nkasakiman

19 1 0
                                    

            sa mga panahong nagdaan katulad ngayon, hindi ko noon naisip na darating din ang kabayaran, kabayaran sa lahat ng inutang.

             isang dalagang anak mahirap, kulang sa kaalaman at kagandahan. maayos naman ang kanyang pakikitungo sa kanyang kapwa ngunit talagang ayaw sa kanya ng mundong kinatatayuan. mahirap, panget, at bobo... pagkat elementarya lang ang kanyang natapos...

         halika't alamin natin ang takbo ng buhay ni monica.. laking tondo.. 16 anyos..... nangangalakal...... nagtitinda sa palengke , pinapa-aral ang kanyang mga kapatid...

sundan ang kakaibang kwento ng buhay ni monica sa pinamagatang "kasakiman".

                  

                         chapter 1

    "nakakainis ka talaga!!!!" nanggagalaiting sabi ni andrea sa kaibigang si monica."bakit ka naman pumayag na lait-laitin ka ng babaeng iyon???" galit na tanong ni andrea.

   "naku , andrea hayaan mo na iyon.. tingnan mo nagiging magkamukha tayo pag nagagalit ka." biro ni monica sa kaibigan

    "tumigil ka nga monica... baka masabunutan kita sa sobrang mabait mo". seryusong sabi ni andrea...

    " sege na nga!!! salamat dahil lagi kang nariyan para sa akin... huwag mo akong iiwan andrea ah..." sabay yakap sa kaibigan...

    "love you bestfriend....!!!! walang iwanan.... promise...!!!" 

          

      kumalas sa pagkakayakap si monica ng may magsalita sa likod....

    "wow naman ang sweet ng magkaibigan!!" sabi ni rafael na kanina pa pala sila pinagmamasdan...

    "so,,,!!!! inggit ka???" pagtataray ni andrea...  na sinaway naman ni monica.

     "andrea... "" tinirikan ng mata si andrea..

     "ok...." sabay hands up... "balik na ako sa pwesto ko... "  paalam nya.

     "bye miss sungit!!!" pahabol na sabi ni rafael......

      "ano pala sayo rafael???"" tanong ni monica...

     "wala naman. gusto ko lang naman makita ang matatamis mong mga ngiti".. sambit nito...

      namula ang pisngi nito sa sobrang kilig.... hindi nya namalayan na wala na si rafael.... na gising sya sa pangangarap ng maramdaman nya ang malakas na batok sa kanyang ulo...

       "araw ko naman...!" habang hinihimas ang masakit nyang ulo...

        "anong ginagawa mo bruha ka.. bakit nakatunganga ka dyan??"" galit na tanong nito...

        "ano po kasi,,,, si rafael nandito kanina..."" pagpapaliwanag nya..

        "rafael ba kamo??? wala naman ako nakitang rafael..... ikaw bruha ka,, magtrabaho ka ng maayos ,hindi iyong lumalandi ka.. akalamo naman may magkakagusto sayo??? sa panget mo na yan,,,"  sabay talikod.... at naiwang mag-isa sa pwesto si monica..

          halos madurog ang kanyang puso.... umaga palang panget na ang araw nya... hay naku!!! kailan ba gumanda ang araw ko... lagi namang ganto.. buti nalang malakas ang loob ko kung hindi bumaha na ng luha dito.. hay kailan kaya ako makakaalis sa lugar na ito. gusto ko lang naman respetuhin ako.. mahirap ba yun panginoon. alam kong may dahilan ka pero nakakapagod na, may puso din naman akong nasasaktan... tanging naibulong nya sa sarili.... natapos ang maghapon ni monica na nakakapagod....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

nkasakimanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon