Chapter 1

23 1 1
                                    

Chapter 1



Dale’s POV

Tok tok tok.


“Dale anak, gising na. Maaga ka pa nagyon. May pasok ka pa.”gising ni Mama sakin.


Tumingin ako sa orasan sa bed side table ko. 6:30 na pala. Agad naman akong nag-ayos ng higaan ko.


“Yes Ma, susunod nalang ako sa baba pag tapos na ako.” sagot ko naman kay Mama para hindi na siya maghintay dun sa labas ng kwarto ko.


Hala. Di pa pala ako nakakagpakilala sa inyo. I’m Dale Spencer Reyes nga pala. Only child lang ako at ngayon pala e first day ko sa paaralan. Third year high school na ako ngayon sa St. Mary Academy. Well nasa special class ako. Di naman sa pagmamayabang pero nandiyan ang mga matatalino talaga at isa na ako doon. Yan na muna sa ngayon. Makikilala niyo din naman ako e sa mga susunod na chapter.


Kumuha na agad ako ng damit at pumasok na sa banyo. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo. Nagbihis na ako at saka ay bumaba na. Kumain na ako at saka nagpaalam na kay Mama para pumasok na sa paaralan.


“Ma alis na po ako. Baka po malate pa ako sa pagpasok e.”pagpapaalam ko.


“O sige. Mag-ingat ka sa daan anak.”saka ako humalik sa pisngi ni Mama.


Di naman gaano kalayo ang bahay naming sa paaralan ko. 15-20 minutes lang na lakaran papunta doon.


Sakto naman ang dating ko. Medyo madami na ring mga estudyante. Tumingin ako sa relo ko. 7:30 na pala. Upo muna ako di pa naman nag sta-start ang flag ceremony eh. 15 minutes pa ang hihintayin ko. Bulong ko sa sarili.


Pagkatapos ng mahaba habang paghihintay magsisimula na rin ang flag ceremony. Ng matapos na ay pinapapunta na ang mga estudyante sa mga designated rooms nila.


Naglalakad ako ng nakayuko ngayon papunta sa classroom. Iniisip ko na sana sila pa rin ang mga kaklase ko noong nakaraan at saka maganda ang maging araw ko ngayon. Wag naman po sana akong malasin o abutin ng malas. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.


Titingala na sana ako para tignan kung tama ba tong nilalakad ko daan ng may biglang bumangga sa akin or rather may nabangga ako.


Di ko makita ang mukha niya nakayuko kasi siya eh. Basta babae ang nabangga ko. Pagtingin niya sa akin.

 

Mia’s POV

 

“Gising! Gising na! Miaaaaa gisingggg!”


Ang ingay talaga ng alarm clock ko. Antok pa ako eh. Saglit na lang. mga 5 minutes babangon na ako. 6 o’clock pa lang naman eh.


Unti-unting minumulat ang mga mata. “Huh! 6:45 na, male-late na ako nito panigurado. First day pa naman to ng pasukan tapus ganito pa ako. Iresponsable ko talaga.”

 

Agad na akong nagligpit ng higaan ko, naligo saka nag-ayos. Paglabas ko ng kwarto e may nakahanda ng almusal. Si Mama talaga. Di na nagbago. Pinaghanda pa ako ng almusal.


Sinalubong ko naman si Mama galing sa kusina. “Good morning Ma!”sabay upo sa dining. “Anak kumain kana para makaalis kana agad at di ka masyadong malate sa unang araw mo ngayon sa paaralan. Hahanapin mo pa yung classroom mo.”

 

Saka ko lang naalala na transferee pala ako sa bagong paaralan ko kaya kailangan ko pang hanapin yung classroom ko.


Ako si Mia Kate Perez. Meron akong isang kapatid na babae mas bata sakin ng mga 3 taon. Si Mama lang ang laging kasama namin dito kasi nagtatrabaho si Papa. 


“Ma alis na ako. Bye!”sabay halik sa pisngi ni Mama at tumakbo na agad palabas ng bahay namin. “Uyy anak, may nakalimutan ka. Yung baon mo para sa linggong ito. Ibibigay ko nalang sayo ngayon. Ikaw na bahala dyan sa pera ha.”Pahabol ni Mama bago ako makalabas ng gate ng bahay namin.


“Cge Ma. Salamat!” mabuti nalang ng lumabas ako ng subdivision ay mayroon ng maluwag luwag na jeep na nakahinto. Mabuti nalang talaga nakahabol ako kundi patay na talaga ako ngayon.


Mabilis lang naman ang byahe e. Actually bago lang kami dito sa subdivision. Nalipat kasi ng branch si Papa kaya para sama sama pa rin kami ay naisipan ni Mama na lumipat na lang kami kasama si Papa. Kaya eto ako ngayon sa bago kong school.


Nabalik naman ako sa tamang katinuan ko ng biglang nagsalita si Mamang Driver. “Sino ang bababa dito? Malapit nato sa paaralan.” Nag-abot naman ako ng bayad saka bumaba na. Pagkarating ko sa main gate ay nilabas ko muna yung ID ko. No ID, No Entry e.


Pagkapasok ko nakita ko na papatapos na yung flag ceremony tapos may sinabi yung isang teacher na pumunta na daw sa designated rooms ng bawat isa at magsisimula na yung klase.


Takbo naman ako agad pauntang classroom. After a few minutes, takbo lang pala ako ng takbo di ko alam saan yung classroom ko. Tinignan ko yung card ko. Regular III-C. Pagtalikod ko may nakita akong babae kay nilapitan ko saka ako nagtanong.


“Miss pwede magtanong kung saan yung room ng Regular III- C?”mabuti nalang at mabait yung babae na napagtanungan ko at tinuro naman niya agad kung saan ko yun mahahanap.


Kaya eto ako ngayon takbo na naman. 8:15 pa naman start ng class ko tapos 10 minutes nalang para mahanap ko yung classroom namin. Lingon lingon habang tumatakbo. Tingin sa kanan sa kaliwa. Di ko namalayan na nabangga pala ko.


Ay hala! Nagmamadali na nga ako nakabangga pa ko. Tae to.Bulong ko sa sarili ko. Pinulot ko naman agad yung mga gamit ko na nalaglag. Di ko Makita kung sino tong nabangga ko. Pagtingin ko sa kanya agad naman akong humingi ng pasensya.


“Sorry! Sorry talaga. Di ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako baka malate na ako sa klase ko eh.”  Ang bilis kong sinabi yun. Malay ko ba kung naintindihan niya yung sinabi ko. Nakatingin lang kasi siya sa akin e.


Ng di niya ako pansinin, winave ko ang kamay ko sa mukha niya. “Ok ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Parang wala naman ‘to sa mundo tong lalaki na’to.


Napansin niya naman siguro na may tao sa harap niya ay agad naman siyang sumagot. “Ah... Ano ok lang ako. Sorry nabangga kita” ako nga ang nakabangga sa kanya e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon