In Love Ako Sa Isang Pangit

65 0 0
                                    

Pattrisia's POV

Maraming nagsasabi na love is BLIND.

Kung maganda at pogi ka,maiinlove agad ang isang tao sa iyo.

Pero,sa makatwiran,mas marami paring naniniwala:Na ang tunay na kagandahan ng isang tao ay nasa kalinisan ng kanyang kalooban.....

"Ahhh!"sigaw ni Pattrisia.

"Oh,anong nangyari sa iyo?Para kang nabuhusan ng mainit na tubig."tanong ni Bianca.

"OMG,best,ako ang valediktoryan ng klase natin!"

"Ha?!Congrats!"

Pagkatapos namin makita ang resulta,nilibre ko si Bianca.Pumunta kami sa pinakasikat na mall sa aming lungsod,ang Mall of Asia sa Maynila.Pero bago iyan,ipapakilala ko sa inyo muna ang sarili ko ako nga pala si Pattrisia Mae B. Santos as known as Pattrisia o Patt.Nakatira ako dito sa Quezon City.Hindi ako masyadong maputi at straight ang buhok ko.Maraming nagsasabi na ako ay maganda at tiyaka matalino.Kaya noong eleksyon sa school namin ng class president ako ang nanalo.Pagkatapos maraming mga pangit na boys ang lumapit sa akin upang magpaturo ng chemistry,pero hindi sila sinuwerte,nilayuan ko sila na parang basura kasabay ang salitang "YAK!"At ngayong 4th year high school na ako,nag-aral ako ng mabuti upang ako ang maging pinakamagaling na mag-aaral sa University of the Philippines,Diliman.At ngayon ako ang valediktoryan ng aming klase.At heto kami ni Bianca ngayon nagsasaya dito sa MOA,short for Mall of Asia.

"Best walang fit na damit sa akin dito."Sabi ni Bianca

"Paano naman kase,mas mataba ka pa kaysa sa isang puno,"sabi naman ni Patt.

"Ito naman,ang grabe magsalita."sagot naman ni Bianca

"Kumain na lang tayo sa KFC,gutom na ako,"nagugutom na sinabi ni Patt.

Ganun ang nangyari.Pumunta kami sa KFC.Pagkatapos,gusto na namin umuwi ni Bianca ng biglang.....

"Aray!!!"Sigaw ni Patt.

"Oh,ano na naman ang nangyari?"naghihinalang tanong ni Bianca.

"Sinaktan ako ni pangit,"

Ayun naman pala.May kinabangga akong pangit na lalaki,pero hindi ko alam kung kampi sa akin ang best friend ko kase inaawat niya kami.Eh,dati-dati hate na hate niya ang mga pangit katulad ng nakita ko ngayon sa mall.

"Sorry po,sorry po talaga.Hindi ko po sinasadya,at tiyaka hindi pangit ang pangalan ko,Jeremy po ang pangalan ko."Nagmamakaawang sinabi ni Jeremy.

"Oh,nabangga ka pala ng hammer na hawak ni Jeremy.At tiyaka may konting kagwapuhan naman si Jeremy."Nagpapaliwanag na sinasabi ni Bianca

"Sige na nga,pinapatawad na kita."Pagalit-galit na sabi ni Patt.

Lumabas na kami ni Bianca ng mall at sumakay sa isang taxi.Habang ako ay nasa taxi iniisip ko kung anong nangyari noong nabangga ako ng isang pangit.At,naisip ko tuloy,na dapat nagkaroon ako ng pasensya.Pero,gulong-gulo pa rin ang isip kung kailangan ba akong mag-move on para hindi ko na aayawan ang mga pangit?

____________________________________

Authors Note:

So,ano ang tingin ninyo this part?

~Liane_Bugaoisan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Love Ako Sa Isang PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon