Regalo (One Shot)

1.7K 76 42
                                    

Hindi talaga ako malapit sa aking mga magulang mula noong bata pa lang ako. Lalong-lalo na sa aking ama, minsan hindi ko siya maintindihan. Ang kalahting minsan naman ay hindi kami nagkikita. Ni hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang pangarap ko at kung ano ang gusto kong mangyari saaking buhay, pamilya, at kinabukasan. Ang aking ina naman ay punong-puno ng determinasyon para lang makita kami ng aking kapatid na umaakyat ng stage habang kinukuha ang aming diploma.

Ang kapatid ko naman, lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya ng walang kahirap-hirap. Siya ang paborito ng pamilya dahil matalino siya. Pero hindi din naman ako nagrereklamo. Si ama, laging wala sa bahay, laging nasa trabaho. Uuwi siya sa bahay na pagod kaya pinagsisilbihan ko. Minsan na nga lang siya umuwi, sermon pa ang inaabot ko.

May pagkakataong namamasyal kaming magpapamilya para lang punan ang mga kulang na oras ni ama. Pilit kaming nagsasaya kahit na minsan, medyo mainit ang ulo niya. Siguro dahil lang sa stressed siya palagi sa trabaho. Nananahimik na lang ako sa mga pagkakataong ganoon siya.

Isang beses bumili siya ng dalawang beer na nasa lata. Siguro iinumin niya lahat, pero pinaupo niya ako at binigay ang isa saakin. Ngumiti ako at nagpasalamat. Sinubukan naming magkaroon ng oras para sa isa't-isa. Isang bagay na hindi naman talaga namin ginagawa. Habang umiinom ako ay naitanong niya saakin kung may girlfriend na daw ba ako. Ang sabi ko ay wala pa. Kinantyawan niya ako at sinabing mahina daw ako sa babae. Tinanong niya kung sino daw ba yung mga dinadala kong babae sa bahay, akala niya daw kasi ay mga naging girlfriend ko sila. Mga kaibigan ko sila sabi ko. Kaunting tawanan at kantyawan ang nangyari. Maya-maya pa ay nagkwento na siya kung paano niya niligawan si ina, hanggang sa matapos kami sa pag-inom ng beer.

Lumipas ang mga linggo at bumalik ang lahat sa dati. Si ama na hindi makausap ng maayos dahil pagod. Si ama na laging wala sa bahay dahil nagsisikap sa pagtatrabaho. Hindi ako nagreklamo dahil hindi ko naman kailangan ng ganoon kalaking atensyon. Sa mga oras na wala ako sa aking pamilya ay matatagpuan ako sa aking mga kaibigan; nagsasaya at tumatawa na parang wala nang bukas. Nanonood ng DVD at tumatambay hanggang gabi na para bang wala na akong uuwiang pamilya. Dadating ako ng bahay at maaabutan kong tulog na silang lahat. Ngingiti ako habang pinapanood ko silang natutulog ng sama-sama, walang inaalala. Ang aking kapatid, si ina at si ama. Dumiretso ako sa aking kwarto at nagdasal bago matulog. Wala akong ibang hinihiling sa Diyos kundi maging ligtas lamang ang buhay ng mga minamahal ko. Makita ko lang silang humihinga, gumigising ng maaga, ngumingiti, nalulungkot at kahit na nagagalit ay ipinagpapasalamat ko na ng malaki. 

Lumipas pa ang mga taon, patuloy parin akong pumapasok sa eskwelahan para lamang makamit ang kursong pagdodoktor, isang kursong hindi ko talaga ninais makuha ngunit kinuha ko nadin dahil sa hiling ni ama. Bagay na ginawa ko upang pasalamatan lamang siya sakanyang pagsasakripisyo para sa pamilya. Wala namang ibang hinahangad ang mga magulang kundi ang maging masagana ang buhay ng kanilang mga anak.

May mga pagkakataong muntik na akong sumuko sa aking pag-aaral dahil narin siguro sa hirap ng buhay. Inisip kong magtrabaho pero pinigilan ako ni ina. Mas mahalaga daw ang edukasyon kesa sa materyal na bagay dahil hindi ito nakukuha ng iba. Bagay na aking nakikita palagi. Dahil sa hirap ng buhay, may mga kabataang hindi nag-aaral ng maayos, nagtatrabaho kahit na kakarampot lang ang sweldo. Sa huli wala ring napapasukan dahil walang diploma.

Itinuloy ko ang pag-aaral. Simula nang malaman ni ama na binalak ko ang magtrabaho ay malimit ko na siyang makita sa bahay, hindi gaya ng dati. Ngayon umuuwi siya na laging pagod. Minsan uuwi siya na may dalang pagkain pero hindi na siya naghahapunan. Natutulog na lamang siya upang makapagpahinga.

Regalo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon