Him - 1

8 0 0
                                    

Chapter One

Troy's POV

"Babe, kain muna tayo." sabi ko sa gwapong katabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Shet! Iba yung nasa isipan niya.

"Babe naman. Mamaya, sa kwarto tayo magkainan." Sabi na eh! Letche talaga tong lalaking to. Sobrang pervert ng isip.

Hinampas ko siya sa braso pero hinimas himas ko rin nung nakita kong nasaktan siya.

"Aray ko naman, babe! Lagi mo na lang ako sinasaktan." sabi niya na kunwari nasasaktan talaga siya.

"Ang bastos kasi ng isipan mo!" bulyaw ko sa kanya. Binabadtrip ako nitong taong to eh. Tao ba to?

"Tsk. Pag nagpakasal naman na tayo, gagawin na natin yun eh. Inaagahan ko lang." sabi niya tapos nagsmirk pa ang loko. Hmmm. Plano nito kasi na sa Australia kami magpakasal pagkatapos magcollege.

Hindi naman kasi pwede dito sa Pilipinas since hindi naman na aprubahan ang same sex marriage.

"Baliw ka talaga. Mag-isip ka na lang kung saan tayo kakain." sabi ko habang naghahanap ng makakainan. Tumawa lang siya at saka hinila ako papunta sa isang restaurant na nakita niya.

"Hanap ka na ng mauupuan natin, ako na oorder." At dahil tamad ako, dun ako naupo malapit sa counter. Eh sa tamad ako eh! Haha.

Napansin kong nagpapacute yung cashier kay Luke. Uminit agad yung dugo ko sa babae.

Tumayo ako at lumapit kay Luke. Kumapit ako sa braso ni Luke para ipamukha sa kanya na taken na ang nilalandi niya. Tinaasan ko ng kilay yung babae at ibinaling ang tingin kay Luke.

"Babe, ang tagal mo naman. Nagugutom na ko. Pag hindi mo binilisan, may kakainin akong baboy eh!" diniin ko talaga yung baboy habang nakatingin sa babae. Ang landi! Hindi na lang magtrabaho ng maayos eh.

"Eto na, babe. Umoorder na ko." sabi niya sabay kiss sa noo ko. Oo na! Mas maliit na ko kay Luke.

"Sayang, ang gwapo pa naman nung guy." Narinig kong bulong ng babae. Hindi ko to palalampasin.

"Ate, sa susunod po, siguraduhin mong hindi naririnig yung boses mo kapag bumubulong. Isa pa, gwapo talaga ang boyfriend ko pero hindi siya sayang. Sayang siya kapag napunta sayo, alam mo kung bakit? Imbis na magtrabaho ka, inuuna mo pa yung paglalandi." Ang sama ko na ba? Sorry kung grabe ako ah. Sa mga nagsasabi na ang mataray ako, oo. Mataray talaga ako pero nagtataray ako kung kinakailangan.

At sa mga nagsasabi na asal mayaman ako, hindi ako mayaman. Si Luke ang mayaman.

Umalis na kami nung nagbayad na si Luke sa inorder niya. Inunahan ko siyang maglakad papunta sa pwesto namin.

Kinuha ko yung cellphone ko at hindi siya pinansin.

"Babe." Tawag niya sa akin. Naiinis ako sa kanya.

"Uy, babe. Anong problema?" tanong niya pero hindi ko pa rin pinansin.

Inabot niya yung kamay ko para hawakan. Di ko na lang pinansin.

"Selos ka, no?" tanong niya na sa lagay ko, nakangiti to ng nakakaloko. Tumingin ako sa kanya.

"Oo, nagselos ako. Hinayaan mo lang siyang magpacute sayo eh. Gusto ko, ako lang gagawa nun sayo." sabi ko sabay inirapan siya. Selfish ako eh. Gusto ko, yung akin akin lang. OA ko. Hindi naman inaagaw sa 'kin yung boyfriend ko eh. Nilalandi lang.

"Sorry na, hindi ko naman napansin na nagpapacute siya eh. Saka ayos lang yun! Gwapo yung boyfriend mo eh." sabi niya na may dalang hangin. Jusko! Tatangayin yata ako eh.

Him (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon