~Chapter 22 ♥ Good Mood?~

1.4K 46 18
                                    

Photo made by me

Photo Quote:

I feel like the happiest person in the world, when you're here...

But it hurts that you're not...

******

|Chapter Twenty Two Good Mood?|

Alexandria's POV

"Alexia!! Gising na!!" Medyo sigaw na sabi ni Crystal sabay yugyug sa akin. Meron parin akong mga luha sa mata ko...

"Bakit?" Sabi ko na may bagong gising voice.

"May gustong kumausap sayo..." Sabi niya.

"Si Lazaro? Sabihin mo tulog na tulog ako at hindi ako magising..."

"Alexia... Baka kung anong isipin ni ina... Kausapin mo siya... Kahit saglit lang... Sige na..." Sabi ni Crystal. Sabagay baka kung ano nalang isipin ni ina. At kailangan kong maging matapang... Para na rin sa sarili ko...

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti.

"Sige..." Sabi ko at ngumiti si Crystal.

Lumabas siya ng kwarto at umupo ako sa may salamin at nakita ko na namamaga yung mga mata ko.

"Kaya ko to... Stay positive..."

Medyo inayos ko yung sarili ko pati yung damit ko... At lumabas na ng kwarto...

At habang bumababa ng hagdan sobrang pigil na pigil ako sa pag-iyak habang nakikita siya. Hindi ko siya kayang tignan kasi... Nasasaktan ako... Sobra...

"O! Anak! Buti gising ka na! O sige iwanan muna namin kayo... Ni Ginoong Lazaro!" Sabi ni Ina. At umalis na siya kasama si Ama. May pagdiriwang daw silang pupuntahan...

Hindi parin kami nagkikibuan habang pinapanood si Ama at Ina na umaalis.

Nang makaalis na si Ama at Ina, nagtangka akong umakyat na pero...

"Binibini! Sandali lamang!" Sigaw ni Lazaro. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Pigil na pigil ako ngayong umiyak. Napatingin ako kay Crystal. At sineyasan niya ako na "sige na".

Hinarap ko si Lazaro at pinilit na ngumiti. Biglang may tumulong luha ko pero pinunasan ko agad.

"Bakit? Ginoo..." Mahina kong sabi... Hindi parin ako makatingin ng deretso sa mata niya.

"Alis muna kami..." Sabi ni Crystal. At nakita ko na lumabas si Crystal at Leonardo.

"Binibini... Hayaan mo akong magpaliwanag---" sabi ni Lazaro habang hawak sa kamay ko, pero pinutol ko siya.

"Hindi na kailangan Ginoo... Ayos lang naman sa akin na... Hindi mo ako mahalin... Wag ka magalala... Hindi ko sasabihin kay ama't ina pati narin sa mga magulang mo..." Sabi ko sabay pilit na ngiti. Hindi parin aki nakatingin sa mata niya.

Bigla niyang hinawakan yung baba ko gamit yung fingers niya at pinilit na tumingin ako sa mga mata niya. Magkalapit kami ngayon. Mga 5 in away.

"Binibini... Mahal----" sabi niya, pero pinutol ko ulit siya.

"Malaya kang magmahal ng iba..." Sabi ko at nagpumiglas sa hawak niya sa kamay ko. At iwas ng tingin. Naglakad na 'ko papunta sa kwarto ko.

Hindi na niya ako pinigilan pa...

The next day...

Umaga nanaman ulit at sa bagong araw na sinusubukan kong hindi na masaktan.

An I LOVE YOU from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon