie : Bat ka nandito? hindi ba dapat ay nasa ospital ka ngayon at nag papahinga?
Isabella : Hindi ako mapakali kasi nung tinawagan moko nakita ko rin yung mga numerong 6:66:00. Anong nangyari sayo?
Natalie : Parang bangungot. hanggang ngayon ay 'di parin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Isabella : Nakita mo rin ba yung sinabe ko sayong babae? yung may 666 sa kaniyang noo?
Natalie : oo at nakita ko siyang umiiyak, at nakita ko rin yung padre na nakabigti. (biglang naiyak sa natalie habang naaalala niya ang lahat ng nangyari sa kaniya sa isang gabi
Isabella : Siguro ay mababalita naman iyon. tahan na. sasamahan kita ngayon. buong araw ay nandito ako sa tabi mo.
Sinindihan nila ang telebisyon upang makumpirma ang pangyayari sa simbahan.
Reporter : dalawang insindente sa isang gabi, parehong misteryoso ang pagkamatay. Isang paranormal expert at isang padre ang natagpuang bangkay na ang kalagayan kaninang madaling araw, alas kwarto. makikita ang mga parehong marka ng pagkamatay. at makikita rin dito ang mga numerong 666 sa kanilang leeg.
Natulala lang si natalie sa kaniyang mga narinig sa balita. habang si isabella naman ay malalim na nag iisip kung ano na ang gagawin sa impormasyong kanilang nalalaman
Abangan sa susunod na kabanata.