Chapter 2
Troy's POV
Kinabukasan, nagpunta kami sa park ng cute kong aso na si Chuchay! Siya ay isang asong kalye na kinupkop ko dahil nakita ko itong nakahiga lang sa kalsada.
Wala namang may-ari kaya ayos lang! Haha.
Tuwang tuwa akong tinitignan si Chuchay na nakalabas ang dila. Nauuhaw kaya ito?
Dumapa ako para hawakan ang ulo ni Chuchay at kinausap ito na parang tao.
"Chuchay, napapagod ka na ba?" At syempre, hindi ito sumagot. Tatakbuhan ko talaga to kapag sumagot to, nakakaloka.
Umupo kami sa isang bench at itinali ko yung tali niya sa paanan ng bench.
Inilabas ko yung phone ko at tinext ang mahal ko. (BWAHAHA! Ang pangit.)
To: PrinceLuke<3
Good morning, my prince! Dont forget to eat your breakfast, okay? Love you.
Kinikilig naman ako habang tinatype yan. Landi ng lola niyo! Haha.
Tumingin ako kay Chuchay at nakitang wala na yung tali sa paanan ng bench.
Nataranta ako at hinanap siya sa paligid. Gala talaga yung asong yun!
Mangiyak-ngiyak na ko nung hindi ko pa rin mahanap siya. Shet! Mahal ko yung asong yun eh.
Halos naikot ko na yung park pero kahit anino ni Chuchay, hindi ko makita. Waaah! Sino na magbabantay sa bahay namin?
Inikot ko muli ang park at nagbabakasakaling makita ko siya, pero wala akong nakitang Chuchay.
Napakacareless ko!
Lumuhod na lang ako sa lupa at umiyak doon na parang batang inagawan ng candy. Bahala na kung pagtinginan ako ng mga tao. Akala siguro nila, nagdadasal ako.
Naramdaman ko na lang na may dumidila sa tenga ko. Nakiliti ako at nakita si Chuchay na dinidilaan ako at may kasama siyang lalaki?
Lumandi si Chuchay?
Gwapo yung lalaki. Matangos yung ilong, maputi, matangkad at medyo mapula yung labi niya.
Napanganga na lang ako sa kagwapuhan niya kaso ang awkward ng position namin.
Nakaluhod ako at nakanganga habang nasa harap ko siya. (Letche! Di ko to kinaya. HAHA!)
Inalok niya ako ng kamay niya para makatayo ako. Malambot ang mga kamay niya at halatang hindi gumagawa sa gawaing bahay.
Nagstay lang sa tabi ko si Chuchay.
"Aso mo?" tanong niya. Malalim ang boses niya at lalaking lalaki.
Tumango na lang ako bilang sagot. Umurong ata yung dila ko sa kanya.
"By the way, Im Matthew." sabi niya at ngumiti. Shet! Nasa heaven na ba ako?
Pero shet lang, sobrang landi ko ha. May boyfriend na ko tapos ganto yung ginagawa ko.
"I'm yours – este Im Troy." sabi ko habang nagflash ako ng nahihiyang smile.
"Ah. Malapit ka lang rito?" tanong niya.
"Ah, oo. Diyan lang ako." sabi ko sa kanya na ikinangiti niya lalo.
"That's great! Pwede pala tayo maghang out minsan. Bagong lipat lang kasi kami dito." sabi niya habang nakangiti.
"Sure, welcome to our baranggay. Haha!" sabi ko at tumawa. Tumawa rin siya at yung tawa niya na pang macho, though hindi naman siya machong macho.

BINABASA MO ANG
Him (boyxboy)
Teen FictionDate started: June 14, 2017 ~~~~~~~~~~~~ Cast: Christian Troy De Leon as Troy Luke John Jimenez as Luke